Bakas sa mga mata ni Amie ang pagkabigla. Napaatras lang siya ng dalawang hakbang nang nanginginig habang pakurap-kurap na nakatitig sa akin. Tila hindi siya mapakali at iniisip ko tuloy na baka nagkamali lang ako ng akala sa panyo na baka kapareho lang iyon sa akin. Ngunit, isang sulyap ko pa'y nakita ko ulit ang burda ng isang pangalan na parehung-pareho sa akin.
Nakita kong tumulo ang luha ni Amie, kaya inabot ko na iyon sa kaniya.
"Ahm, Amie, may problema ba sa sinasabi ko? Puwede mo namang gamitin 'to ngayon, or ano ba—"
Hindi pa rin siya kumalma. Patuloy pa rin ang kaniyang paghikbi nang 'di ko maisip ang dahilan nito. Ang ginawa ko na lang ay pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang panyong iyon na ito nama'y pinigilan niya ng ilang segundo pa lang. Pagkatapos ay nakatitig pa rin siya sa akin habang panay iyak.
Umatras siya, at pilit na dumistansya sa akin. Ako nama'y gustong lapitan siya para alamin ang kaniyang problema ng kaniyang pag-iyak, subalit akmang hahakbang pa lang ako ay tumalikod na siya, at tuluyang umalis.
***Isinama ko si Dahlia, my best friend, pauwi sa bahay ni Nathan. Naabutan naming open ang pinto na hindi naman usual ganoon iyon. Sobrang tahimik ang paligid na para bang walang ka-tao-tao. Kaya, kinakabahan na ako sa kung ano ang nangyari sa loob.
Luminga-linga ako sa kung saan at wala talaga akong nakitang kakaiba. Maliban na lang sa presensya ni Nathan. Dali-daling pumasok ako sa kuwarto sa kung saan ko iniwan si Fin, ang anak ko, na pinababantayan ko sandali kay Nathan.
They were gone. Tinatawag-tawag ko ang pangalan nila, subalit walang sumasagot.
"Bes, baka may pinuntahan lang sila," kalmadong sabi ng matalik kong kaibigan.Hindi ako kumbinsido sa mungkahi niya. Malinaw kasi ang instructions ko sa ex-boyfriend ko na hintayin akong makauwi bago siya aalis. Kaya, sigurado akong may nangyaring masama talaga sa mga oras na wala ako sa bahay.
Naghahanap ako ng clues para makapagturo kung nasaan sila. Sa aking pagsaliksik, nakita ko ang isang maliit na sulat na nakaipit sa vase na may lamang sulat kamay ni Nathan na, "I'm sorry Trinah, I can't help it. Be strong to find your child's father. Hanggang dito na lang ang maitulong ko."
Nanginginig ang kalamnan ko matapos basahin ang sulat. Umalis siya pero saan niya iniwan ang anak ko? Ito ang tanong ko na nagpahirap sa akin na sagutin sa sarili ko lang.
Muli kong tiningnan ang iba't-ibang sulok ng bahay, umiiyak, sumisigaw ng pangalan ni Fin, at natatakot na mapahamak siya. Napapaos na ako sa kakasigaw, ngunit hindi ko pa rin siya natagpuan.
"Fin, anak, saan ka na ba?" mangiyak-ngiyak kong sigaw sabay takbo kahit saan.
Nang makaramdam ng pagod ay napayuko na lang ako, tinakpan ng mga kamay ang aking mukha, at napaluhod sa sahig dahil sa tindi ng sakit na idinulot nang pagkawala ng pag-asang makita siya. Hindi nagtagal may narinig akong iyak ng isang sanggol.
Agad nabuhay ang dugo ko at biglang tumayo para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Sinundan ko ang pag- iyak niya hanggang napagtanto kong nasa labas ng pinto ito.Excited na akong makita ang bata, subalit isang babae ang bumungad sa akin.
"At saan ka ba pupunta, malandi, hah?" ani ng babae habang pasulong na naglalakad at ako nama'y paatras.
"Antonette?" Nabigla ako sa presensya niya at napadungaw ako sa batang nasa kaniyang likuran.
"Ako nga."
"Mukhang may hinahanap ka yata?" dagdag pa niyang pang-iinis sa akin habang nakangiti.
Hindi ko lang siya pinansin, manapa'y sinulyapan ko ulit ang batang hawak ng kaniyang alalay na nasa likuran niya. Natyempuhan kong makita ang pagmumukha ng bata. Kaya, nagawa kong iwaksi ang katawan ni Antonette na nakaharang sa daanan ko at kumilos ako kaagad palapit sa batang iyon.
"It's Fin!" magkasabay naming bigkas ni Dahlia na katabi ko lang din.
Malapit ko na sanang mahawakan ang paa ng anak ko nang biglang hinarangan ako ng dalawang lalaking naka-itim.
"What's wrong with you, guys?" bulyaw ko nang may panginginig sa katawan na May gustong makuha ang bata mula sa kanila.
Hindi ko sila maggawang awatin dahil sobrang malalaki ang kanilang katawan. Tinawanan lang ako ni Antonette na kanina pa'y nanonood sa akin. Naiinis na ako sa kanila dahil sa sobrang panggigipit nila sa akin. Kaya, hindi na ako nakapagtimpi pa. Nilapitan ko si Antonette muli at sinampal nang kay lakas.
"Ang kapal ng mukha mong saktan ako!" pag-aangal niya, sabay taas ng kaliwang kilay nito.
"Akala mo ba natutuwa ako sa mga biro mo? Ina ako ng batang dinukot mo. Kaya, bagay lang sa iyo na sampalin nang paulit-ulit!"
"What's the matter then?"
"Antonette, tao ka ba talaga o hindi? Siyempre nag-aalala ako sa anak ko dahil nawawala siya at nakita kong nasa iyo pala. At ngayon, pinipigilan kong kunin ko siya? Huwag mong idamay ang anak ko. Nananahimik na ako!"
"Ugh, what if I am telling you na hindi pa ako tapos na pahirapan ka. May magagawa ka ba?"
"Y-you—"
Naiiyak na ako, gusto ko pa sanang makipagsagutan pa sa kaniya subalit, hindi ko na maggawang ibuka ang bibig ko. Parang umuurong na ang dila ko sa 'di mapigilang emosyon. Galit ako sa kaniya. Ngunit, ang pinakaimportante na sa akin ay makuha ang anak ko.
Sinubukan kong agawin ulit ang anak ko sa kamay ng tauhan ni Antonette, subalit nabigo ako. Sa halip na makuha iyon ay ako pa ang nasaktan. Itinulak ako ng mga armadong lalake hanggang sa matumba ako sa sahig. Agad namang sinaklolohan ako ni Dahlia at inalalayang makatayo habang mabilisang pinapasok ni Antonette sa van ang anak ko.
"Anaaaaak!" pagsisigaw ko nang makita kong inilalayo na si Fin nang nagbuhat sa kaniya.
Hindi naman ako makasunod dahil nakaharang ang mga bantay.
"Huwag mo nang sayangin ang lakas mo, miss. Mapapagod ka lang," wika ng isang lalaking pumipigil sa akin.
"Tumahimik ka!" tugon ko.
Sumunod na pumasok sa van si Antonette, kumakaway, at nagf-flying kiss pa sa akin bilang pang-aasar niya. Kinakabahan na ako. Natatakot akong baka bigla na lang aandar ang sasakyan at hindi ko maggawang lusutan ang mga humaharang sa akin. Baka tuluyang ilalayo ni Antonette ang anak ko sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala sa akin ang anak ko.
"Goodbye," pasigaw na pagpapaalam ni Antonette.
"No! F-Fin? A-anaaaak? Antonette, please, huwag mong ilayo sa akin ang anak ko!" pagmamakaawang sambit ko habang sinusubukang pumiglas sa mga kamay ng mga naka-itim na lalaki.
Hindi nakinig sa pakiusap ko ang malditang babae na iyon. Sa halip, pinaandar ang sasakyan habang ako'y nagsisigaw sa pangalan ni Fin. Nang makalayo na sila ay sinubukan kong apakan ang mga paa ng mga pumipigil sa akin. Ngunit, imbes na masaktan sila'y ako ang sinaktan nila.
"Stop it!" pag-aaway ng isang lalaking kakarating pa lang.
Nagsipagtakbuhan ang dalawang lalaki nang makitang dumating si Andrew. Naiinis akong makita siya, pero okay na rin dahil at least napalayas niya ang mga masamang nilalang na iyon.
"Okay ka lang?" pag-alalang sabi niya na hindi ko naman sinagot iyon.Itinayo niya ako habang nagtitigan ang aming mga mata. Para akong natutunaw ulit sa mga matalim niyang titig na nais ng puso kong halikan siya. Ngunit, nang mamulat ang isipan ko, naalala kong siya ang dahilan ng mga paghihirap ko.
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko at iniwasan ang mga titig niya.
"Bakit ka pa naparito, Andrew?" usisa ko sa kaniya.
"Tinawagan ako ni Nathan, na may nangyari raw sa iyo. Kaya, nandito ako ngayon."
"Ang buwes*t na iyon. Hinayaan niyang dukutin ang anak ko. Ipinagkatiwala ko pa naman sa kaniyang bantayan si Fin."
"Ano? Dinukot si Fin?"
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...