CHAPTER 20: The confession

2 0 0
                                    


Nadatnan ako ni Andrew sa kuwarto na nakatutok sa computer at abala sa pagsusulat ng nobela. Hindi pa ako naghapunan noon dahil mas pinagtuonan ko ang gawain ko kaysa sa gutom ko. May baon akong fruits sa mesa pero hindi pa rin iyon sapat para sa amin ni baby. Malimit na akong pinagbawalan ni Andrew na huwag magbabad sa gadget at baka naapektuhan pa ang Binubuntis ko.

Kaya, nang nakita niyang pagkaabala ko sa pagsusulat, direstsahang inagaw niya ang laptop ko at inutusang pumaroon na sa kusina. May ibinili siyang pagkain sa akin para sa supper na labis ko namang ikinasisiya iyon.

Tuwing kumakain, naiinis akong makitang naparami ako nang subo. Ayoko sanang kumain nang marami subalit kinukulangan ang tiyan ko sa eksaktong diet ko. Kaya, kain lang nang kain ako kahit nakakabagot na.

Ang totoo kasi, ilang buwan ko nang binalak ipalaglag ang dinadala ko. Sa unang buwan pa nga niya, hindi ko matanggap ang pagkabuo niya na wala sa plano. Kung hindi lang siguro para kay Andrew at sa mga magulang niya, pinaabort ko na ang baby. Hindi naman sa demonyo ako na pagka-ina, ayaw ko lang dalhin habang buhay ang bangungot ng nakaraan kapag nakikita ko siyang lumalaki. May mga pagkakataon ding nagsisisi akong ganoon ang naging mindset ko. Naisip kong, galing nga siya sa kasalanan subalit tao pa rin siya na may karapatang mabuhay.

Kaya, ipinagpatuloy ko siya kahit mahirap. Late nga lang ako laging kumakain dahil na rin sa kawalang-ganang kumilos ng bahay.

Habang kumakain ako, sinuri ni Andrew, ang mga ginagawa ko sa laptop. Kunot-noo niyang Binasa isa-isa hanggang nag-iba ang kaniyang expression na nagbigay sa akin nang pagkabahala.

Then he said, "I read the new email sent to your Gmail account. Mukhang may problema na naman tayo." Inabot niya ang gadget sa akin para mabasa ko ang nakasaad sa liham na nabasa niya.

It was news from his friend, Hailey, na siyang nagbalita sa bagong dagdag isyu tungkol sa akin. Isinalaysay niya ang imbestigasyon ng ama ni Andrew tungkol sa isang avid reader ko na sa isang sikat na nobela ko na nagsabing kilala niya raw ang personalidad ko.

Kinabahan ako roon dahil baka nga may koneksyon siya sa akin, gayong marami-rami rin akong naging kaibigan sa pinanggalingan kong lugar. May instinct akong naghihinala na sila sa aking katauhan gayong alam nilang isa akong manunulat na hinahangaan. Si Dahlia, ang best friend ko lang ang may buong pagkakaalam sa penname ko pero hindi naman siya ganoon katabil ang bibig para ipangbalita iyon sa iba.

Kasabay ng kaba at pagkabahala, biglang sumakit ang puson at gilagiran ko. Pawala-wala ang sakit nito na para bang hindi ko na mapipigilan. Minuto lang ang pagitan, labas pasok ako sa palikuran para umihi. Gusto kong maglabas ng dumi subalit wala namang lumalabas sa puwitan ko. Palakad-lakad lang ako parito at paroon na kahit si Andrew ay nahihilo sa kakasunod sa akin.

Maya-maya pa, humilab na ang tiyan ko na sinabayan nang labis na sakit sa bandang puson. Kasunod nito ang pagputol ng panubigan ko na kaagad namang isinugod ako Ng Asawa ko sa ospital.

Nanganak ako ng isang malusog na lalaking sanggol na mana pa halos ang mukha sa kaniyang Tito. Siguro, iyon ang bunga ng tinatagong feelings ko sa asawa ko at ang bata na ang nakitaan ng ebidensya. Pamahiin lang naman iyon, at Hindi naman mukhang kapani-paniwala.
***

Lumipas ang dalawang buwan, fully recovered na ako at nadagdagan ang timbang bunsod ng epekto pagkatapos ko ipinanganak si Tree. Ang pangalan nga pala ng anak ko ay Trew Angelo na kinuha pa sa pangalan naming dalawa ng Tito niya. Mahal na Mahal siya ni Andrew at itinuring na parang tunay niyang anak.

May pag-alinlangan pa ang mga biyenan ko tungkol sa identity ko, kaya dumistansya muna sila sa anak ko. Nalaman ko rin na nagkamabutihan ang magkaibigang Mr. Perrie at Mr. Reyman, ang dalawang bigateng businessman na may adhikaing pag-isahin ang puwersa ng kanilang mga kumpanya sa pamamagitan ng parehong objective at mga hangarin nito. Tiniktikan ko pa ang mga bulong-bulungang iniuugnay ng pamilyang Reyman ang anak nila kay Andrew na kasalukuyang husband ko, dahil sa alegasyong kinasasangkutan ko raw, medyo tagilid ang future ng kumpanya.

Pinili kong tumahimik at magpatuloy bilang Amie Adamo para sa anak ko at para sa kuntratang pinirmahan ko sa pamilyang Adamo. Bagaman mahirap, sinubok talaga ang pasensya ko kahit pilit kong tinatakasan ito.

Katulad na lang sa araw ng kaarawang ng lalaking biyenan ko. Obligado akong dumalo roon dahil sa relasyon ko sa anak niya. Masaya nga ang okasyong iyon subalit may pasabog ang pamilyang Perrie at ng Mga kaibigan niya sa akin at kay Andrew.

Sa isang long table na naroroon kaming mag-asawa, sina Mr. and Mrs. Perrie, Mr. and Mrs. Reyman, Antonette, Mr. Adamo, at iba pang mahalagang tao para sa birthday celebrant. Nabuksan ang usapin sa isyu namin ni Andrew na presko pa sa kaalaman ng marami. Na-relay ang news na iyon sa 'di natuloy kung sino ang nagsumbong nito.

Mr. Perrie said, "Total birthday ko naman ngayon, son, maipapangako mo bang sasabihin mo sa akin ang totoo kung may itatanong ako sa iyo tungkol sa inyong mag-asawa?"

Tumango ang asawa ko at tumugon, "I will, dad."

Habang isinalaysay ng ama niya ang buong detalye kung paano nito nasagap ang balita, hinawakan no Andrew nang mahigpit ang mga kamay ko. It was my first time to feel na safe ako sa tabi niya and I didn't know what's next we must face.

At ang malaking tanong ay, 'Do you really love each other?' na tinanong sa aming mag-asawa.

Kinabahan ako roon nang kaunti ngunit dahan-dahang itinaas ni Andrew ang magkahawak naming kamay para maipakita sa kanilang totoo nag pagmamahalan namin kahit hindi naman talaga. Maglabas ng saloobin si Antonette tungkol sa turingan namin ni Andrew sa resort na pinahiwatig niyang talagang wala kaming pakialamang mag-asawa.

Sumingit si Mr. Reyman na Hindi basehan ang paghawak ng kamay ang pag-ibig kundi raw sa pagpapakita na kahit sa titig ng mata'y makikita na. Nahiya ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay magsinungaling at kapag naiipit na ako sa situwasyon ay sumasakit ang ulo ko. Tiniis ko lang iyon at nakinig pa sa pagpapatuloy ng usapin nila.

Maraming nagdududa sa marriage namin ni Andrew. Hindi ko maggawang ipaliwanag ang totoong saloobin ko dahil hinadlangan ito ng isipang naroroon si Mr. Adamo. Ayoko siyang mapahiya at lalong-lalo na, ayoko siyang husgahan ng Mga kasali niya sa negosyo.

Kaya, nang may nagmungkahing isulong sa aming mag-asawa nag deborsyo kung hindi nakitang totoong nagmamahalan kami, humingi na ako ng pahintulot na umalis dahil lubhang nasasaktan na ako. Ang dami kong isinakripisyo para sa kagustuhan ng Mga Adamo. Ang dami kong tiniis na masakit alang-alang sa marriage namin ni Andrew pero sisirain lang ng isang tsismis na walang ebidensya?.Hindi na makatarungan iyon para sa akin.

Sinundan ako ni Andrew sa labas. Nadatnan niyang umiiyak ako sa may fountain nang mag-isa na ibinubuhos ang lahat ng sakit at problema. Napatitig lang siya sa akin wari'y nag-aalangan na i-comfort ako.

At sinabi niyang, "Sorry Trinah, hindi ko alam ang tungkol doon sa sinasabi nila. Wala akong ideya roon."

"Talaga nga bang hindi ka kasabwat nila, Andrew, hah? Nangako ka sa akin na aayusin mo ang lahat ng gusot nating mag-asawa sa pamilya mo kapalit ng pananahimik ko sa kasalanan ng iyong kapatid sa akin. Pero anong ginawa mo? Sinungaling ka. Ginawa mo akong tanga!"

Labis ang paghikbi ko dulot ng Sama ng loob na Hindi ko naiintindihan ang bigat nito. Lagi na lang akong napapasama. Lagi na lang akong nasa problema. Hindi ba talaga ako tantanan nito?

Pinahiran niya ang mga luha ko at nagsabing, "Aayusin ko 'to, Trinah, pangako."

"Lagi na lang. Nakakasawa ka nang pakinggan sa paulit-ulit mong linya. Ganyan ka ba ka-manhid para hindi maintindihan ang nararamdaman ko? Inalagaan mo ako, minahal mo ang anak ko, at pinaramdam mong mahalaga ako sa 'yo, pero paanong wala kang ibang sasabihin kundi iyan lang?"

"Dahil wala naman talaga akong ibang sasabihin. Ginawa ko lahat ng iyon para sa pamilya ko at sa negosyo namin. Higit pa roon wala ng ibang dahilan pa akong pagtutuonan ng pansin," giit niya.

"Paano ako? What if sabihin ko sa 'yong na fall na ako? Wala lang din ba ako riyan sa puso mo?"


Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon