Chapter 2: Andrew, as Trinah's savior

11 2 0
                                    

Pumunta ako sa garden malapit sa may fountain upang magpahangin nang sandali. Hindi ko akalaing pati roon ay susundan ako ng lalaking kinaiinisan ko. Si Seph Andrew Perrie ang panganay na anak ng Perrie family. Mula siya sa mga angkang mayayaman at sikat sa business industry.

Siya na lang ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang mga magulang sa kanilang negosyo dahil hindi na maaasahan ang kapatid niya tungkol do'n. Matagal na kasi raw nawawala ang bunsong kapatid niya at hindi nila natagpuan, kaya nakaatang sa kaniya ang lahat ng responsibilidad ng pamilya.

Kahit malayo pa siya ay amoy ko na ang pabango niyang napakatapang, in other words, masakit sa ilong sa katagalan. Alam kong siya ang taong papalapit sa akin dahil wala naman akong inimbitang kakilala na sumama sa pagmumuni-muni ko roon.

"Hey, Amie Ann. Ang taas pala ng pangalan mo. Akala ko talaga Ann lang name mo, eh. Iyon lang kasi ang naalala ko the last time I saw you," ani niya, habang pumuwesto siya sa right side malapit sa kinatatayuan ko.

"Pakialam mo sa pangalan ko. Mataas nga rin name mo. Hindi ba't two words din? Tsk," pasungit kong sagot sa kaniya.

"Well, never mind that issue. Let's talk about us. We will get married soon, so I want to clear things to you." Nagsimulang kinabahan ako kung ano ang ibig sabihin niyang clear things na iyon. Ang nasa isip ko'y hindi niya talaga ako gusto dahil na rin sa mga past alitan namin and the worst is baka pati siya susundin ko rin.

"Dederetsuhin na kita, Amie. Hindi kita type na maging asawa ko. Wala akong nakita sa kahit isang features of my dream wife sa 'yo. It's just that I made all of these things for business. The engagement, the wedding, and the closure of both of us ay ginawa ko for the sake of my family's future. I am business-minded na tao kung kaya't normal lang ito sa akin," dagdag pa niya.

Nginitian ko lang siya at tinanong kung ano ang gusto niyang gawin ko. At, ito ang paglilinaw niya sa akin sa pamamagitan ng seryosong pananalita.

"Magpapakasal ako sa 'yo pero kailangan makipagcooperate ka sa akin after the wedding. Malalaman mo lang ang mga rules ko kapag puwede na. Sa ngayon, let's go to the flow at—" He gave me his arms, isang pag-anyaya niya sa isang pagkukunwaring nagkakamabutihan na kami para ipakita sa mga tao na masaya pa rin kami kahit arranged marriage ang ginawa sa amin. Higit sa lahat, ang kapakanan pa rin ng bawat business ang nasa isip namin.

Pinag-usapan na ang lahat ng mga bagay para sa kasal. Naggawa na ang step-by-step process ng engagement. Masayang nakikiparty ang mga bisita at ang buong okasyon ay matagumpay na natapos. 

Kinabukasan, nagtungo ako sa ospital para dalawin si Amie roon. Naabutan ko siyang inalalayang maglakad ng isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Nabigla ang dalawa sa kanilang nakita at pati ako ay naguluhan na rin.

"Bakit parang namumutla kayong dalawa? Nakaistorbo ba ako?" pagtatanong ko sa kanila.

Nag-abot ang mga mata ng dalawa wari'y nag-uusap ang kanilang mga isipan. Doon ko na nahalatang baka magkasintahan ang dalawa at tinatago lang nila ang kanilang relasyon.

"It's okay. Normal lang naman iyang ginagawa niyo bilang magjowa, eh. Continue niyo lang," ani ko.

"Alam mo na?" magkasabay nilang bigkas.

"Yeah, halata naman, eh." Nginitian ko silang dalawa at binigyan ng mga words of advice.

Nasiyahan naman sila sa mga sinabi ko at sa kabutihang palad ay ikinuwento nila sa akin ang lahat tungkol sa relasyon nila.

Amie is totally a shy person, kaya nga walang ni-isa sa village nila ang nakakakita sa whole face niya. Hindi siya mahilig lumabas ng bahay tulad ng ibang mga anak ng mayayamang tao.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon