Chapter 47: 99.99% matched

1 0 0
                                    

Andrew's POV

Pinauwi ko si Antonette sa kanilang bahay matapos niyang ginamot ang sugat sa bibig ko. Ayaw ko lang kasi dagdagan ang pighati ni Trinah, kapag nalaman niyang doon sa bahay ko pinatulog ang taong kinaiinisan niya. No choice lang naman talaga ako sa lahat ng mga ginawa ko. Kailangan ko munang magsakripisyo sa ngayon para maisalba ang kompanya namin.

Lumipas ang dalawang araw, nabalitaan kong isinugod daw sa ospital si Fin, ang anak ni Trinah, dahil sa labis ang pagdurugo ng kaniyang ulo bunga ng pagkakauntog nito sa sahig. Ayon kasi sa source ko, hindi raw nabantayan ni Dahlia ang bata na natumba habang pinipilit na tumayo.

Abala kasi si Dahlia sa paglalaba ng mga damit nito at inakala niya'y natutulog pa ang bata sa lalagyan nito. Subalit, narinig na lang niyang umiiyak nang malakas ang bata na agad namang pinuntahan niya at nang makita't duguan na ang noo nito.

Pumunta ako sa ospital kung saan na-confine si Fin. Nakita ko sa loob si Trinah, na lumuluha habang hinahawakan ang mga kamay ng anak niya. Na-touch ako sa kalagayan niya at nalungkot na rin dahil wala akong maggawa.

Nang lumabas ang doctor sa ward nila, tinanong ko siya, "Doc, kumusta po si Fin Dela Luz? Okay lang ba siya?"

"Sa ngayon, inoobserbahan pa ang pasyente dahil hindi pa lumalabas ang result ng CT scan niya. Kailangan lang niyang maabunuhan ng dugo sa lalong madaling panahon. Bakit ba, ama ka ba niya?"

Nag-isip ako kung ano ang isasagot na makatutulong sa mabilis na pagtulong sa kalagayan ni Fin. At lumabas sa bibig kong mga salitang, "O-opo, paano ba ako makatutulong?"

"Halika, subukan natin kung puwede kang maging donor para sa anak mo. Hindi kasi puwede ang asawa mo dahil may maintenance siyang gamot na iniinom para sa sakit niyang dementia."

"Dementia, doc?"

"Ah, oo. Hindi ba niya nasabi sa 'yo na iyong last result ng check-up niya ay lumabas na ang symptoms nang madalas niyang pagkamakakalimutin ay dahil sa kaniyang sakit na simpleng brain dysfunction o brain trauma ay umakyat na sa dementia? Naku, pag-usapan niyo iyang mag-asawa," paglalahad ng doctor.

Hindi ko alam na seryoso na pala ang iniindang sakit ni Trinah. Wala man lang akong maggawa sa kaniya kundi magbigay ng sakit ng ulo at problema.

Pinasuri ko ang dugo ko kung puwede ba akong maging donor para sa anak ni Trinah. Lumabas sa results na match kami subalit may isang bagay na nakita sa dugo ko; ang alcohol content, na hindi angkop na masalin sa bata dahil baka hindi siya gagaling o masira pa ang ibang parts ng katawan niya.

Kagabi kasi ay uminom ako ng isang boteng alak bago natulog. Naalala ko kasi si Trinah sa tuwing matutulog na sana ako. Ang mga labi niya, ang halik niya, at ang pag-angkin niya sa akin noong honeymoon night namin ay ang laging nasa isipan ko. Kaya, ininom ko na lang iyon ng vino para mahimasmasan.

Tiningnan ko ang resulta sa papel na binigay ng doctor sa akin. Nakasulat doon na father and son's blood is matched but the presence of alcohol content do'nt allow to transmit blood to the patient. Paanong naging match halos lahat ng data namin ni Fin na hindi ko naman siya anak?

Umupo muna ako sa bench habang hawak ko ang resulta sa laboratory ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang malapit kong kaibigan na nagtatrabaho sa isang DNA laboratory.

"Hello, Direk. Busy ka ba ngayon?"

"Ah, hindi naman, tol. Napatawag ka?" tugon niya on the phone.

Huminga muna ako nang malalim saka nagsalitang, "Ahm, may ibibigay sana akong samples sa 'yo na medyo confidential 'to. Puwedeng sa atin na lang muna 'to, tol?"

"Sige. Kahit anoman iyan. Maasahan mo ako, tol. Basta ibigay mo lang sa akin para masuri ko na."

"Sige, salamat tol."

"Walang anoman, basta ikaw, tol."

Ibinaba ko ang phone matapos niyang sinang-ayunan ang pabor ko. Ipinikit ko naman saglit ang mga mata para kalmahin ang sarili.

***

"Tol, bakit mo ba naisipang ipa-DNA ang hindi mo anak kung sigurado kang hindi mo naggalaw ang ina niya?" tanong ni Direk, ang kaibigan kong matagal na nagtatrabaho sa DNA laboratory clinic.

"Iyon na nga, eh. Wala akong naalala sa mga nangyari noong nalasing ako sa gabing iyon. Pero, duda akong baka may nangyari talaga sa amin ni Trinah dahil talagang match iyong blood data namin ni Fin, ang anak niya."

"Ah sige. Kumbaga, gusto mo lang kumpirmahin kung si Fin ba talaga'y anak mo sa tulong ng DNA test? Don't worry, ako na bahala rito. Just wait for three days for the results."

"Salamat, tol."

Tumango lamang si Direk bilang pagsang-ayon habang ako'y kinakabahan na sa magiging resulta nito. Hawak na ng kaibigan ko ang samples namin ni Din pero parang gusto kong bawiin iyon. Nag-aalinlangan pa kasi ako kung tama ba ang desisyon ko.

Natatakot ako, baka dahil sa padalos-dalos kong plano ay madamay pati reputasyon ng pamilya ko. Hindi puwedeng akusahan akong rapist o mananamantala. Ayaw kong masira ang pangalan ko. Gayunpaman, buo na ang desisyon kong ipagpatuloy ang pagsusuri niyon dahil sa kahit na anong mangyari ay tatanggapin ko ang magiging resulta para na rin sa kapayapaan ng isipan ko.

***

Habang nagkakape ako kasama ang buong pamilya ko, dumating si Antonette para surpresahin ako ng isang birthday wish ko; isang folder na naglalaman ng datos sa financial statement ng kompanya namin.

Sa ilang araw na binawi ko ang pagkalugmok niyon ay nagresulta ng magandang balita; tumaas ang sales ng 40 percent. Lubhang nasiyahan ako sa nakita kong graph, kaya napayakap ako kay Antonette.

Ngunit nang matapos na ang saya ko, nabalik sa isip kong kailangan kong i-distansya muna ang sarili ng kaunti mula kay Antonette upang maiwasang mahulog ang loob ko sa kaniya. Kaya, agad na iniwan ko ang katawan ko sa pagkakayakap sa kaniya.

"I'm sorry, ang saya ko lang talaga," pagdadahilan ko para 'di niya nahahalatang iniiwasan ko siya.

"Okay lang. Normal lang naman sa mag-jowa ang magyakapan," nakangiting sagot niya.

Napasunud-sunod kong hinigop ang kape ko kahit mainit pa iyon. Kaya, napaso ang dila ko.

"Aray, mainit pala. Kala ko—" Agad kumuha si Antonette ng malamig na tubig sa mesa at dahan-dahang sinubuan ako.

"I-gorgle mo para maibsan ang init. Maya-maya, magagamot na iyang pagkapaso ng dila mo," wika niya, sabay punas ng table napkin sa labas ng bibig ko.

Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti siya sa akin. Ang ganda niyang babae pero bakit hindi ko siya maggawang magustuhan?

Si Antonette nga pala ang nagsalba sa kompanya namin. Maliit na lang kasi ang kapital namin dahil kalahati ng pondo ay ninakaw ni kuya Nathan. Kaya, nilabas ni Antonette ang sariling ipon niya para i-invest sa kompanya namin.

Tumulong rin siya sa promotions at inako lahat ang responsibilidad na sana'y sa akin iyon. Lahat ng iyon ay ginawa niya para tulungan akong maibangon ang pinaghirapan naming kompanya. Umutang din siya ng pera sa ama niya bilang pantulong sa paggamot ng ama ko.

***

Dumating na ang takdang araw. In-email lang ni Direk ang resulta sa DNA namin ni Fin sa Gmail ko. Natakot akong buksan ang nakaspam pa na email.

Nanalangin pa ako na kung ano man ang resulta ay sana'y hindi iyon ang magpapahamak sa akin.

Nang buksan ko ang mensahe, ang unang nabasa ko ay pangalan ni Fin. Hindi ko maintindihan ang mga data na nakasulat. Ang tanging klaro na basahin na dahan-dahang in-acroll down ko pa, ay ang salitang, '99.99% matched'.

Anak ko si Fin!

Huhu, anak ko talaga siya kay Trinah.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon