"Trinah's POV
Araw iyon ng Sabado, nang dinala ko si Fin sa palengke dahil may emergency kina Dahlia. Walang magbabantay sa anak ko, kaya, ako muna ang nagtitiyagang nagkakarga sa kaniya. Matapos kong bumili ng mga pagkain sa palengke, ay dumiretso na muna ako sa convenience store para bumili ng gatas at iba pang pangunahing kailangan naming mag-ina.
Papasok na sana ako sa entrance, nang biglang nagpupumiglas si Fin sa kamay ko at binaklas niya ang pagkakahawak ko sa kaniya. Natumba siya sa senementong lupa. Bago ko siya maipatayo, may lalaking tumigil mismo sa harapan niya ang tumulong sa kaniya tumayo.
"Okay ka lang ba, baby," sambit ng isang lalaki habang panay punas ng dumi sa kamay ni Fin gamit ang wipes na binunot pa niya sa loob ng kaniyang maliit na bag.
Ngumiti si Fin at niyakap siya. Guwapo siya, matipuno ang katawan, may katamtaman lang ang taas, at maputi ang balat; mga katangian niyang bumighani sa aking kumikislap na mga mata. Kasing-tulad niya si Andrew kung tumindig at tumitig sa akin. Ang mga mabibilog niyang mga mata ang mas lalong namayani sa kaniyang kaguwapuhan.
Tinawag ko si Fin at inagaw sa kaniyang mga kamay. Paano ba kasi, estranghero pa ang lalaking iyon sa akin. Natakot akong baka kidnapin si Fin. Uso pa naman noon ang kidnapping sa lugar namin.
Papasok na sana ako sa pinto ng store, ngunit hinarangan ako ng guard dahil may dala akong bata. Panay iyak pa rin si Fin kahit na karga ko na siya.
"Maam, bawal po sa loob ang bata. Iyon po kasi ang bagong utos ng management," paliwanag ng lalaking guard.
"Ah, bakit po? Sandali lang po sana ako sa loob mamang guard kasi walang mapag-iwanan 'tong anak ko." Tinitingnan ko si Fin at gano'n din ang guard.
"Naku, pasensya na po talaga. Napag-utusan lang po rin ako ng boss namin. Sa iba na lang muna kayo bibili kung walang mapag-iwanan iyang anak mo," tugon ng guard.
Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung saang store na malapit ang puwedeng mapagbilhan. Subalit, mukhang malayo pa sa paningin ko dahil halos hotel, pizza stores, at mga pagkainan ang mga malalapit na gusali mula roon.
Ibinaba ko ang tingin sa anak ko na panay galaw at pansin ko'y nakikiliti siya nang makita ang lalaki na nakatayo pa rin sa likod ko at inaaliw pa rin si Fin. Wala akong choice sa oras na iyon kundi magtiwala sa estranghero. Hindi naman siguro niya itatakbo ang anak ko dahil nakatanaw lang naman ang guard sa transparent na pinto.
"Miss, sa akin lang muna si baby. Promise iingatan ko siya," pag-aalok ng lalaki.
Narinig niya ang pag-uusap namin ng guard tungkol sa pagbabawal ng bata sa loob. Kaya, hindi raw siya umalis kung sakaling kailangan ko ng tulong.
Wow! super concern naman niya sa akin! Haba ng hair.
Iniwan ko si Fin sa lalaki at mabilis na pumaripas papasok ng tindahan. Para akong matsing kung gumalaw para lang mapadali ang pamimili ng mga item at agad na lumabas para balikan ang iniwan kong anak sa labas.
Hindi ko pa nalapitan si Fin, ay agad ko nang naaninagan ang mukha ni Andrew na malapit lang sa lalaki at sa anak ko. Pakiwari ko'y galing ang dalawang lalaki sa pag-uusap at natigil lang nang dumating ako.
"Andrew!" pagtatawag ko sa kaniya, habang nakatitig pa rin siya sa akin.
"Magkakilala kayo?" sabat ng estrangherong tumulong sa akin na magbantay kay Fin.
Nagtinginan kami ulit ni Andrew, wari'y nag-uusap ang mga utak namin kung anong isasagot sa lalaki.
"Ahm...," magkasabay naming bigkas ni Andrew.
Pinalinaw niya muna ang kaniyang lalamunan, saka tinuloy ang pagsasabi ng, "Bro, yes, she's Trinah, my... e—ex-wife."
"Oh! It's a family reunion pala. Nandito ka rin ba, bro, for her or for this baby?" tanong ng estranghero.
"Ahm, y-yes. I mean, 'andito ako to find you. Pero, hindi ko naman alam na nandito ka pala kasama ang ex-wife at anak ko."
Ramdam kong may kirot sa loob ni Andrew. Nag-iba kasi ang tono ng pananalita niya. Humina ito at parang walang buhay.
"Oh! I'm sorry, bro. Hindi ko alam na iyong mag-ina mo ang nakilala ko just now. It's a coincidence maybe?"
"It's ok, chard. Wala ka namang kasalanan."
Pagkatapos ng pagsasalita niyang ito, umalis na siya sa harapan namin nang hindi man lang hinawakan o kinarga si Fin. Akala ko ba paninindigan na niya ang anak niya? Hindi rin pala. Wala pala din siyang pakialam sa anak niya.
***
Pinatawag ako ng sekretarya ni Ms. Jazmine para sa isang lunch na treat ni Mr. Awman. Gusto raw akong kausapin ng ama ko para sa importanteng bagay. Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya at nagpakita sa kaniya sa isang mamahaling restaurant na ibinilin sa akin ni Janette na puntahan.
Dala ko pa rin si Fin kahit sa trabaho dahil sa Miyerkules pa ang balik ni Dahlia. Kaya, pati sa pag-uusap namin ni Mr. Awman, ay kasama ko siyang pupunta.
Nahalina ako sa disenyo sa loob ng restaurant dahil puro ito ng mukha ng unicorns. Ang character na paboritong panoorin ni Fin sa telebisyon. Kaya, nang makita niyang puno ng iba't-ibang unicorn ang buong paligid, laking tuwa niya abot hanggang pisngi dahil mayroon na siyang kaaliwan.
Sa may gilid na mesa, nakita ko roon ang lalaking panay dutdot sa kaniyang phone. Nilapitan ko siya dahil alam kong siya ang ka-meet up ko sa tanghaling iyon.
"Have a nice seat, Ms. Trinah," unang bigkas niya sabay lagay ng kaniyang phone sa mesa at ibinaling ang tingin sa presensya ko.
"Oh! May kasama ka pala. Anak mo?" pagtatanong niya.
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Kinakabahan na kasi ako kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Naaalala ko pa naman ang huling pag-uusap namin na nauwi sa insultuhan at sagutan.
Umupo na ako sa upuang nakatalaga para sa akin. Tahimik lang si Fin at inaaliw ang sarili niya sa magandang tanawin sa loob ng resto.
"Kain ka muna. Alam kong nagugutom ka na," pag-aalok niya, sabay signal ng kanang kamay niya sa pagkaing nasa harapan ko.
Tumango ako ulit sa kaniya at dumampot ng kutsara at tinidor.
"By the way, ako ang magbabayad sa mga pagkaing ito. Kaya, huwag ka nang mahiya riyan. Kumain ka na muna bago tayo mag-usap." Natigilan muna ako bago sumubo ng isang slice ng steak.
Nang makita kong kumain na si Mr. Awman, kinapalan ko na ang mukha ko sa pagkain ding nakahain sa mesa. Gutom na rin kasi ako.
In-enjoy naming dalawa ang mga masasarap na pagkain at sabay naubos ang lahat ng nasa mesa. Matapos naming mananghalian, direkta na niyang sinimulan ang pakay niya sa akin.
"Trinah, magkano ba ang kailangan mo para lumayo ka sa pamilya ko?"
Nakakasindak ang tanong niyang iyon. Hindi ko inaasahang gano'n ang panimulang pambungad niya sa usapan namin. Napalunok ako ng laway, saka nag-iisip kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
"
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...