Chapter 35: Ang kalbaryong Araw ni Andrew

1 0 0
                                    

"Jacket mo?" pagkaklaro ko sa kaniya.

"Oo, kanino pa ba? Ako lang naman ang lalaki rito." At dinampot niya iyon para ibigay sa akin.

"No!" malakas kong sigaw pagkahawak ng bagay na iyon dahilan nang pagtapon nito sa sahig.

Nanginginig ako sa takot habang nakatitig sa itim na tela. Doon ko naaalalang kahawig iyon ng sinuot ng lalaking gumahasa sa akin. Ang gabing bangungot ko, na ang ama ni Fin, ang nagpapasakit ng damdamin ko, na kung saan hindi ko pa rin natatandaan ang mukha niya.

"Is it you?" kinakabahang usisa ko.

"What?" tugon naman niya.

Pinutol ko ang pag-uusap namin sa kadahilanang wala pa akong basehan. Kumbaga, kulang pa ako ng ebidensya. Isa pa, hindi lang naman siya ang mayroong ganoong jacket at pabango. Kaya, naisip kong hindi siya pag-isipan nang masama.

Matapos kong nanahimik, lumabas na siya sa kuwarto at doon na nagpahinga sa sofa sa may sala. Hinayaan ko lang siya sa mga desisyon niya. Hindi ko siya inaway, ni sinumbatan sa lahat ng mga masasakit niyang ginawa sa akin. I remained calm and silent para na rin sa ikabubuti ko at ng mga plano ko sa hinaharap. Most of all, magagamit ko pa siya laban sa mga taong sisira sa buhay ko.
***

Alas siyete ng umaga nang umalis ako sa condo. Iniwan ko si Andrew ng note para sa gagawin niya kasama na roon ang sa anak ko. Wala na rin kasi kaming katulong sa bahay dahil pinalipat na niya kina Mrs. Adamo for his personal reason. Hindi ko na siya pinakialaman tungkol doon. Kaya, magdusa siya sa buhay na pinasok niya.

Tumungo ako sa address ni ama, kung saan ibinigay sa akin ni Mrs. Adamo. Kahit luma na ang lokasyong ibinigay ng ina ko ay nagbabasakali pa rin akong matagpuan ang taong matagal ko nang gustong makita.

Nakita ko ang isang magandang bahay katapat ng isang commercial building, na eksaktong itinuro ako sa lokasyon ni Mr. Awman. Mr. Awman ang pangalang ibinigay sa akin na ama ko raw sabi ng tunay kong ina. Gusto ko siyang makita para maisalba ang kumpanya ni Mr. Adamo, ang asawa ng ina ko.

Kaiba sa imahinasyon ko ang sa realidad na anyo ng bahay ang nakita ko. Three storey, fully furnished, at talagang milyonaryo kung iisipin ang mga nakatira roon dahil kahit nasa labas lang ako, ay tanaw ko ang buong building at kapaligiran nito. Taliwas ito sa inaakala kong mahirap nag kalagayan ng tunay kong ama. Kaya, para makasigurado, uunahin ko munang kumpirmahin kung si Mr. Awman ba talaga ang nakatira sa house number na iyon.

Akmang pipindutin ko na sana ang doorbell ng gate entrance, nang bigla itong bumukas at lumabas mula sa loob ang isang magarang sasakyan. Kasunod na lumabas ang isang babae na mas bata pa sa akin, na nakangiti papunta sa kotse. Maganda siya, matangkad, at balingkinitan ang mata, na batid ko'y may similarities kami.

Kumatok siya sa bintana ng kotse at binuksan iyon ng lalaki, na halata'y may koneksyon silang dalawa. Sa tingin ko'y anak niya ang babaeng gustong sumakay sa kotse niya.

"Dad, will you open the other side's door? Naka-lock po kasi, eh. Please?" Ngumiti lamang ang lalaki at pinisil pa ang ilong ng babae bago binuksan ang kabilang pinto ng kotse.

"Thanks, Dad." Pumasok na ang babae na noo'y nakumpirma kong mag-ama pala sila.

Luminga-linga ang lalaki na parang May chinecheck hanggang sa eksaktong nagtama ang aming mga mata. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng panyo upang hindi niya lubusang makita ang anyo ko. Nailang akong makita niya dahil sa katayuan niya sa buhay. Ramdam kong siya ang lalaking hinahanap ko. Subalit, pagkakita kong may masayang pamilya na siya, ay nagpasya akong ipagpaliban muna ang pagharap sa kaniya at humanap ng ibang solusyon sa problema ng pamilya ni ina.
***

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon