Andrew's POV
Ang postura, pananamit, at ang buong katawan niya'y nakikilala ko kahit nasa kalayuan man siya, lalung-lalo na no'ng isang metro lang ang pagitan ko sa kaniya. Hindi ko siya maggawang kausapin ni lapitan man dahil kasama ko si Antonette. Ayaw kong masira ang araw niya dahil sa akin.
Pagkatapos ng isang panayam na dinaluhan namin ni Antonette para sagutin ang iilang katanungan tungkol sa naudlot naming kasal noon na isasagawa ulit, ay dumiretso na ako sa paghahanap kay Trinah. Dala ko ang papel na naglalaman ng katunayan na anak ko si Fin para sana ipakita kay Trinah at ipapahayag sa kaniya na paninindigan ko siya kahit hindi man kami magkasama.
Hindi ko siya nakita sa opisina niya; tanging sekretarya lang ni Ms. Jazmine ang tinanong ko.
"Miss Janette, saan po ba si Trinah?"
Kahit abala'y dumungaw pa rin siya at ibinaba ang salamin sa mata, saka tumugon ng, "Ewan ko. Hindi na siya bumalik after niyang maglunch. Ganoon naman iyon, eh. Laging nawawala... Palibhasa, paborito ni boss."
Pansin ko, iba ang naging pagtanggap ni Janette sa katanungan ko. Para ba gang may something siya kay Trinah dahil pati pala kasama ni Trinah sa trabaho ay nagseselos na sa kaniya. Nahiya na lang ako, kaya nagpaalam na lang ako sa kaniya na umalis.
***
Nakita ko si Nathan sa isang murag restaurant na dinaanan ko nang nag-iisa. Kaya, nilapitan ko siya at kinausap.
"Kuya, bakit mo ba naggawa iyon sa pamilya natin? Alam mo bang ako iyong sumalo ng responsibilidad mo, hah?" bulyaw ko sa kaniya.
"Seph, pasensya na. Naging gahaman ako. Kailangan ko lang talaga iyong pera."
"Ano? Para sa'n?"
"Sa girl friend ko."
Napatigil ako. Pagkarinig ko mula sa bibig ng kapatid ko na ang pera na ninakaw niya ay para sa girl friend niya, ay bigla akong nagselos at nadismaya sa sarili. Ever since, hindi ko man lang naggawa iyon para kay Trinah. Hindi ko man lang isinakripisyo ang kagustuhan ng pamilya ko para sa babaeng mahal ko.
Subalit, mali pa rin ang ginawa ni Nathan. Kahit alam kong masama ang ginawa niya, inusisa ko pa rin siya para malaman kong paano at anong mga dahilan kung bakit mas pinili niyang magnakaw para sa girl friend niya.
Niyupi niya ang dalawang tuhod niya na dahan-dahang inilapat niya sa sahig at sa mismong harapan ko, habang nagpipigil lang ako na suntukin siya.
"Patawarin mo 'ko, kapatid ko. Mas pinili kong gumawa nang masama para maisalba ang buhay ng mag-ina ko." Dinig ko na ang kaniyang paghikbi sa harapan ng mga binti ko. Basang-basa na ang pantalon ko dahil sa mga wisik ng luha niya.
"Ano? Anong kinalaman ng pera natin sa buhay ng mag-ina mo?"
"Nagkaovarian cancer siya habang pinagbubuntis ang anak namin. 50/50 ang buhay niya no'ng nasa delivery room na siya para isilang si baby Andi. Kinailangan ko ng two million pesos para sa operasyon. Kaya ko naggawang pagnakawan ang kompanya sa halagang iyon."
"Two million pesos? Maliit lang pala na halaga pero bakit halos kalahati ng pera ng kompanya ang kinuha mo?"
Itinaas niya ang kaniyang noo direkta sa akin. Wari'y may ipinapahiwatig siyang mahalagang bagay sa akin.
"Ano?" Tumayo na siya at umulit pa, "Anong sabi mo?'
"Kuya, bingi ka ba?... Almost 500 billion pesos ang nawawalang pera sa kompanya. Paano mo gagastusin iyon nang mag-isa, sige nga!" Galit an galit na ako. Ipinakita ko sa kaniya ang matalim kong pagtitig sa mga mata niya.
"Impossible! Dalawang milyon lang ang ninakaw ko, Seph," pabagsak niyang paglilinaw sa akin.
Napabuntong-hininga ako, at saka napakamot sa ulo. Tinanong ko pa siya ng ilang beses, subalit iisa lang ang sagot niya; na dalawang milyong piso lang ang kinuha niya sa kompanya.
Kung gano'n, sino ang isa pang magnanakaw na pumuslit pera sa kompanya?
Naggawa pa talaga niyang i-frame-up niyang kapatid ko sa hindi niya ginawa. Besides, iyong kinuha ni Nathan ay puwede lang siyang mapatawad agad dahil sa liit ng halaga kumpara sa ilang bilyong nawala sa pera ng kompanya.
***
Isinama ko si Nathan sa bahay upang iharap siya sa mga magulang namin. Balak ko kasing samahan siya na magpaliwanag nang maayos para malinis ang kaniyang pangalan sa kompanya.
Hindi ko gustong magtiis ang kapatid ko sa maling pag-aakala at panghuhusga!
Nakita kong abala si Mom at Dad sa panonood ng paborito nilang teleserye sa telebisyon. Dinig ko pang halakhakan nilang dalawa sa sala. Naghinay-hinay kaming humakbang papunta sa likod nila upang hindi sila madistorbo sa panonood. Ngunit, sa 'di inaasahan, tumunog ang puwet ni Nathan.
"Poooot," isa, at dalawang magkasunod na tunog ng masamang hanging binitawan ng puwet ni Nathan.
"Kuya, ba't ka pa umutot?" pabulong kong sabi.
"Hindi ko napigilan sorry," mahinang boses na tugon niya.
Huli na nang akmang tatago kami sa likod ng sofa. Nakatitig na ang mga mata ng mag-asawa sa aming dalawa. Wala na kaming magawa kundi lapitan sila at kausapin.
Ang unang reaksyon ni Dad ay pag-iba ng ekspresyon sa mukha. Mula sa nakaangat na pisngi ay bumaba ito pabalik sa orihinal na posisyon nito at nag-abot ang kaniyang kilay.
"Andrew, anong ginagawa ni Nathan dito?"
Susugurin na sana ni Dad si Nathan at pauulanan ng suntok, buti na lang, nandoon ako para umawat sa kaniya.
"Hayop ka!" paninigaw ni Dad sabay dinuro-duro si Nathan. Nanginginig ang kaniyang hintuturo sa tindi ng galit niya sa kapatid ko.
"Dad, sorry," pagsusumamo ni Nathan.
"Sorry? Hah?" Tinadyakan ni Dad si Nathan sa may tadyang, dahilan nang pag-atras nito sa kinatatayuan. Pinigilan ko si Dad na hindi niya masaktan ulit si kuya.
"Iyan lang ang masasabi mo, sorry? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin! Magnanakaw ka!"
"Sorry po," muling tugon ni Nathan sabay luhod sa harapan ni Dad habang tumutulo na ang mga luha nito.
Sa lakas ng boses ni Dad ay naalerto ang mga tao ng buong bahay. Wari'y nanonood na kami ng isang sine na nasa awayan ang scenario.
"Tama na. Parte pa rin siya ng pamilya, Art. Mas mabuting makinig muna tayo sa paliwanag niya," pag-aawat ni mommy.
Nakialam na si mommy, na dahan-dahan pang humahakbang palapit sa amin dahil sa iniindang niyang sakit sa bandang likod niya. May acute scoliosis kasi siya, kaya medyo nahihirapan siyang tumayo nang matuwid at limitado lang ang paggalaw niya.
"Alam mo, Gina, kung gaano kalaki ang ninakaw ng anak mo sa kompanya natin. Kaya, hindi mo 'ko masisisi kung itinuring ko na siyang kaaway ngayon."
Nabaling ang tingin ni Dad kay mom at patuloy lang sa paghikbi si Nathan sa harapan niya.
"Kaaway? Kailanman, hindi puwedeng maging kaaway natin ang sarili nating anak. Kilala ko si Nathan, kung magnakaw man siya ng pera, alam kong may paggagamitan siya."
"Ano? Sa ganoong kalaking pera? Hindi ba mahalaga sa 'yo ang halagang pinaghirapan natin tapos nanakawin lang ng sarili mong kadugo?" Si Mom na naman ang dinuro-duro ni Dad sa kagustuhan niyang ipaintindi ang side niya.
"Hindi magnanakaw ang anak ko, Art. Alam ko ang nangyayari, kaya tumahimik ka!" Namumula ang mga pisngi ni Mom pagkasabi ng linyang ito.
Iyon pa ang isang beses na nasaksihan ko ang pagsagot-sagot niya kay Dad at paglaban kay Nathan. Minsan nang naglayas si Nathan sa bahay dahil sa kalayawan at hindi pangtanggap ng obligasyon sa kompanya, pero hinahayaan lang niya iyon.
Ngunit, sa pagkakataong iyon, mukhang sigurado siyang hindi masama si kuya, na hindi siya ang nagnakaw ng pera ng kompanya.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...