Chapter 59: Hindi ko na Siya inisip na ama ko pa!

1 0 0
                                    

Trinah's POV

Tanghali na nang namalayan kong wala na si Fin sa tabi ko. Nagpanic ako. Dali-dali akong bumangon at hinanap ang anak ko.

Narinig ko ang malakas na halakhak ng isang boses bata mula sa labas ng pinto. Tumakbo ako at kaagad na pinuntahan siya, sa takot na ano pang nangyari sa kaniya roon.

Matapos kong binuksan nang maluwag ang pinto, natulala akong bigla sa nakita ko. Nawala na iyong kaba sa dibdib ko, ngunit ang inis at galit ang humalili nito.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo rito, Andrew?" malakas na bulyaw ko sa kaniya.

Magkasabay na nakatuon ang tingin ng mag-ama sa akin. Tumigil na rin si Fin sa pagtawa.

"T-Trinah, sinadya ko talagang pumunta rito dahil—"

Isang matunog na sampal ang inabot niya sa akin. Hindi na ako makagpigil pa. Kung nagagawa kong pigilan ang sarili ko sa party kagabi dahil sa malaking respeto ko kay Jazmine, na boss ko, ngayong nagpakita siya ulit ay hindi ko na kayang magtimpi pa.

"Trinah, I'm sorry," mangiyak-ngiyak na pakisuyo pa niya.

Nagmatigas ako. Inakma ko pang sampalin siya ulit, ngunit paggalaw ko pa lang ng kanang kamay ko, nakita kong humihikbi na si Fin habang binibigkas niya ang katagang, 'Mama'.

"Pasalamat ka, nandito ang anak ko. Kung wala pa, hindi lang iyan ang inabot mo," pagbabanta ko sa kaniya, sabay agaw sa kaniya si Fin.

Patalikod na ako sa kaniya nang marinig kong may binibigkas pa siyang mga pangungusap na nagbigay sa akin ng alarma.

"Anong sabi mo?" pasigaw na tugon ko sa kaniya.

Hindi ko kasi masyadong narinig nang malinaw ang mga sinasabi niya. Kaya, pinaulit ko sa kaniya iyon.

"Kapatid mo si Jazmine, 'di ba? Bakit hindi mo sabihin sa kaniyang isa ka ring Awman?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa seryosong tanong niya. Ang tanging naisip ko lang na gawin ay ang papasukin muna siya sa bahay para malaman ang iba pang detalye sa mga nalalaman niya.

Binigyan ko siya ng juice at prutas para malibang muna siya sa pag-kain habang hinihintay niya kami ni Fin na matapos ding kumain. Gutom na gutom na kasi ako, kaya hindi ko na kayang unahin muna ang pag-uusap namin kaysa sa pagkain.

Medyo matagal din kaming natapos ni Fin dahil inayosan ko muna siya bago ko pinaharap sa ama niya. Ayaw ko rin kasing magmukhang batang bahay ang anak ko kapag kaharap na niya ang ibang tao.

Nakaangat ang kilay ko nang makita kong nangingialam na si Andrew sa mga paintings na nakasabit sa sala ko. Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko sa kaniya sa tuwing nakikita ko siyang may ginagalaw sa mga gamit ko.

"Kailangan pa bang hawakan mo 'yan? Puwede namang tingnan mo lang sa malapitan!" singhal ko sa kaniya.

Agad siyang umikot paharap sa akin na halatang kinakabahan nang marinig ang lakas ng boses ko.

"P-pasensya ka na, Trinah. Hindi ko lang mapigilang haplusin ang anak ko na nakadraw sa painting. Malaki na pala talaga siya, no?"

"Oo, malaki na siya sa pangangalaga ko. Kahit wala siyang ama na kasa-kasama araw-araw, lumalaki pa rin siyang healthy sa poder ko."

"Trinah—"

"Andrew, huwag mo nang ituloy. Alam ko na 'yan!"

Oo, alam ko. Kahit hindi man sabihin sa akin ni Andrew, o ipaliwanag man lang kung bakit hindi pa rin siya kasama sa pagpalaki ng anak namin, batid ko pa rin ang mga dahilan niya. Ikakasal siya kay Antonette, sa pangalawang pagkakataon na pag-subok nila at kailangan niyang sundin ang kagustuhan ng pamilya niya.

Dahil na rin nabuo lang si Fin sa hindi inaasahang pagkakataon, matagal nalaman ni Andrew ang katotohanang siya ang tunay na ama nito, kaya ang sustento niya sa bata ay medyo natagalan din. Pero kahit ganoon, tinanggap niya ang anak ko bilang kaniya. Binigay niya ang pangangailangan ni Fin sa pamamagitan ng pinansiyal na tulong na hindi lingid sa kaalaman ng pamilya niya.

Hiniling niyang kargahin si Fin at pinagbigyan ko naman. Minsan lang naman sila magkita, kaya hinayaan ko na. Akala ko nakalimutan na niya ang naudlot na topic niya kanina na nais niyang itanong sa akin, subalit muli na naman niyang binuksan ito, dahilan para pilitin akong sabihin ang totoo.

"Trinah, hindi mo ba talaga alam kung bakit ganoon na lang katindi ang galit ni Mr. Awman sa akin noong gabing naroon tayo sa okasyon ng anak niya?"

Umiling muna ako. Wala akong balak na magbigay ng opinyon ko tungkol sa taong nagreject sa akin bilang anak niya.

"Kung gano'n, bakit parang super affected siya noong binanggit mo ang tungkol kay Fin na may kaugnayan sa ginawa ko sa 'yo noon?"

"Hindi ko alam, Andrew. Kung gusto mo, tanungin mo na lang siya at nang malinawan ka."

Napatitig lang siya sa mga mata ko, subalit pilit kong iniwasan na tingnan siya. Ayaw kong magsinungaling sa kaniya pero ayaw ko ring sabihin sa kaniya ang totoo. Useless din naman kasi, eh. Hindi pa rin ako tanggap ng mayamang lalaking iyon.

"Trinah, ba't 'di mo na lang sabihin sa akin ang totoo."

"Na, ano?"

"Na magkapatid kayo ng boss mo at ama mo talaga si Mr. Awman."

"Paanong—"

Natigilan ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang ipagdadahilan ko para mapaniwala siya. Mukhang may nalaman na kasi siya tungkol sa kaugnayan ko sa mga Awman.

"I know the whole truth, Trinah. Antonette told me everything about your connection to them. Hindi kasi ako mapakali sa ginawa sa akin ni Mr. Awman, kaya kinulit ko siya. And then she told me na anak ka nina Mrs. Adamo at Mr. Awman."

Tiningnan ko siya sa mga mata niya at napapikit na lang ako bigla kasabay nang pagpakawala ko ng hangin mula sa loob ko na nagbigay sa akin ng kaginhawaan.

Pilit kong pinigilan ang mga luha ko na tumulo sa mga pisngi ko para 'di ipakita sa kaniyang may problema ako. Subalit, mabigat na sa loob ko ang dalahin na ito. Gusto ko nang pakawalan.

"Sige, sasabihin ko na." Pinahiran ko muna ang mga luha ko na malapit nang mahulog sa daluyan ng mga pisngi ko, at nagpatuloy pa, "Nasabi ko na ang tungkol diyan kay Mr. Awman at inamin ko na ang lahat, pero walang nangyari. He... he rejected me, Andrew."

"Ano?" Ganito na lang katindi ang naging reaksyon ni Andrew. Bakas sa mga mukha niya ang pagkabigla.

"Kung gano'n alam na rin ni Jazmine na magkapatid kayo?"

"Hindi!" sagot ko, sabay pigil nang paghikbi.

"Wait, did you mean, hindi ka pinaniniwalaan ni Mr. Awman siguro na anak niya. Gano'n ba?"

"Y-yes... aaa... maybe. Parang oo kasi galit pa nga siya at itinaboy pa ako sa opisina niya. Pinagsabihan pa niya akong sinungaling. Si Jazmine lang daw ang anak niya."

"Walang hiya talaga siya," ani ni Andrew na galit na galit na.

Ilang segundo pa, napaisip siya sa sinasabi ko. Binuksan niya ang iskandalong ginawa ng ama ko sa party ni Jazmine para labanan ako.

"Pero teka, kung sinabi mong hindi ka niya tanggap bilang anak niya, sana wala na siyang pakialam no'ng narinig niyang ginahasa kita bunga ng kalasingan ko. Trinah, baka mali ka lang ng akala. Mukhang pinapakita niya ang pagka-ama niya that night kasi eh, meaning, palihim ka niyang binabantayan."

Mayro'ng gano'n? Anong plano ni Mr. Awman sa akin? Tanggap ba talaga niya ako o nagpapanggap lang siyang hindi dahil ayaw niyang may kahati si Jazmine sa kayamanan nila.

Nagkakamali siya. Hindi ko habol ang yaman ng pamilya niya. Isang ama lang ang kailangan ko. Kung hindi niya iyon maibigay, mas mabuti pang wala akong ama kaysa paasahin ang sarili ko sa wala. Bahala na si Mr. Awman sa mga plano niya! Hindi ko na siya inisip na ama ko pa!






Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon