Chapter 1 Engagement Party

37 3 0
                                    

Alas siyete ng gabi, blangko ang utak ko habang nagmamaneho ng kotse sa isang madilim at 'di-tiyak na lugar. Mabilis ang naging takbo ko noon, na tila ba'y walang pakialam kung ano ang maaaring mangyari sa aking unahan. Patuloy lang ako sa pagmamaneho, umiiyak ng todo, at sinuntok-suntok ang manibela sa harapan ko.

Inisip ko na sa oras na iyon that I may be put in harm at siguradong kamatayan ang patutunguhan ko.

But when I decided to switch my car's running rate into a speediest one, nabangga ako sa hindi ko makitang nilalang. I supposed it was an animal lang na pagala-gala sa kalsada, but when I bulged my eyes at nilinaw kung ano iyon, I finally distinguished na tao pala ang nasagasaan ko. She was severely injured pagkakita ko nang malapitan dahilan para gumising na ako sa totoong ako.

Nilapitan ko siya at sinuri kung nagkamalay pa ba, subalit she lost her consciousness na.

"I'm sorry miss, hindi ko sinasadya," mahinang sabi ko sa walang malay na babae habang hindi pa rin ako humihinto sa paghibik.

Itinakbo ko siya kaagad sa pinakamalapit na ospital sa takot na baka tuluyan na siyang mawalan ng hininga. Ang totoo, the fact that iyong hindi ko pa nasagasaan ang babae ay gustong-gusto ko talagang mamatay na but when nakita ko siyang duguan at severely wounded, nagbago ang isip kong mawala sa mundo.

I totally experienced too much depression dahil durog pa ang puso ko noon. Nanggaling pa ako sa breakup with my ex-boyfriend, ang dahilan kung bakit gusto ko nang bumitaw sa buhay.

However, the girl I hit by my car ang laman na ng isip ko time to time. Hindi ako mapakali sa bawat minutong lumilipas na wala pang update ang mga doctor galing sa operating room. Kinakabahan na ako sa labas habang naghihintay. Until, dumating na ang parents ng pasyenteng nabangga ko, eksaktong iyon din ang kasabay ng paglabas ng mga doctor mula sa operating room.

"Sino ba ang mga magulang ng pasyente?" tanong ng veteran doctor.

Nakinig kami sa result na sinabi ng doctor. And, sa kabutihang palad ay nakaligtas ang babae.

Samantala, galit na galit sa akin ang mga magulang ng babae. Hiningan na sana ako ng pambayad sa naggastos nila sa ospital nang biglang sumingit sa usapan ang anak nila.

"Mom, dad, stop treating her as your enemy. I know she can't afford it," wika ng babae.

"Amie, ano bang gusto mong gawin namin para mabayaran ang kasalanan niya sa 'yo? Muntik ka nang mamatay, anak," maluhang sabi ng ama ni Amie.

Si Amie Adamo ang kaisa-isang anak ng mayamang pamilya. Nakatira sila sa bayan ng Dalandan, ang karatig bayan ng Bayabas kung saan ako galing. Mahal na mahal ng mga Adamo ang kanilang anak kaya 'di nila hinahayaang masaktan iyon. Dahil sa sobrang pagmamahal, lahat ng gusto ni Amie ay sinusunod nila maliban na lang sa isang bagay na hindi nila kayang ibigay sa kaniya.

Ang babae ay nakatakdang ikasal sa anak ng best friend ng ama ni Amie. Ang araw ng mahalagang okasyon ay hindi pa napag-uusapan subalit sa madaling panahon ang agreement ng magkaibigan. Ang totoo, ayaw talaga ni Amie na makasal sa lalaking hindi niya mahal kaya sumubok siyang magpakamatay sa gitna ng daan. Sinadya niyang magpabangga sa kotse ko kaya nangyari ang aksidenteng iyon.

May kasintahan siyang pinangakuan na hindi alam ng kaniyang mga magulang, the secret na hindi niya kayang aminin sa takot na paghiwalayin sila. Kaya, pagpapakamatay ang naisip niyang solusyon para takasan ang kasal na hindi niya gusto.

The wedding is about business, ang kasunduang pinagtibay ng mag close friends para sa future ng two companies. But, the bride was severely wounded nang dahil sa akin.

Sinubukang hinikayat ni Amie ang kaniyang mga magulang na gamitin ako as substitute bride bilang bayad ko sa atraso ko sa kanila. I had no choice but to agree sa nasabing kasunduan na pinagtibay ng isang abogado ng pamilya. Kahit hindi nila nakita ang buong mukha ko dahil lagi akong nakamask, nagtiwala pa rin sila sa akin. Then I signed the contract and embraced the new identity. Simula sa araw na iyon, Amie Ann Adamo na ang full name na dinala ko, the name of the true bride na pinagkatiwala lang sa akin.

Early in the morning, ginising ako ng ina ni Amie para ihanda ang sarili for my engagement day. Nabigla talaga ako sa napakaabrupt na mahalagang okasyong iyon. I was not informed about that matter kasi in-expect ko na sa susunod na linggo pa gagawin iyon. But, ganoon na lang kabilis ang aking pagiging artista dahil kailangan ko ng simulan ang trabaho ko.

Buong umaga akong inayusan ng mga hairstylist at make-up artist ko. It was my first time na maging galante ang appearance na haharap sa maraming tao kung kaya't nanibago ako sa itsura ko.

Pagpatak ng ala-una ng hapon, nagsidatingan na ang mga bisita at ang parents ng kabilang pamilya. Nanginginig na ako sa takot habang nakaupo sa chair ko katabi ang ina ni Amie.

"Trinah, mukhang kinakabahan ka, iha. Relax ka lang, mahahalata ka niyan," sabi ni Mrs. Adamo.

Hinawakan niya ang malamig kong kamay sabay himas sa bawat daliri, pinapakalma ang loob ko, at pinaparamdam na suportado niya ako. "You have to remain calm lalong-lalo na kapag makaharap na natin ang pamilyang Perrie at ang anak nila. Iha, gawin mo 'to para kay Amie."

Wala akong naggawa kundi tumango na lang dahil kasama naman iyon sa kuntrata ko, ang sumang-ayon sa lahat ng gusto ng pamilyang Adamo. Bagaman mabigat sa loob kong gawin ang iniuutos nila sa akin, sinusunod ko pa rin ang kalooban nila dahil malaki rin kasi ang atraso ko sa anak nila.

Kaya, tumayo ako sa eksaktong oras ng pagtawag ng emcee sa pangalan ko at pumunta sa stage for meeting my man. And there, I saw him na nakatayo, hinihintay akong makita.

Then together we said, "Ikaw?"

Parehong gulat kami sa isa't isa dahil nagkatagpo na kami before pero sa hindi magandang circumstance. I didn't know him yet, it's just that, siya lang naman ang lalaking kinaiinisan ko. We met sa isang forum ng lahat ng writers about 'Tips for Writing Novel Enhancement' na sponsored ng isang mayamang personalidad na mahilig magbasa ng novels.

Sa forum na ginanap within two hours, ilang beses akong pinahiya ng lalaking iyon dahil sa poor storylines ko raw sa mga nobela na sinulat ko.

Isa kasi siya sa mga speakers doon, kaya hindi ko maggawang magreklamo sa mga pinangsasabi niya sa 'kin. Pinuna rin niya ako sa mask kong cheap daw at hindi raw ako bagay doon for unprofessionalism na appearance ko. Sobra siyang makapanglait ng mahihirap na katulad ko at hindi ko siya nagustuhang makita roon.

Buti na lang, nag emergency exit siya for valid reason niya sa company daw nila, kaya nakalimutan ko sandali ang inis ko sa kaniya. But, still hindi ko nakalimutan ang mukha niya.

"Magkakilala kayo? Or Have you met before?" tanong sa amin ni Mr. Perrie na nakangiting humarap sa amin.

Agad namin siyang sinagot ng, "Yes!"
Tumawa ang buong pamilya at mukhang nasiyahan silang hindi kami estranghero sa isat'-isa. Lumapit si Mr. Perrie sa mikropono at nagsalitang, "Mabuti. Ngayon din ay iaaanunsyo ko na next week gaganapin ang inyong kasal."

"WHAT?" we both shouted.

Nagpalakpakan ang mga iilang bisita na inimbita ng magkaibigang Seph Perrie at Klinton Adamo. Lubhang masaya sila sa kanilang narinig mula sa bibig ng sikat na tao, si Mr. Perrie, ang pangalawa sa pinakamaimpluwensyang tao ng bansa.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon