Chapter 36: Nasaan si Andrew?

1 0 0
                                    

Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap, habang ang mga mata ko'y nakatingin lang sa bubong, wari'y malalim ang iniisip. Hinayaan ko lang siyang damhin ang mga sandaling pareho kaming may dinaramdam sa loob. Siya, masayang makita ako, samantalang ako'y malungkot dahil sa sinapit kong karanasan sa paghahanap sa totoong tatay ko.

Ikinuyom ko lang ang mga kamao ko dahil hindi ko pa kayang ipakita sa kaniya na maayos na sa akin ang lahat. Ayaw kong magkunwaring napatawad ko na siya sa mga bagay na ginawa at kinuha ng pamilya niya sa akin.

Nang inawat na niya ang pagkayakap, may inamin siya sa akin na sa tingin ko'y lubhang mahalaga iyon para kay Fin.

"Trinah, alam mo bang marami akong natutunan sa pag-iwan mo sa akin kay Fin kahit sa ilang oras lang?"

"Ano iyon?" matamlay kong tugon.

"Kaiba ang naging naramdaman ko sa tuwing inaalagaan ko siya. Para bang may koneksyon kami sa isa't-isa. Lalo na kanina no'ng pinakilala ko siya sa parents ko at sa big client namin na anak ko siya. Talagang masayang—"

"Andrew, how come? Hindi—" Napataas ko ang boses ko, samantalang nakokonsensyang makitang masayang ikinuwento ni Andrew sa akin ang karanasan niya.

"Magpahinga na muna ako," pag-iiwas ko.

Batid kong pag-iba ng mood niya sa datingan kong iyon, subalit hindi ko mapigil ang sarili na malungkot sa gabing iyon. Pagkapasok ko sa silid ay tumambad sa aking mukha ang aking anak na presko at mabango na parang bagong ligo na pinatulog kaagad. Napangiti ako ng konti na may pagsisisi sa naging ugali ko kay Andrew na sa kabila ng kamalasan ng araw ko ay nakita kong maayos na inaalagaan si Fin ng stepfather niya.

Tinabihan ko na siya sa kama at sinubukang pinikit ang mga mata. Gusto ko nang matulog, ngunit may biglang gumugulo sa isipan ko. Nais ng mga paa ko na puntahan si Andrew para humingi ng tawad sa naipakitang pangit na ugali ko, subalit urong-sulong ang puso ko. Nang narinig ko ang mahinang kalampag ng isang tao sa living room, napatakbo ako bigla. Nahinto lang ako sa may pinto nang makitang wala namang tao roon.

Maaga akong naggising para maghanda ng agahan. Kasamang ipaghahanda ko sana ang pagkain ni Andrew, na macaroni soup, subalit dalawang minuto lang matapos kong buksan ang pinto, ang nagpakaba sa aking dibdib. Nabitawan ko ang basong tubig na hawak ko na ininom ko pa mula sa kuwarto nang masaksihang napakagulo ng buong living room. Ang nakita kong maayos at malinis na mga sofa at lamesa ay napakarumi at gulong- gulo na.

Nagkalat ang mga bubog ng flower vase sa sahig. Ang daming gamit na napunit at nasira na kahit anong gawin ko'y hindi ko iyon makukumpuni ng akin lang. Wala rin akong sapat na pera para ipaayos iyon. Siguradong, pagagalitan ako ni Mrs. Adamo, kapag nalamang halos lahat ng gamit niya sa condo ay sinira ko.

I checked the CCTV footage, but it was off. I don't know why what happened seven hours ago or what time was it. Wala akong clues sa nangyari maliban sa bukas na pinto na tinutulugan ni Andrew. Dalawang kuwarto ang mayroon sa condo na iyon na pinili at binili pa ng aking ina para sa akin bilang pagbawi niya sa mga pagkukulang sa akin.

Pinayagan niya akong tumira sa condo niya sa isang kondisyon: panatilihing walang sira ang mga mamahaling gamit niya kahit anong mangyari. Nangako ako sa kaniyang araw-araw ay lilinisin, iingatan, at aayusin ang mga gamit niya. Ngunit, paano na kung ibang tao pa ang magpapahamak sa akin? Paano na ako kung magagalit si ina dahil hindi ko naingatan ang paalala niya?

Minadali kong pulutin ang mga kalat doon at inayos ang mga kagamitang hindi pa masyadong sira. Ginugol ko ang isang oras na sana'y nakalaan iyon sa pagluluto ko. Nang matapos kong gawin ang paglilinis, napansin kong napakatahimik ng kabilang kuwarto. Ayoko sanang makialam kung anong ginagawa ni Andrew sa loob, subalit may nais lang akong itanong sa kaniya kung may alam siya sa mga nangyari sa living room.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon