Chapter 25: Ang panyo

2 0 0
                                    


Nagtalo kami ni Andrew hiding the fact from me about sa annulment issue namin. Akala ko ba mahal niya ako kaya ipinagpatuloy namin ang marriage na sa simula'y pagkukunwari lang? Am I not deserved to be loved by a rich man? Or nagbago na ba ang pagmamahal niya sa akin all this time?

Hindi ko mawari kung bakit biglang hindi na niya ako pinagkakatiwalaan. Ang alam ko lang, pagdating sa usaping negosyo at pag-ibig, pantay na ang pagtingin niya rito. Subalit, biglang nalaman ko na lang sa ibang tao na gusto niya pala akong hiwalayan sa lihim na paraan.

"Bakit 'di mo sinabing pagod ka na? Eh 'di sana hindi ko na lang hinayaang umasa na paninindigan mo kami ng anak ko!"

"Ginawa ko naman iyon 'di ba?"

"Ang alin?"

"Ang tanggapin kayo ni Fin kahit alam ko namang anak siya ng kapatid ko. Tinuring ko kayong tunay na pamilya. Kaya, mali iyang iniisip mo sa akin."

Natahimik ako. Bigla akong nakunsensya sa mga talata niyang sagad sa kaibuturan ng aking puso. Ipinaunawa man niya ang situwasyon, may pag-alala pa rin sa aking isipan at maraming what if's ang in-imagine kong mangyari sa susunod na mga araw.

***

Habang nagliligpit ako sa mga lumang gamit, nakapukaw sa akin nang pansin ang isang bagay na matagal ko ng tinago-tago. Ang panyong tanging naiwang may halaga dahil kagamitan nitong may kinalaman sa pagkatao ko. Nakaburda ang pangalang 'Apple' sa kaliwang tupi nito na kahit ako'y hindi alam kung anong ibig sabihin ng salitang iyon. Maliban kasi sa kaisipang baka iyon ang ipinangalan sa akin ng babaeng nagluwal sa akin o puwede ring pangalan ng tunay kong ina iyon.

Bago pumanaw ang mag-asawang nag-alaga sa akin mula pagkabata, nabanggit na nilang napulot lang daw nila ako sa may hardin ng mga bulaklak katapat lang sa lumang bahay nila. Nakalagay ako sa isang basket kung saan napalibutan ako Ng Mga fresh flowers na kulay Pula na may kasamang panyo at iilang mga damit ko. Ang mag-asa'y masayang-masaya nang dumating ako sa buhay nila. At masuwerte naman akong naipasakamay sa mga mapagmahal na mga magulang na kahit isang beses ay hindi ko pinagsisihang nakasama sila nang maikling panahon.

Marahang tinitigan ko ang bagay na iyon na parang na-curious akong malaman kung ano pang nakalagay sa ibang tupi nito. Sinubukan kong iunat ang buong tela at nasuring may iba pang nakasulat na nagbigay sa akin ng hint para mahanap ang tunay kong ina. Binasa ko iyon at inunawa nang maigi ang mga talinghagang nakasulat, hanggang nakuha ang ibig sabihin nito.

"Alam ko na! Sinadyang iwan ako ni mama sa mga taong kumupkop sa akin dahil wala siyang choice, or maybe malalim ang kaniyang naging dahilan. Malinaw ang nakasaad sa sulat na hindi niya ginustong iwan o ipamigay man ako, kundi gusto lang niya akong subaybayan habang pinapalaki ng kinikilala kong ina't ama," bulong ko sa aking sarili.

Tinapos ko na ang paglilinis at pagliligpit ng mga gamit at saka tiningnan si Fin, kung natutulog na ba o dilat pa ang mata na dinuduyan ng katulong ko. Sinulyapan ko lang siya at tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

Narinig ko ang tunog ng aming telepono. Sinuri ko kung sino ang tumawag at napag-alamang si Mrs. Adamo ang nasa linya, inanyayahan akong dumalo sa isang dinner na inihanda nila para sa akin bilang pagpapasalamat sa pagbibigay ko ng dugo kay Mr. Adamo.

Pinaunlakan ko ang imbitasyong iyon at maagang nag-ayos ng sarili. Simple lang ang suot kong damit , sakto lang sa okasyong napapanahon. Nahiya ako konti sa pagpasok sa bahay nila at kinabahan na rin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ewan ko ba, hindi naman iyon ang first time kong tumuntong ng bahay nila, subalit parang may kakaibang naramdaman ako sa puntong iyon. Gayunpaman, pinilit kong nilabanan ang bumagabag sa akin. Manapa'y, ngumiti lang ako at nakisalo sa kanilang kainan.

Napansin ako ni Amie na tahimik lang habang kumakain. Ang nakasanayan long magkuwento sa tuwing nagtitipon kami ay 'di ko na ginagawa. Kaya, nagtaka siya sa kaibang asal ko.

"What's wrong, Trinah? May problema ka ba?" pagtatanong niya sa akin.

Then I responded, "A-aa, wala naman."

"Napansin ko kasing tahimik ka pagpasok pa lang dito sa bahay. This dinner is for you pa naman. Masaya pa nga kaming nakakasama na naming muli sa dad kumain sa hapag-kainan na ito at nang dahil iyon sa dugong dinonate mo. Kaya, malaki ang pasasalamat namin sa 'yo, Trinah."

"No worries. Nang dahil naman din sa inyo nagkaroon ako ng Fin na inaalagaan ngayon." Nginitian ko sila, ipinapakitang pagiging sincero ko sa pagsasalita.

Nakita kong nag-iisip si Amie ng sasabihin galing sa huling pangungusap ko. Siguro, may pag-alinlangan siya sa mga bagay-bagay.

At saglit pa'y napatanong siya, "Ah teka, akala ko ba bago pa naging kayo officially ni Andrew disregarding soon sa pagpapanggap niyo as couple. So, does it mean that Fin was accidentally made by him or whom?"

Bigla akong nabunulan, resulta ng reaksyon ko sa palaisipang may laman na sinalita ni Amie. Napatayo ako habang na-panic naman si Mrs. Adamo dahilan para bigyan ako ng tubig na hindi ko naman naayos sa pag-inom. Tumalsik ang kalahating basong tubig sa sahig at damit ko. Akmang hahakbang na ako papuntang banyo nang biglang nahulog ang panyo mula sa mababaw na bulsa ko.

Parehong nakatitig lang kami ni Madam sa bagay na nahulog sa sahig. Ang binurdahang panyo ay pinulot niya nang dahan-dahan na may pagkalungkot sa mukha. Nakatingin lang kaming lahat sa kaniya, inobserbahan ang susunod na reaksyon niya, at hinintay kung ano ang sasabihin niya related sa lumang panyo na iyon.

"S-saan mo nakuha 'to, Trinah? S-sinong nagbigay sa 'yo nito?" nauutal niyang tanong sa akin.

Ilang segundo pa ang pagitan bago ko sinagot ang katanungan niya dahil nabigla ako sa reaksyon niyang maningiyak-ngiyak. I am afraid na kilala niya ang may-ari ng panyong iniwan sa akin ng tunay kong ina. Kaya, nag-iisip pa ako kung ano ang isasagot ko na makapagbibigay satisfaction sa kaniya.

"Trinah? Ano? Sagutin mo naman ako!" Naluluha na siya na para bang may higot siya sa puntong iyon.

"A-aa, actually madam, hindi po iyan akin. It's—"

"Hindi mo dapat pinakikialaman ang bagay na hindi sa 'yo, Trinah. Maybe, this thing has its past memories ng may-ari. So, you need to return this to her."

Biglang umalis si madam at tumungo sa likod ng bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya at kung may koneksyon ba siya sa bagay na mayroon ako. Basta, sinagot ko lang ang gusto niyang malaman.

Natapos ang dinner naming iyon na wala si Mrs. Adamo. Umuwi na ako pagkatapos naming mag-usap ni Amie at ni Mr. Adamo sundo ng supportive na asawa ko.

Habang nasa biyahe kami, walang kino si Andrew. Sa tuwing kinakausap ko siya'y tumatango lang siya. Alam kong malungkot siya o napapagod lang sa trabaho. Kaya, hinayaan ko muna siyang manahimik lang.

Pinilit kong pasiyahin siya'y tila nagagalit na siya sa akin. Umiiwas na siya kapag lumalapit at naglalambing ako sa kaniya. I was so empty that time na para bang nag-iisa na naman. Hindi niya ako kinakausap ng ilang araw at 'di na rin siya tumatabi sa amin ni Fin sa pagtulog.

At kung minsa'y umuuwi siyang lasing. Nag-alala ako sa kaniya kaya sinumbatan ko na siya.

"Ayaw mo na ba sa akin, Andrew?"





Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon