Chapter 28: Kamalasan sa buhay ni Trinah

1 0 0
                                    

Natulala akong bigla, nag-iisip ng blangko lang, nang sandali pa'y dalawa na ang aking paningin at unti-unting nawawala ang liwanag nito. I was blacked out nang pagkatapos ay ramdam ko na lang ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking mga balat.

***

"Trinah, gising na!"

Mukhang pamilyar sa aking pandinig ang boses na iyon. Para bang narinig ko na dati sa kung saang pamilyar na lugar.

When I opened my eyes, I saw a man's shadow at the wall. Matangkad, makisig ang katawan, at matangos ang ilong ang siyang pumorma roon.

I twisted my neck gently para makita ang mukha ng lalaking iyon. Nanginginig ang mga kalamnan ko dulot ng ginaw ng hangin na dumadami sa balat ko. It was Seph, my husband, ang bumungad sa aking harapan bakas ang pag-alala ng maamong mukha nito. Napalunok ako ng laway ng dalawang beses bago nagsalita sa kaniya.

"How dare you facing me with that traitor look! Get out of here!" pagsigaw ko, habang sinundan iyon ng paghikbi.

He tried to touch my arms, but I resisted. Dumistansya ako sa kaniya at pagkatapos ay sinulyapan ko ang aking anak na natutulog pa sa kama.

"Tingnan mo ang anak ko. Nang dahil sa 'yo, nawala lahat ang paghihirap ko para sa kaniya. Wala ka bang awa na natitira diyan sa puso mo, Seph, hah?"

"Trinah, I'm sorry. I made it all for a reason. Please let me explain."

Sa pagkakataong ito'y hinayaan ko na siyang hawakan ang kamay ko dahil na rin siguro sa nanginginig na ako dahil sa sobrang stress. Isang patak pa ng luha ko ang siyang bumuhay sa akin para sumbatan siya nang masasakit na salita.

"I don't need your explanation, Seph Andrew, dahil tapos na tayo," malinaw kong wika sa kaniya.

Pagkatapos ng mga salitang iyon ay lumakad na ako para tabihan ang aking anak. Hindi ko na siya sinulyapan pa ni tiningnan kung umiiyak ba siya o hindi. Namayani lang siguro ang galit sa aking puso, kaya biglaan ang mga kilos kong iyon. Ilang sandali pa'y tumunog ang pintuan at dinig ko mula roon ang tunog ng sapatos pambabae.

Nacurious ako kung sino ang dumating, kaya napasulyap ako ng ilang segundo para matingnan kung sino iyon. Nakabestida ito ng pula dala-dala ang mamahaling bag niyang GUCCI. Lumapit siya sa akin at tinitignan ako nang matalas at saka nagsabing, "Kawawa ka pala ngayon, Trinah. Kung nakinig ka pa sa akin na layuan si Andrew noon pa ay sana 'di nawala sa 'yo ang lahat."

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tugon ko.

Inilabas niya ang isang papel na kinuha niya sa bag at binigay sa akin. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang pilit na hinawakan ito at binuksan ang nakatuping papel.

Upon reading the heading, agad kong sinabi sa kaniyang, "Hindi ko pipirmahan iyan!"

She rolled her eyes and pointed her finger at me. "Ikaw, kung gusto mong makasama ang anak mo nang mahabang panahon, makinig ka na lang sa mga inuutos ko sa 'yo. Kailangan mong pirmahan iyan para makasal na kami ni Andrew, sa lalong madaling panahon, or else, kung matigas ka hindi lang property mo ang mawawala sa 'yo kundi ang anak mo pati iyang walang kwentang buhay mo!" pagbabanta pa niya sa akin.

Napanganga na lang ako at walang maisagot sa mga pananakot ni Antonette sa akin. Oo, siya lang naman ang anak ng mayamang Reyman, na matalik na kaibigan ng ama ni Andrew.
I feel so hopeless nang makitang tumalikod na siya sa akin na pinta ko'y nagagalak sa mga failures ko while I'm crying in the midst of misfortune. Napakamalas ko talaga!

******

Nagpaalam ako kay Nathan na umalis at iniwan ko muna sandali sa kaniya ang anak ko. Pumayag naman siya subalit may kondisyong dalawang oras lang ako dapat mawawala. First time niyang magbantay ng bata sa buong buhay niya kaya medyo mahirap sa kaniyang alagaan si Fin.

Suwerte na lang siguro ako na napapayag ko siya dahil na rin siguro sa awa niya sa akin.

Balak kong puntahan si Dahlia upang humingi ng tulong. Hindi ko kasi kayang nag-iisa lang sa laban habang walang-wala. Sa kabutihang palad ay bakante siya para samahan ako papunta sa bangko, nagbabakasakaling ma-withdraw ko pa ang pera ko sa ATM na joint account namin ni Andrew.

Nginitian ko pa ang teller sa pag-asang makukuha ko na ang perang kailangan ko, subalit nagbago bigla ang mood ko nang sinabi niyang, "Your account has been blocked na po. Trinansfer na lahat ang laman ng ATM n'yo sa account ni Mr. Seph Andrew Perrie."

"What? Oh no, this can't be!" Ito na lang pabiglang reaksyon ko sa narinig kong statements na iyon.

Sobrang gumuho ang mundo ko na halos mawalan na ako ng pwersa sa katawan. Big luck na lang sa 'kin dahil inalalayan ako ni Dahlia sa paglakad. Ang kaibigan kong iyon ang siyang naging sandalan ko sa sandaling paghikbi ko sa gilid ng kalsada.

Sa paglakad namin, isang lalaki ang biglang nabangga ko. Siguro, wala na ako sa sarili, kaya hindi ko na maggawang tingnan ang daanan. I said, "Sorry," to him, sa katangahan kong iyon, but iba ang naging response niya.

"Mam Amie? Ikaw ba 'yan?" wika niya.

"Ahm— A-ako nga pero..." nauutal kong tugon.

Tinapik niya nang mahina ang balikat ko at sinabing, "Okay lang po ba kayo? Mukhang wala ka po yata sa mood ngayon."

I gave him a fake smile at dumiretso na sa paglakad. Hindi ko na binigyang hint si Hailey, dahil ayokong mahalata niya ang nangyari sa akin. Malapit pa naman ang loob niya sa mga Perrie, lalung-lalo na kay Andrew. Amie ang pangalan ko na kilala niya dahil iyon ang pakilala ko noon bilang pagpapanggap ko. Hindi iyon alam ni Hailey, dahil sekreto lang namin dalawa iyon ni Andrew.

Bahala na siya kung ano ang isipin niya sa hindi ko pagkibo sa kaniya. Indeed, gusto kong makita niyang matatag pa rin ako sa kabila nang pang-aapi ng mga mayayamang sumira sa kinabukasan ng pamilya ko.

Nagpahinga muna kami sandali ng kaibigan ko sa isang plaza kung saan doon kami unang nagkita ni Andrew. Naalala ko tuloy nag mga tagpong first meet with quarrel namin ng lalaking iyon. Napaluha na naman ako nang bumalik sa alaala ang lahat.

Ang mala-drama naming pagtatagpo at ang pagsubstitute bride ko. Lahat ng iyon ay presko pa sa isipan at puso ko.Ibinuhos ko nang lahat ng sakit sa lugar na iyon. Isinigaw ko ang mga katagang, "I hate you, Andrew," kasabay nang pag-andar ng fountains sa likod namin.

Akala ko walang nakaririnig sa mga bulyaw ko, subalit nagkamali ako. Nakita na pala ako ni Amie sa malapitan na kanina pa'y umiiyak at minamasdan ang susunod pang gagawin ko. At nang narinig niyang matinding emosyon ko, ramdam niyang nasa kapighatian ako kaya lumapit na siya sa akin kasama ang asawa niya.

"Trinah, is there something wrong with you again?" pag-alalang wika niya sabay pahid ng panyo sa mukha ko.Imbes na sagutin ko siya sa itinatanong niya sa akin, ay iba ang napansin ko sa bagay na hawak niya.

Inagaw ko iyon mula sa kamay niya at napaisip kung bakit nasa kaniya iyon.

"This is mine. Bakit mo hawak 'to?"

"A-a, Trinah, so totoo ngang ikaw ang tunay na may-ari niyan?" tugon niya, pagkatapos ay nagtitigan sila ni Attic, ang asawa niya.

Tinitigan ko ang panyo at inayos ang tupi sabay sabing, "Oo, akin nga ito. Mahalaga ito sa akin, kaya hindi 'to puwedeng mawala sa mga gamit na tinitipon ko. Ito na ang kasi ang naging ala-ala ko sa tunay kong ina na hindi ko kailanma'y nakikita."



    


Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon