Nagkunot ang mga noo ko sabay sigaw ng mga salitang, "Katulong, who?"
Inutusan ako ni Andrew na iwan ko muna sila at mag-usap na lang daw kami pagkatapos ng limang minuto sa pabulong na pagsasalita. Nag-insist akong may importanteng sasabihin sa babae subalit 'nonsense' lang ang naging sagot niya. Kaya, wala akong laban kundi umalis kasama ang kaawa-awang paslit na hinahanap ang kaniyang inay.***
Mahigit tatlumpong minuto na ang nakalipas, hindi pa rin dumarating si Andrew sa guest room na pinapasukan ko. Iyon kasi ang kasunduan namin noong iniwanan ko siya kasama ang ibang babaeng ka flirty niya. Ngtataka tuloy ako na parang naging babaero na yata ang asawa ko. Sa pagka-alala ko, kasundo niya ang Alice, na teenage sweetheart niya na tingin ko'y girlfriend na niya at nakipaglandian pa siya kay Antonette, na isang anak mayaman na close ng family niya. Ako na yata ang sobrang martir pagdating sa pag-ibig.
Naawa ako sa batang nakakasama ko dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na sa mga paa ko. Pinahiga ko siya nang maayos sa upuan sabay linga-linga sa paligid. Maya-maya, nakaidlip akong saglit.
Naggising lang ako nang nakarinig ako nang pagsigaw mula sa labas. Naalarma ang mga turistang naroroon pati na rin ang mga crew ng resort.
Tiningnan ko kung anong meron sa labas at doon nakita ko ang patay na katawan ng isang babae. Nakasuot uniporme ng tagapaglinis doon at mukhang hindi naman siya nalulunod sa awrang iyon. Tingin ko, may ibang dahilan kaya siya binawian ng buhay. Doon ko naalala ang batang natutulog sa salaysay niyang isa sa mga tagapaglinis sa resort ang kaniyang ina.
Tinanong ko ang rescuer na naroroon kung ano ang nangyari at sinabi niyang natagpuan ang walang buhay na katawan sa gitna ng resort kung saan nakahiga lang iyon sa buhangin. Ang nakakita sa kaniya'y nagdeklarang dead on the spot ang babae. Nag-usisa rin ako kung ano ang identity ng babae at sumagot ang lalaking rescuer, "Patricia Buencamino, isang resort cleaner, ang pangalan niya sa id."
Bigla akong natahimik at napatulala sa pangalang narinig ko. She was the child's mom. Ang inang hinahanap ng kaniyang anak ay natagpuang patay na sa kadahilanang baka inatake raw ng puso sa sobrang init ng araw.
Napansin ako ng lalaking nakausap ko at nagtanong siya, "Kilala mo ba ang babaeng ito?"
Sumagot akong, "Hindi, pero iyong anak niya ay kasama ko."
***
Gabi na nang sinundo ako ni Andrew sa guest room at dinala sa hotel room kung saan kami nakacheck-in. Kasa-kasama ko pa rin ang batang naulila na kani-kanina pa lang. Tinanong ni Andrew ang tungkol sa batang isinama ko at ipinaliwag ko sa kaniya ang lahat na naintindihan naman niyang malinaw. Humingi pa nga siya ng tawad sa akin at nakikisimpatya sa batang walang tigil ang pag-iyak.
Para maibsan ang hapis ng bata, nangako si Andrew na aampunin niya siya alang-alang sa kapakanan ng kinabukasan nito. Lubhang naawa siya sa kalagayan nito kaya pinasan na lang niya ang responsibilidad at ibinilin sa aking alagaan ang bagong parte ng pamilya namin at aayusin ang adoption paper namin sa kaniya kaagad pag-uwi namin.
***
Nang sumunod na araw, nakadikit pa rin si Antonette sa asawa ko. Ipinapaliwanag naman ni Andrew na tinururuan lang niya ang babae sa pagpapalakad ng newly opened resort at sa mga strategic plans para makaearn ng big profit nito. Kahit na malinaw ang usaping iyon, hindi pa rin mawala sa isip kong hindi na karaniwan ang kinikilos ng babae towards him.
Nakita kong sinasadyang nagpaseksi ang babae sa paningin niya.
Nagpakukunwaring napilayan subalit hindi naman talaga totoo. Sa sobrang inis ko, gumawa ako ng paraan para maagaw ang atensyon ni Andrew at napatingin sa akin.
Rumampa ako sa harapan nila suot ang seksing swim suit kahit nauuna ang tiyan ko. Wala akong pakialam sa komentaryo ng iba, ang sa akin lang, makita ang reaksyon ng lalaking gusto ko para hindi sa lahat ng oras ay nakatuon lang ang pansin niya kay Antonette.
Pasipol-sipol pa akong lumalakad, kumikembot, at dinama ang init ng panahon. Pasulyap-sulyap kong tinanaw ang reaksyon sa mukha ni Andrew at iyon nga, pansin kong kumunot ng konti ang kaniyang noo. Tumakbo siya nang mabilis papunta sa akin at tinabunan ako ng tuwalya.
"What the heck are you doing?" singhal niya sa akin.
"Bakit?" pagkukunwaring tugon ko.
"Hindi ka ba nahihiyang ipakita 'yang katawan mong palaka? Buntis ka, Trinah, at hindi bagay sa iyo iyan. Magbihis ka roon sa banyo," pag-uutos niya.
Sinunod ko ang utos niya at nagbihis nga ng pormal na damit. Ang akala ko'y nasa akin na ang atensyon niya gayong nakita niyang mali ang aking ginawa. Ngunit, nandoon na naman siya kay Antonette.
Nagkukunwari ang babae na masakit ang pilay nito kaya pinahilot sa kaniya ang mga paa nito.
"Nakakainis talaga!" pagalit na bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa dalawa.
Nag-isip na naman ako ng pakulo para matumbasan ang aktingan ng babaeng iyon. Sinadya kong hulugan ang mga paa ko ng bote at nakita ni Andrew ang pa-ika-ika kong paglalakad. Hindi niya ako pinansin ng ilang segundo, subalit pinag-igihan ko pa ang actingan bilang nagpatumba-tumbahan sa harapan niya.
Nasalo niya ako eksakto sa pagbagsak ko. Pagbaba ng tingin niya'y nakita niya ang namumulang paa ko. Kumilos na siya kaagad at binuhat ako papuntang hotel room at ginamot ang sugat ko.
Habang nilalagyan niya ng betadine ang sugat ko sa paa, sinabi niyang, "Sinadya mo bang matumba sa harapan ko?"
Nagulat ako sa tanong niya na para bang nakasense siya kaagad sa mga galaw ko.
Then I replied, "H-hindi... Aaah, natumba ako dahil masakit iyong paa ko. Nahulugan kasi ng bote no'ng lalaking nasa bandang kanan."
Tinitigan niya ako at ngumiti sabay sabing, "Talaga? Sa pagkaalala ko, halos girls iyong nasa bandang kanan. Wala naman akong nakitang lalaki roon maliban sa isang bading. But anyway, salamat sa iyo."
"For what?" pabiglang usisa ko.
"Sa acting-actingan mo. I know, sinadya mo iyon dahil kasama ko si Antonette. Ang totoo nakakairita na rin na laging dumidikit siya sa akin. Wala lang akong choice dahil nakiusap ang dad niya na pansamantalang gabayan ko ang anak niya sa business niya. Kaya, huwag kang magseselos.
Napakalayo ng katangian mo sa kaniya. I preferred you more than her."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, lumabas na siya kaagad at naiwan akong mag-isa sa loob ng hotel. Kinilig ako sobra na para bang lumulukso ang puso ko sa matatamis niyang sinalita. Napatayo nga akong bigla na halos 'di ko naramdamang may sugat ako sa mga paa.
"Is he in love with me?" pag-aasume ko sa sarili.
***
Sa ikatlo o huling araw ng bakasyon ko sa resort na iyon, kumpyansa na ako kay Andrew na walang nangyaring flirting sa kanilang dalawa ni Antonette. Itinanim ko kasi sa isip ang mga salitang binigkas niya kagabi. Itinuon ko ang sarili sa pamamasyal at panonood ng mga tanawin doon. Inaaliw ko si Totoy, ang batang inampon ko para kahit papaano'y hindi siya malungkot sa pagkawala ng kaniyang ina.
Ang labi pala ng kaniyang ina ay awtomatikong ipinalibing na the day of her death, sponsored by the resort's management. Wala kasing nagclaim na kaanak niya kaya wala ng nangyaring vigil.
Lubhang nasasaktan si Totoy sa murang edad pa lang ngunit ginabayan ko siya at pinasaya para maibsan ang pighati niya.
Half day kaming gumagala sa kahit saang parte ng resort at siyempre nagdala rin kami ng mga pagkain dahil madali lang kasi gutumin ang buntis. Sinundo lang kami ni Andrew after ng session nila ni Antonette together with other sponsors ng resort.During our snack time, pinasabay niya kami sa mga new friend niya kasali na roon si Antonette. Napaka-awkward pero nilabanan ko ang negatibong isipan na iyon, sa halip ay nakikipaghalubilo ako sa kanila. Nakita kong may kinuha si Antonette na pagkain para sa kaniya at binigay sa kaniya iyon. Sinubuan pa niya ang asawa ko at tinabihan sa pag-upo.
"My God, ang sweet ng mga mokong na 'to," sabi ko, na sa isipan ko lang.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...