Trinah's POV
It was unintentional na ako ang humalili bilang bride in behalf of Antonette. Mabigat kasi ang kamay ng babaeng iyon na kahit pang ikakasal na sa taong pinapantasyahan niya ay insecure pa rin sa akin. Noong pinasok ko kasi ang room niya for documentation, naabutan ko siyang pinapagalitan ang kaniyang make-up artist.
Hindi kasi niya nagustuhan ang simpleng eyeshadow na ginamit sa kaniya na galing sa New York pa ang brand nito. Nais niyang punuin ang mata ng makapal na eyeshadows, subalit hindi naman iyon nababagay sa puting gown na suot niya. Pilit na nililinaw ng make-up artist niya ang tungkol sa pagbabagay niya sa make-up at suot ni Antonette, ngunit sa halip na sumunod ay nakipagtalo ang bride sa kaniya.
Kaya, hindi nakapagtimpi ang sikat na make-up artist dahilan na tuluyang iniwan niya ang bride sa room. Naroroon na ako na nakatayo sa may pintuan nang dumaan sa akin ang babae. Sadyang nabigla ako sa nangyari, kaya hindi ko siya napigilan.
Nabaling sa akin ang galit ng bride sa kagustuhan niyang maipakita ang sarili bilang napakaganda sa harap ng altar. Bigla niyang hinablot ang braso ko at itinulak sa maliit na sofa.
Tahimik lang ako habang sumisigaw siya ng, "Ikaw, sino ka namang babae ka? Bakit nakamaskara ka? Plano mo rin bang sirain ang kasal ko, hah?"
"H-hindi p-po," mahinang tugon ko.
"Sinungaling!"
Sinabunutan niya ang malambot kong buhok dahilan na nabitiwan ko ang hawak kong pluma at notebook. Wala akong plano na lumaban sa kaniya, ngunit hindi ko na kinaya pa ang hapdi dulot ng paghila niya sa bawat butil ng buhok ko.
"Tama na po," pagmamakaawa ko, na pilit ko pang pinipigilang tumulo ang mga luha ko sa takot na baka makilala na niya ako dahil sa lakas ng paghikbi.
Subalit, naging desidido pa siya sa susunod pang pangyayari. Hindi pa siya nakuntento sa pananakit sa akin. Gusto pa niyang putulin ang tali ng maskara ko at ilantad ang maamong mukha ko.
Itinulak ko siya ng buong puwersa ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalakas ang epekto niyon sa kaniya. Akala ko, simpleng pagtulak lang iyon, subalit nang sinulyapan ko siya'y napaigtad ako sa sobrang bigla. Nakahandusay na siya sahig nang walang malay.
Ginising ko siya nang ilang beses, subalit hindi tumugon ang buong katawan niya. Naabutan kami ni Hailey, na noo'y balak na sunduin si Antonette para lumabas na ng kuwarto dahil magsisimula na ang seremonya ng kasal. Dahil sa hindi puwedeng mahuli sa oras na itinakda sa seremonya, inayos ni Hailey ang lahat ayon sa gusto ng groom at sa planong sa halip na si Antonette ang true bride ay papalitan ko siya suot ang gown na pangkasal.
***Sa Paris, kung saan kami lumipad para sa tatlong araw na honeymoon, ay pareho naming pinagkasunduang maging malapit sa isa't-isa. Nakalimutan ko nang sandali ang mga nakaraan ko sa kaniya. Ang mga sakit, pagdurusa, at walang humpay ng pagpapahirap sa akin noon ay pansamantalang binura ko sa aking alaala. Nais ko kasing sundin muna ang nilalaman ng puso ko gayong doon ay wala ng mga kontrabida.
Unti-unting bumabalik ang dating pagmamahalan namin. Unti-unting nahuhulog ulit ang mga puso namin gayong kami na lang dalawa.
Sa umaga'y, namamasyal kami sa mga magagandang tanawin ng bansa. Kumukuha ng mga litrato bilang alaala namin sa sandaling pagsasama. Dinig ko ang malakas niyang halakhak sa tuwing kinukurot ko siya at ang ngiti niya'y tumutunaw pa rin sa aking kumikislap na mata. Talagang kung tingnan kaming dalawa ay parang totoong mag-asawang malayo sa problema.
Nang pauwi na kami galing pamamasyal, umandar na naman ang pagkatahimik ko. He booked two rooms para sa aming dalawa. Bakit kaya hindi na lang kami magsama sa iisang room?
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...