Napabalita sa telebisyon ang pag-aatras ng mga investments ng mga investors sa kumpanya ng mga Adamo. Mula sa pitong malalaki at kilalang negosyante ay dalawa na lang ang natitira na nagtitiwala pa ring malampasan ng mga Adamo ang kanilang dagok na kinakaharap. Lubhang nag-alala ako sa kanila dahil kasaling maaapektuhan ang ina ko na walang ginawa kundi maghanap ng paraan para isalba ang negosyong kanilang pinaghirapan.
Pagkabasa ko sa screen ang pangalan ni ina, nasagip sa aking isipan ang sinabi ng midwife sa akin na ang palayaw ng babaeng nawalan ng anak ay Abby, bagay na nagkaroon ako ng pagtataka dahil Abegail Adamo ang full name ng nanay ko. Siya kaya ang tinutukoy na inang nawalan ng anak 26 years ago?
***Nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay Janette, hindi ko kilalang tao, na isang imbitasyon para sa isang meeting kung saan I am directly hired ng kumpanya as writer ng kanilang sariling magazine. J and P Entertainment magazine ang pangalan ng nakalagay sa ibaba ng pangalan ng sumulat sa akin. Pinaunlakan ko iyon dahil sa gusto kong magkatrabaho na at malaking opportunity na rin baka dito ako makikilala ng ama ko.
Nakagayak na sana ako para umalis nang sandali pa'y tumunog ang phone ko na inilagay ko pa sa kinailaliman ng bag ko.
Tumawag si Amie, "Trinah, you need to pack your things now."
"Bakit?" pagtatakang tugon ko.
"You're home has been sold a minute ago. Alam mo naman sigurong lugmok na sila mommy ngayon dahil sa problemang idinulot mo. Kaya, maghanap ka na nang malilipatan immediately as in now."
"Teka, paanong—" Amie dropped her phone.
Lubhang nalungkot ako dahil ang kapalit pala ng good news ay bad news na kailangan ko nang maghanap nang malilipatan. Pagtingin ko sa relo ko'y oras na pala para pumunta sa meeting, kaya pinaubaya ko muna ang pag-iimpake kay Dahlia at iniwan na rin sa kaniya si Fin.
Pasadong alas dyes ng umaga'y tumungo na ako sa address na binigay sa akin sa email. Hindi naman mahirap tuntunin iyon dahil pareho lang naman din ang lokasyon sa kumpanya ng ama ko, sa likod nga lang ng building nila ang papasukan ko.
"Good morning, Ms. Trinah," bating pambungad ng sekretarya na si Janette, ang nag-email sa akin.
"Same to you, po," tugon ko naman na may halong hiya sa kalooban ko. Matagal-tagal na rin kasing humaharap ako sa mga taong 'di ko pa kilala, kaya nag-a-adjust pa ako.
"Take a seat," kasunod na winika niya na sinunod ko naman. "Ms. Trinah, hintayin lang muna natin si boss Jazmine. Papunta na rin daw siya kasama ang isang client," dagdag pa niya.
Tumango ako sa kaniya at binigyan siya ng slight na ngiti bilang pagtugon. Minuto lang ang pagitan, naunang pumasok ang babaeng sinasabing may-ari ng tatrabahuan ko. Maganda siya, makinis ang balat, maputi, at matangkad. In short, halos perfect siya sa outside look. Ngunit, ang couple na kasunod niya ang nagpukaw sa natutulog kong puso.
"Mam Jazz, here's Trinah. Ang requested writer mo," wika ni Janette na nagpabigla na lumingon sa kaniya.
"Oh! Trinah, here you are. Ahm, by the way, I'm Jazmine, the owner of this magazine. I'm glad to meet you in person. Ang ganda mo pala talaga."
"Hindi naman po. Mas maganda ka nga po, eh," nakangiting tugon ko.
Nagpalitan kami ng pangungusap tungkol sa pag-iidolo ni Ms. Jazmine sa akin sa pagsusulat ko ng mga nobela. Matagal na pala siyang humahanga sa mga pieces ko at lagi niyang inaabangan ang mga bagong stories ko. Ngunit, sa nagdaang buwan, na-ban ako sa iba't-ibang Sites and Apps na pinupublishan ko dahil sa mga paninirang-puri ng mga kumakaaway sa akin. Kaya, lubhang nalungkot si Ms. Jazmine bilang avid reader ko dahil hindi wala na akong new story na aabangan niya.
Sa sobrang abala sa kuwentuhan, nakalimutan na ni Ms. Jazmine na may kasama pala siyang clients na hindi ko pa natingnan din dahil ang buong oras ko'y nabaling lang sa kaniya.
"Ay teka, may kasama pala ako. Sorry," wika niya na may halong tawa dahil sa pagkalimot.
Doon ko nakita ang lalaking unang minahal ko, si Nathan. Matagal ko na rin siyang 'di nakita, kaya naninibago pa ako sa itsura niya. Nakapormadong mayaman na kasi siya na hindi na gaya ng dati na simple lang kung manamit. Pinansin ko siya, na parang stranger lang kami sa isa't-isa. Ayaw ko kasing masira siya sa kasama niyang parang fiancee niya.
"By the way, Trinah, hindi sila ang gagawan mo nang istorya na isusulat mo sa magazine na ang tema ay 'kasal' , kundi iyong kapatid ni sir Nathan na ikakasal na by next week. Inutusan lang sila na ibigay sa iyo ang mga detalye dahil nga abala na ang couple sa preparations nila..." Natulala ako habang patuloy na nagsasalita si boss. Napaisip kasi akong sa kabila ng lahat, apektado pa rin ako sa lalaking nasa puso ko pa rin.
"Hey Trinah, nakikinig ka pa ba?" pasinghal na wika ni Ms. Jazmine upang pukawin ako sa pagkatulala.
"Itutuloy pa rin ba niya ang kasal sa babaeng iyon kahit—"
"Ano? what do you mean?" nalilitong usisa ni boss sa akin.
Nagulat ako. Bigla kong nasabi ang mga salitang hindi ko napag-isipan. Nasagap sa isip ko bigla na kausap ko pala ang babaeng hindi alam ang past ko.
"Ah, w-wala. Nevermind po ma'am."
Buti na lang, hindi na ako inusisa pa ni Ms. Jazmine tungkol do'n. Hindi ko pa naman alam ang mga isasagot gayong nasa harapan ko si Nathan. Walang alam si Jazmine sa takbo ng buhay ko. Iyong naging karelasyon ko, asawa ko o sa pamilya ko. Pawang mga nobela ko lang ang kabisado niya. Hindi ko rin balak na ipaalam pa sa kaniya ang history ko dahil ayaw kong hindi matuloy ang trabaho ko gayong kailangan ko iyon para mabuhay.
Sa maikling oras, nasabi na nila Nathan ang iilang detalye na isusulat ko sa first page ng magazine and the rest ay sa wedding day na. Meaning to say, I'm invited to go to the wedding since mula umpisa ng ceremony at the end ay isusulat ko ang mga pangyayari. Talagang kailangan kong maghanda para kung sakaling makasagupa ko si Antonette ay may isasagot ako.
***Isang araw bago ang kasal ay kinausap ako ni Hailey, ang lalaking pinagkatiwalaan ni Andrew sa lahat ng bagay, ang tungkol sa presensya ko sa wedding ng kapatid niya.
"Oh, nandito ka ba para balaan ako na huwag pumunta sa reception? Sinasabi ko sa 'yo, hindi na ako apektado sa ex-husband ko," ani ko, kahit sa loob ko'y kumikirot nang kaunti.
"Trinah, ang totoo, hindi si Andrew ang May utos sa akin na puntahan ka rito kundi ang kapatid niya mismo."
"Si Nathan? Bakit?" Napataas ko na boses ko dulot nang pagkabigla.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...