Pinagtatawanan ako ng mga tao na dumalo sa event dahil sa suot kong kulay orange gown. Ako pa iyong huling dumating, ako pa iyong kinukutya. Hindi ko naman in-expect na ganoon ka-engrande kung manamit ang mga mayayaman, sa isang okasyon, at saka wala pa akong experience sa ganoong klaseng mga pag-aayos sa sarili. Kaya, since napunit iyong binigay sa akin ni Andrew na gown, bumili na lang ako sa mas malapit na tiangge. Iyon lang kasi ang kaya ng bulsa ko at isa pa, mura lang ang presyuhan doon.
Ramdam kong naghagikhikan at nagchichikahan ang mga babaeng nakasuot ng eleganteng damit. Hindi ko lang sila pinansin dahil natutunan ko kasi ang aral mula pa sa aking yumaong ina na dapat magpakumbaba palagi kahit na nasa mababa ang tingin sa akin ng mga tao. Maayos na sana ang mood ko sa gabing iyon subalit may isang taong kontrabida talaga sa buhay ko.
He grabbed my arms nang mabilisan at dinala ako sa may gilid. I knew that ang husband ko iyon dahil dama ko ang malambot niyang balat ng kamay na nakabaon sa kanang wrist ko.
"Trinah, pinagtitinginan ka ng mga empleyado ko tapos parang wala ka lang reaksyon sa nangyayari? Are you insane?" mahinang wika niya subalit sa galit na galit na approach."
What's wrong with me? Maganda naman ang suot ko, ah. Wala naman akong dapat ipag-alala," sagot ko naman.
Ang totoo, pinapainis ko lang talaga siya sa tugon ko kahit alam kong pangit naman ang disenyo ng damit ko at halatang mumurahin lang pero mabango at malinis iyon.
Nakapameywang na siya habang nag-abot na ang kaniyang mga eyebrows sa sobrang inis sa akin. "Maganda na sa 'yo iyan? Wala ka talagang taste. Nakakahiya ka!" Sunod-sunod pa ang mga sermon niya sa akin na parang plakang paulit-ulit lamang ang laman ng estorya niya.
Dahil hindi niya matiis na mapahiya pa ako sa harapan ng maraming tao, dinala niya ako sa dressing room at tinawagan niya ang kaniyang assistant para dalhan ako ng bagong gown na susuotin ko as exchange sa cheap kong binili.
In just five minutes, her employee came and handed over to him the twin gown na binigay niya sa akin magkaibang kulay nga lang. Pabagsak niyang binigay iyon sa mukha ko sabay sabing, "Oh, suotin mo iyan para 'di ka naman magmukhang kawawa sa pamilya ko. Kung gusto mong hindi tayo mabubuko sa pagkukunwari bilang si Amie, you have no choice but to fix yourself bilang mayaman!"
***
Bago natapos ang seremonya, inannounce ng emcee ang mga bagong mukha, ang napili nila para maging modelo ng latest brand ng clothing designs na ipapalabas ng kompanya. May mga iilan kasing mga ladies and gentlemen na dumalo na mga kadugo ng mga employess at on the spot silang inofferan ng brand manager as one of the models. Kaya, pagkatapos silang tawagin para irampa ang gown na suot nila, ang pinakahuli ang nakakamanghang pinanonood ng karamihan.
Ipinakilala lang naman siya ng host as the wife of their boss. Siyempre, ako na talaga ang nanalo. Ako ang nabigyan ng prebilihiyong malagay sa coverpage ng magazine ng kompanya at leading model sa bagong brand na ilalabas nila. So, paano ba nangyari iyon?
Paglabas ko galing dressing room, I accidentally opened the wrong door kung saan nandoon nagpupulong ang recruitment team. Siguro, may nakita silang katangian ko na nagpahanga sa kanila at agad-agad kinuha nila ako bilang unang selected model nila. Ayon sa kanilang manager, perfect match daw ang hubog ng katawan ko sa nasabing brand na ipapalabas ng company. Kaya, I grabbed the opportunity and yet ang pinakaexciting part pa roon, when we meet Mr. Perrie in the venue, doon nila nalaman na I am Andrew's wife.Masaya
ang lahat sa pagkaway-kaway ko sa kanila while I'm on stage. Besides, talagang gulat na gulat sila dahil ang pinagtatawanan nila during my entrance in the venue na suot pa iyong cheap dress ay napapatingalang langit na sila.
I supposed Andrew would be proud to me after niyang nakita at nasaksihang inanunsyo na part na ako ng kumpanya. Sabagay, matagal na rin palang may bahagi na ako sa pamilyang Perrie, ang kaso peke nga lang ang identity ko. Bukod pa sa kinilala akong bagong recruit ng entertainment, pinarangalan din ako as the most beautiful woman of the night. Ang haba-haba naman ng hair ko.
Pagkatapos ng okasyong iyon, umuwi na kami ng husband ko. Ang assuming ko lang talaga na proud siya sa akin dahil inihatid niya ako. Eh kasi naman sumasakay lang ako ng taxi palagi. Kaya, nakakapanibago lang talaga. Iba tuloy ang laman ng isip ko.
Sobrang tahimik lang niya mula pa sa car hanggang pagpasok ng bahay. Nagtaka na ako kung ano na ang naging reaksyon niya sa mga nalaman niya sa akin. Kaya, hindi pa lang siya nakapasok sa room niya, hinadlangan ko ang daanan niya para tanungin siya ng isang bagay.
"Galit ka ba sa akin dahil naging pasaway ako kanina sa suot kong damit? O natutuwa ka lang na maging model na ang asawa mo ilang araw mula ngayon?"
"Correction, Trinah. Wala akong asawa, okay? Bangungot lang ang lahat ng 'to. Kaya, huwag mong seryosohin ang pagkukunwari natin, tsk."
Iyon lang ang naging sagot niya. Ang boring niya talagang kausap dahil malayo na nga ang sagot, sinarhan pa ako ng pinto nang padabog. Assume pa more, Trinah.
Kinabukasan, naggising akong parang naalimpungatan sa nakita. Si Andrew ay nasa kusina, mukhang naghahanda nang lulutuin for breakfast. Alam niya kasing hindi ako mahilig sa bread lang at kape kada umaga, at ganoon din siya. Pareho kaming gusto ng soup at kanin ang ihahain sa agahan. Kaya, araw-araw iyon ang daily routine ko, ang magluto.
However, the wind changed its route dahil anong nakain ng lalaking iyon at nagluto siya nang walang pasabi. Tinulungan ko siyang magluto in case na hindi pa niya kabisado ang process ng pagluluto ng soup. Hinayaan lang naman niya ako. Katunayan nga, masaya ko pa siyang inalalayan sa pagtimpla n'on. Doon ko napagtantong, mahilig pala siyang magluto kaso kulang lang daw siya ng time.
Matapos naming naihain ang chicken noodle soup, kinain namin iyon kasama ang kapatid niyang ubod nang takaw pagdating sa pagkain. Hindi man nga lang marunong magluto, siya pa iyong nakailang serve kada kain. Sabagay, walang trabaho eh, sana all na lang mayaman.
Sa gitna nang salu-salo namin, nagsalita si Andrew tungkol sa kaniyang mga habilin sa akin sa mga araw na mawawala siya sa bahay. "
Trinah, ikaw muna bahala sa bahay at sa kapatid ko. I have business trip for one week in Korea. Matagal-tagal din ang pagkawala ko rito pero inaasahan kong sana magkakasundo na kayong dalawa. Note: Bawal lumabas ng bahay, maliwanag ba?"
Tumango lang ako sa kaniya at sinang-ayunan ang mga bilin niya. Hindi ko pinahalatang malayo na ang takbo ng isip ko na parang super advance na sa mga delubyong mangyayari sa amin ni Nathan. Ang kinatatakutan ko ay mangyayari na. Walang takas na ako sa mga kamay niya.
I begged Andrew na isama niya ako total asawa naman niya ako sa papel but he refused my request. Nagbigay siya ng napakaraming dahilan para hindi lang ako maisama. Ako namang maunawain ay nagwawalang-kibo na lang para walang gulo.
At exactly 5 p.m., lumipad na ang sinasakyang eroplano ni Andrew papuntang Korea. Para masiguro ang kaligtasan ko, tinawagan ko si Dahlia para magiging kasama ko sa bahay, magandang rason para hindi na makalapit sa 'kin ang ex-lover ko.
Kontrolado ni Andrew ang CCTV footage ng bawat sulok ng bahay kung kaya't makikita niya lahat nang kilos ko beyond the main door. Meaning to say, bawal pa rin akong lumabas ng mansion. Nalaman ko lang ang lahat ng ito nang aksidenteng nabuksan ko ang kuwarto ni mister at nakita roon ang iilang monitors na nakatago sa secret room na continous lang sa silid niya.It was my first time seeing the hidden room. Siguro'y nakalimutang isara iyon ni Andrew dahil sa pagmamadaling pumunta ng airport.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...