Chapter 9: Muntikan ko nang mapatay Ang ex- boyfriend ko

3 1 0
                                    

"What's going on?" Nanlaki ang mga mata namin ni Nathan at napalingon sa bisitang bagong dating pa lang.

I almost stabbed Nathan's abdomen, but fortunately, my anger was interrupted upon hearing the shaking voice of the speaker. It was my mother-in-law, ang kasama ni Andrew, na nabigla sa muntikan kong masaksak ang anak niyang hindi naman niya in-expect na makita roon sa bahay. To cut the agony, nilapitan kaming diretso ni Andrew para agawin sa akin ang kutsilyong hawak ko.

Nanginginig pa rin ako sa takot, sa di maipaliwanag na emosyon. Pinaghalong takot at kaba sa loob ko ang bumagabag sa akin na nagdulot nang aking pagka-collapse. Bumagsak ako sa mga bisig ng mahal kong asawa, na naramdaman ko pa ang paglapat ng aming mga balat habang nakapikit lang ang mga mata ko sa sobrang panghihina. Amoy ko pa naman ang preskong pabango ni Andrew na kay sarap halikan ng mga leeg niya kung hindi lang ako nanghina, siguro'y naggawa ko na iyong gusto ko.

After noon, hindi ko na naalala kung ano na ang sumunod na pangyayari basta't nakatulog daw ako ng sampung minuto at hinayaan lang nila akong magpahinga sa sofa.

Naggising akong nakangiting lahat na nakatanaw sa akin. Napakunot-noo akong makita ang mga reaksyon nilang mukhang hindi galit sa akin. Marami akong naging kuro-kuro sa sarili na hindi ko naman alam kong totoo ang kahit isa sa mga iyon. Hanggang, kinausap ako ng aking second mother.

"Mabigat pa rin ba ang pakiramdam mo, iha?"

Kahit nahihilo pa ako, nagkunwari akong mabuti nang kalagayan ko para hindi sila mag-alala sa akin. Nakakahiya naman kasing magdrama sa harapan nila samantalang ako iyong may atraso sa kanila. Muntikan ko nang mapatay ang isa sa mga Perrie sons, so nagguilty ako sa ginawa ko.

At sinagot ko siya ng, "Ah, medyo okay na ako, mom. No need to worry."

Nginitian ako ulit ng mother-in-law ko at inalok akong saluhan silang kumain for dinner. As usual kapag may ibang tao, inaalagaan ako ni Andrew, ipinapakitang concern siya tulad nang ginagawa ng mga mag-asawang nagmamahalan. Kinilig pa nga iyong mother niya sa sobrang sweetness na pinakita namin sa kaniya.

We talk, we laugh, and we tell stories based on sa kahit anong bagay lang. Nagpasalamat talaga ako dahil hindi na nila ako tinanong pa about doon sa nadatnan nila sa akin. Siguro, hindi ko talaga maaayos ang mga salitang sasabihin ko kapag tinanong nila ako. Kaya, I just went with the flow. Nakikinig lang ako at nag-iinteract sa kanilang mga topics. Until, nabuksan ng biyenan ko ang ideyang imposibleng maggagawa naming mag-asawa.

"Andrew, iho, panahon na sigurong ipakita mong pagkalalaki mo. Your father and I talked to each other about sa magiging next runner ng mga assests at liabilities natin."

"What do you mean, mom. Say it directly," diretsahang tanong ni mister.

Uminom muna ng tubig ang biyenan ko at sumagot afterwards ng, "You have to produce a baby. I mean, kailangan niyo nang magkaanak ni Amie sa lalong madaling panahon dahil tumatanda na kami. Alam mo naman siguro, son, na maraming mga maimpluwensyang tao ang gustong sumira at umagaw sa posisyon ng pamilya natin sa kumpanya at ikaw lang ang inaasahan namin. Kaya, you have to do what I say because I believe, the Perrie blood will succeed even more in business in the years ahead."

"But mom—" Napigilan ko si Andrew sa pagrereklamo niya sa pamamagitan ng pag-apak ng kaniyang paa. Iyon na lang kasi ang tanging paraan para hindi na siya makipagtalo pa sa mama niya.

At doon nagtatapos ang usaping iyon na ako ang humahanap ng paraan para hindi kami mabuko ni Andrew. Pagkarinig ni mama nang pagsang-ayon naming mag-asawa, abot-langit ang ngiti niya at nagpasya kaagad na umalis ng bahay para ibalita kay Mr. Perrie ang mabuting pagtugon namin sa kagustuhan nila.

***
Maaga akong gumising para diligan ang mga halaman namin. Day-off ni Andrew ang araw na iyon, kaya nagkaroon ako ng time na alagaan ang munti kong mga halaman. Hindi lingid sa kaalaman kong nagmamasid pala si Nathan sa bintana habang nakatuwad ako sa pamimitas ng bulaklak para sana may malagay ako sa empty vase namin na nakaimbak lang sa living room. Napansin ko lang siya noong amoy ko na ang usok nang kaniyang mamahaling sigarilyo.

Dali-daling nagtungo ako sa loob para hugasan ang mga bulaklak at nilagay iyon sa puting vase. Akala ko nakaiwas na ako sa kaniya. Iyon pala ay sinusundan pa rin niya ako. Alam kong siya iyong taong nasa likuran ko dahil sa amoy sigarilyo siya at nakakaduwal talaga sa sikmura. In-obserbahan ko lang ang kilos niya at nang hindi inabutan ng minuto, biglang sinapak niya ang pwet ko sabay sipol nang pang-aakit.

Sinuntok ko siya nang malakas. Inilabas ko lahat nang galit ko sa kaniya. Hindi na talaga ako nakapagtimpi at nakapahiganti rin ako sa wakas. Ngunit, biglang dumating ang kapatid niya, at inawat kaming dalawa dahil nakita pala niya ang eksenang iyon.

Pinisil niya nang malalim ang aking kaliwang braso at sinabing, "Hindi ka pa rin ba titigil, Trinah, sa pananakit sa kapatid ko? Noong isang araw, muntikan mo nang patayin siya, ngayon naman, I saw you again na sinuntok mo siya. What the hell are you doing, hah?" Galit na galit si Andrew at halos lumuwa na ang kaniyang mga mata.

"Araay, nasasaktan ako!" angal ko dahil mas diniin pa niya ang mga daliri niya sa balat ko.

Maya-maya, nakita kong pinahiran ni Nathan ang dugo sa bibig niya, ang bunga ng pagkakasuntok ko sa kaniya. Ipinagtanggol niya ako kay Andrew at sinabing kasalanan niya ang nangyari kaya ko raw siya sinaktan. Okay na sanang inamin niya ang pagkakamali niya ngunit ibang estorya ang kaniyang inilahad dahilan para magalit ako nang lubusan sa kaniya.

Pagkatapos ay kumalas ako sa mga kamay ni Andrew at dinuro-duro ko si Nathan sabay sabing, "Hayop ka talaga, manyak ka. Sinapak mo ang pwet ko kaya kita sinuntok. Napakasinungaling mo talaga!"

"Tumigil ka, Trinah!" pagsisinghal ni Andrew kahit nakatalikod ako sa kaniya.

Nilingon ko siya at sinagot, "Bakit? Kapag malaman mo bang may malaking kasalanan ang ginawa sa akin ng kapatid mo, ipagtatanggol mo pa rin ba siya?"

Natahimik siya at napatitig lang sa akin habang ramdam kong hinay-hinay na umiwas na sa amin si Nathan at umalis sa takot na ipamukha ko sa kaniyang mga kasalanan niya sa akin.

Ilang saglit lang, ginalaw niya ang kanang eyebrow niya nang may pagtataka. "B-bakit? Ano pa bang ginawa niya sa 'yo?" usisa niya.

"Ilang beses na niya akong hinarass. Sabihin na nating magex-lovers kami, pero hindi iyon fair sa akin dahil matagal ko nang pinutol ang ugnayan namin. And ang pinakaworst pa, pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko, Andrew. He raped me without my consent," paglalahad ko sa kaniya sa mangiyak-ngiyak kong emosyon.

Nakaginhawa ako nang maluwag dahil sa wakas ay nasabi ko na ang lahat ng sekreto ko sa isang buwang pagtatago n'yon. Ngunit, ang pag-aakala kong nagbago na ang tingin niya sa akin ay nahulog lang sa wala. Tinatawanan niya lang ako at pinagmukhang sinungaling. Writer daw ako kaya ang galing kong gumawa ng kuwento. Umalma ako sa paratang niya sa akin. Hindi ko matanggap na pag-isipan niya ako nang masama. Porket di niya ako minahal bilang maybahay niya, hindi na niya ako papaniwalaan.

Lumaban ako at pinaninindigan ang lahat ng sinabi ko sa kaniya. Sa halip na mahikayat ko siya na makinig sa akin, napanghinaan pa ako ng loob nang winika niyang, "Madalas kang makakalimutin, Trinah, at minsan nga'y hindi mo 'ko nakikilala sa tuwing magkakatagpo tayo sa park kung saan doon ka pumupunta kapag tumatakas ka rito. Kaya, hindi na ako mahuhulog sa mga gawa-gawang kuwento mo."

Natulala ako sa mga isinaad niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang may ganoon pala akong sakit. Hindi ko naman natatandaan ang mukha niya sa park kaya bukal pa rin sa loob kong hindi ako gumagawa ng kuwento.
***

Ilang linggong lumipas, naimbitahan ako ng kumpanya ng pamilya ni Andrew na umattend sa annual anniversary nila. Nakahanda na ang damit at accessories na susuotin ko kaya hindi na ako makatanggi sa imbitasyon. However, when I fitted the green gown, I noticed that something bothering sa katawan ko na mukhang masikip iyon suotin. Ilang ulit kong chineck ang size nito gamit ang measuring tape ko, subalit tama iyong size talaga ng sa akin. Hanggang, napunit ko iyon dahil sobrang sikip talaga sa may bandang belly ko.








Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon