Chapter 15: PAG-UUSAP

2 0 0
                                    


Sa isang iglap ay biglang naglaho sa aking paningin ang babaeng kasama ko. Tumakas na si Amie dahil sa takot na mabunyag ang sekreto namin sa ibang tao. Even though matagal nang alam ni Andrew ang tungkol sa identity swapping namin, nag-iingat pa rin kaming hindi madagdagan ang nakakaalam sa tinatago namin. Bukod kasi kay Andrew, nasa loob din ng car ang kaniyang ama't ina na tumulong sa paghahanap sa akin at nag-aalala sa kaligtasan ko.

Sa pagkabigla kong makita si Andrew doon, tumakbo ako papalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko alam ang nangyari, pero bigla ko na lang siyang na-miss sa tatlong araw na 'di kami magkasama. Kaiba kasi iyon noong ilang araw siyang on travel for business, dahil may kuntak naman siya sa akin lagi at that time, ngunit simula noong araw na kinidnap ako ni Nathan, nawalan kami ng komunikasyon sa isa't-isa. Kaya siguro, ganoon na lang ang nararamdaman kong makita siya ulit sa oras na kailangan ko ng comfort niya.

May paiyak-iyak pa akong nakayakap sa kaniya nang biglang bumulong siya sa akin ng, "Stop sobbing. Nababasa na ang coat ko sa mga luha mo. Wala pa naman akong extrang dala."

"Ang tigas talaga ng puso ng taong ito," ani ko sa mahina kong boses.

Dumiretso na kami sa bahay ng mga biyenan ko. Sumama sa amin ang mga pulis for interrogation. Sinagot ko ang lahat ng mga tanong nila sa akin nang maayos. Naka-detalyado rin ang lahat ng pangyayari maliban kay Amie bilang rescuer ko at ang perang pang ransom niya sa akin. Sinabi ko sa mga awtoridad na misunderstanding lang iyong pagdukot sa akin imbes na puwersahan naman talaga iyon. May konsensya pa kasi ako sa matandang tinulungan ni Nathan. Kaya, ganoon na lang din ako kadesperado para palampasin muna ang ginawa niya sa akin.

Hindi ko inamin kina Mr. and Mrs. Perrie na ang kidnapper ay bunsong anak nila. Nababasa ko kasi sa mga mata ni Andrew na nakakindat sa akin ang ipinapahiwatig niyang ibang tao ang pinapangalanan ko. Maayos ko namang nasalaysay sa kanila ang buong detalye na walang naagrabyado at lihis sa totoong pangyayari. Halata sa mga reaksyon ng mag-asawang Perrie ang hindi pagiging kumbensido sa mga pahayag ko. Kaya, hiningi nila ang kuha bg CCTV sa mga lugar na kung saan nakasama ko ang isang tunay na Amie.

***

Lumipas ang dalawang araw, pinatawag ako ni Mr. Perrie sa opisina niya para sa personal naming pag-uusap. Pinakita niya sa akin ang litrato ng babaeng kasama ko sa hapong iyon noong nakidnap ako na nagsilbing rescuer ko. Hindi man kuha ang klarong mukha ni Amie, nahihirapan pa rin akong ipaliwanag sa biyenan ko ang kaniyang kakilanlan.

Ang alam kasi nilang hindi ako mahilig makipagkaibigan ng ibang tao sa katauhan ni Amie Adamo dahil nga mahiyain ang katangian ko. Kaya, palaisipan sa kanilang nagkaroon ako ng babaeng kaibigan na handang iligtas ako sa kapahamakan. Sa huli, nalusutan ko ang mga tanong ni Mr. Perrie kahit mayroon pa siyang kaunting pagdududa sa mga sagot ko.

Paglabas ko ng building, binalak kong mamalengke para sa pangangailangan sa bahay. Malapit lang naman ang convenience store doon kaya puwede lang lakarin. Sa katabing cafe ng papasukan ko sana, na ispatan ko si Nathan na may kausap na babae. Nilapitan ko silang kaunti para malinaw na makilala kung sino ang kasama niya at doon naaninag ko ang magandang dilag na nakadate ni Andrew sa kaparehong upuan ilang linggo na ang nakalipas.

At tinanong ko ang sarili, "Magkakilala din pala 'tong dalawa. Pinagkakaisahan talaga ako ng magkapatid na ito. Tingnan nga natin kung mapaamin ko si Andrew kapag magpaparinig ako sa kaniya tungkol sa babae niya." Napaisip at napatingala sa itaas matapos kong magkaroon ng ideya na bigyan ng isyu si Andrew.

Ngunit, napansin kong kakaiba na ang nararamdaman ko sa tuwing inaalala ko si Andrew. Naiinis akong makita iyong babae na naging close na ng kapatid ng asawa ko habang ako'y balewala lang sa kaniya. "Nagseselos na ba ako?"

Iniwanan ko na iyong dalawa at dumaan muna sa police station ilang metro lang ang layo mula roon. Naisip ko kasing i-report iyong rape case ni Andrew at ng sexual harassment na ginawa ng mga barkada niya sa akin. Baka kasi makalalayo na naman ang lalaking iyon sa mga kasalanan niya sa akin, kaya uunahan ko na siya para kaagad madakip na at 'di na makatakas. Masuwerte nga siyang hindi ko siya itinuro na suspect sa kidnapping niya sa akin dahil ayaw kong marinig iyon ng mag-asawang Perrie na masamang tao ang anak nila. Subalit, hindi puwedeng kalimutan ko na lang ang mga bangungot kong karanasan sa kaniya na nagbunga pa ng isang sanggol sa sinapupunan ko.

I was about to open the door but may biglang humila sa mga kamay ko dahilan para mabagsak kaming dalawa sa sementong sahig. Nagkatinginan kami sa isa't-isa habang inalalayan niya sa paghawak ang belly ko na hindi madiin sa katawan niya.

"What are you doing? Hinahawakan mo ang tiyan ko?" reklamo ko sa kaniya.

"I did this for the baby," tugon niya.

Pati sa pagtayo ay nakalapat pa rin ang mga kamay niya sa mga beywang ko na halos nakayakap na siya sa akin. Tinapik ko iyon dahil hindi ako sanay na hinahawakan niya. Isa pa, nakakainis kaya siya.

"Ikaw pa iyong galit. Inaalalayan ka na nga," wika niya.

"Whatever." Then I rolled my eyes.

"Para saan iyan?" pagsasaway niya sa pagiging chikdish kong galawan.

"Para sa 'yo of course... Eh, bakit mo ba ako pinigilang pumasok sa loob? Huwag mong sabihing lawyer ka na ngayon ng kapatid mo."

Hinawakan niyang bigla ang kanang braso ko at nagsabing, "Uwi muna tayo sa bahay. Kailangan tayong mag-usap."

Sumama ako sa kaniya nang matiwasay at nag-usap kami nang masinsinan habang kumakain pagkarating sa bahay. Himala na may nilutong pagkain kaagad sa hapag-kainan na ininit lang niya sa oven toaster. Talagang pinaghandaan niya ang pag-uwi ko. Kaya, naramdaman kong medyo nag-iba ang timpla niya konti na hindi naman niya naggagawa sa akin dati. Okay na rin for me at least naibsan ang alalahanin ko sa buhay.

Pinag-usapan namin ang tungkol sa identity leakage ko. Naglagay siya ng agent para magbalita sa kaniya sa mga imbestigasyon na ginawa ng kaniyang mga magulang ukol sa pagdududa nilang may identity swapping na nangyari sa akin. At doon ako kinabahan dahil nagbanta rin daw si Mr. Perrie, ang ama niya na kapag nakumpirma niyang peke ako ay ipakukulong niya raw ako at putulin na nila ang ugnayan about business matters sa pamilyang Adamo.

Bagaman kailangan kong bigyan ng hustisya ang sarili ko sa kasalanang ginawa ni Nathan sa akin, mas pinili kong sundin ang payo sa akin ni Andrew na pagtuonan ang pagsasaayos about my identity. Hindi raw ako dapat mahuli na substitute wife lang at kung hindi ko malusutan ay kailangang makahanap ako ng paraan para malinis ang pangalan ko. Nangako si Andrew na tutulungan niya ako kapag kakalimutan ko na lang ang kaso ng kapatid niya sa akin total daw inangkin naman niya ang batang nasa sinapupunan ko. Sumang-ayon ako sa kaniya at nagtiwala para sa kinabukasan ng anak ko at sa kaligtasan naming dalawa.

Matapos naming mag-usap, sinamahan niya akong pumasok sa kuwarto at doon nabigla ako sa sumunod niyang ginawa. Inimpake niya ang mga damit ko at pati na rin ang personal kong mga gamit. Inilipat niya iyon sa kabilang silid na pagmamay-ari niya.



Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon