CHAPTER 21: OFFICIALLY ON

2 0 0
                                    

Natulala lang siya, parang batong hindi naggawang igalaw kahit pilik-mata man lang. Doon ko napagtantong baka hindi niya talaga ako minsan pa'y nagustuhan. Kaya, humakbang na ako paurong saka tumakbo sa may gilid ng kalsada. Rinig ko ang pagsigaw ng, "Trinah," subalit malayo na ako at buong-buo na ang desisyon na sumakay ng taxi pauwi sa bahay.

Ilang minuto lang ang byahe ko, nakarating ako kaagad sa destinasyon ko. Nadatnan Kong pinatulog ni Dahlia ang anak ko at sinayaw-sayaw iyon. Dumiretso na kaagad ako sa pag-iimpake ng gamit na kailangan naming mag-ina. Mabilisan ang kilos ko at inanyaya ang kaibigan kong samahan ako sa pagtakas sa mga guards para tuluyang iwan na si Andrew.

Tumuloy ako sa bahay na pinagtataguan ni Amie at ang kaniyang asawa. By the way, ikinasal na pala si Amie sa huwis lang doon sa long time boyfriend niya.

Pagkasabi ko sa kaniya ng buong pangyayari, napagtantong siyang, "Paanong hinayaan ka na lang ni Andrew na masaktan sa maraming tao?""

Iyon nga pinagtataka ko, eh. Kahit konting concern lang sa akin ay wala talaga. Ang hirap niyang mahalin...". Napatulala ako sa may bintana habang tanaw ang tanawin sa labas.

Ang totoo, nag-expect talaga akong sundan niya ako pero mukhang malabo na iyong mangyari.
"Pero kahit ganoon siya, hindi ko na siya maggawang kalimutan," dagdag ko, sabay patak ng luha kong matagal nang gustong makawala sa sobrang sakit sa mga nakaraang karanasan.
Lumipas ang tatlumpong minuto, may narinig akong busina ng sasakyan sa may labas ng gate. Dali-daling dumungaw ako sa may glass ng pinto na makikita mo kung sino ang paparating na tao mula sa labas. Hindi klaro ang lalaking lumabas mula sa kotse dahil nakaharang ang katawan ni Amie na sumalubong sa mga bisita.

Maya-maya pa, bumalik ako sa upuan dahil tanaw kong papasok na sila sa bahay kasama ang mga guests. Nakayuko pa ang ulo ko, nagtakip ng bandana sa mukha at Mata lang makikita nila sa akin. Wala akong intensyon na makipag-usap kahit kanino kaya nagsuot ako ng ganoon. Subalit, kahit anong tago ko'y nilapitan at nakilala pa rin ako ng isa sa mga bisitang dumating.

Huminto siya sa harapan ko sabay iniangat ang mukha ko at kinuha ang takip sa mukha ko. I couldn't resist him after seeing that it was Andrew who tracked me using a GPS device. Naalala ko, suot ko pala ang binigay niyang relo na may nakainstall na locator. I supposed to stand para iwasan siya pero hinila niya akong mabilisan at niyakap.

"Bakit lagi kang umaalis sa tuwing nagkakaproblema tayo?" bulong niya sa akin na bahagyang napatulak ako sa kaniya at 'di alam ang gagawin.

Lumabas na lang ako at pumuntang garden. Sinigaw ko ang lahat ng hinanakit ko hanggang sa mailabas ko iyon paunti-unti. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa tuwing nakikita ko si Andrew ay naaalala ko ang mga sinabi ng ama niya sa party. Wala na ba kaming pag-asa ni Andrew maging tunay na pamilya?

Nang buksan ko ang aking mga mata mula sa pagkapikit dulot ng pag-iyak, nakakita akonng isang bungkos ng mahalimuyak na bulaklak. Nakakatakot sana ang amoy kaso bigla akong nabahing. Agad naman iyon kinuha sa harapan ko, siguro nakaalalang allergic ako sa amoy ng sampaguita.

"I'm sorry, Trinah. I have lots of shortcomings for you. Hayaan mong paunti-unting punan ko iyon para sa 'yo," saad ng lalaking nagdala sa akin ng bulaklak na nakatayo sa likuran ko.

Pinahiran ko ang aking mga luha at hinarap siya. Namamaga na ang aking mga mata sa kakaiyak n alam kong nagagalit siya sa akin pagkakita nito.

Kumuha siya ng panyo at pinahiran ang naiwang luha sa pisngi ko. Kasunod nito'y kinuha rin niya ang kanang kamay ko saka inilagay iyon sa bandang puso niya.

"Pakinggan mo ang pintig nito. Masasabi mo bang normal ang heart rate ko sa bilis niyang iyan?"

Mabilisang ibinaba ko ang kamay ko dahil sa hindi ko maintindihang pahiwatig niya. May sakit na siya o nag-iinarte lang? Mahirap manghula sa nais niyang ipabatid sa akin gayong hindi naman ako matalinong tao.

"Malay ko ba riyan sa puso mo kung abnormal iyan? Wala nga iyang pakialam sa akin, eh. Nakaalis na nga."

Pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa aking bisig. Na out-of- balance ako, kaya diretsong nahila ako palapit sa mukha niya. Muntikan nang maglapat ang aming mga labi kung hindi lang ako umiwas kaagad.

"Hindi pa ako tapos. Makinig ka muna sa sasabihin ko bago ka umalis.""Ano?"


"Hindi ko balak sundin ang kagustuhan ng mga magulang ko about my second marriage, with another girl this time. Buong buhay ko, sunod-sunuran lang ako sa kanila. Pero ngayon, puso ko na naman ang susundin ko."

"What do you mean?" usisa ko, na bahagyang napakalakas na ang pagkabog ng mga pulso ko.

Tinitigan niya ako sa mata, inayos ang buhok ko, at ipinatong ang mga kamay sa balikat ko. Kinakabahan siya sa hininga pa lang. Alam ko iyon dahil hindi naman siya ganoon kung may gustong sasabihin sa akin. Bagaman loading pa ako sa ipinapahiwatig niya, in the other side ay umaasang magandang balita ang hatid niya.

"Trinah, ipaglalaban kita sa mga magulang ko. Gagawin ko iyon dahil..."

"Dahil ano?"

"Ang hirap, hooh... Okay, ganito... Iyon ay dahil g-gusto kita. Oo, gusto na kita, Trinah." Nanlisik ang mga mata ko sa mga salitang binitawan niya.

Totoo bang narinig ko o baka bingi na ako? Tulala ako at nag-isip-isip baka gusto lang niya ako bilang kasambahay o kaibigan. Nag-aalangan pa akong itanong kung talagang mahuhulog na siya sa akin. Buti na lang siya na nagpaliwanag ng lahat upang malinawan ako.

"Okay lang na patuloy tayong magsama. Trinah, Mahal na Mahal Kita, alam mo ba iyon? Magsalita ka naman diyan," pasigaw niyang sabi dahilan para mapukaw ako mula sa gising na pagkatulog.

"Huh? Ano iyon?" pagkukunwaring tanong ko.

Hinila niya bigla ang katawan ko at mabilisang sinunggaban ng matamis na halik. Sampung segundo siguro ang tagal bago niya pinutol ang kaligayahang iyon. Upon kissing, may naalala akong tao mula sa nakaraan na mukha ni Andrew ang aking nakikita. It was familiar but blurred sa alaala ko.

"Sabi ko, mahal na kita. Kaya, puwede bang magiging asawa na lang kita ng totohanan?"

"A-aaa... S-aige, walang problema iyon," sagot ko, na nagbigay ligaya sa kaniyang mga mukha na kaagad naramdaman kong totoo nga ang sinasabi niya.

Naging kami na nga ni Andrew. Isang substitute bride at asawa lang ako pero hindi ko akalaing maging totohanan niya akong minahal na rin. Pumasok na kami sa bahay pagkatapos naming nag-usap.

Nakilala ni Andrew ang totoong Amie Adamo sa bahay na iyon. Ipinaliwanag naming magkaibigan sa asawa ko ang buong detalye sa aming identity swapping nang mas malinaw. Naintindihan lahat ng iyon ng mayamang lalaki na magbunsod pa sa kaniyang tulungan kami sa susunod na hakbang namin.

Nagplano kami sa mabuting gagawin at nagmungkahi ang isa't-isang naroroon na habang maaga pa'y agapan nang solusyon ng problema upang hindi na lalaki ang kaso. Magpapakilala na ang tunay na Amie Adamo sa publiko at subukang kumbinsihin ang mga Perrie family na tanggapin na lang ako as the wife na totoong minahal na ni Andrew. Kung may consequences ay magkasabay naming haharapin ni Andrew upang matapos na ang pagkukunwari ko.
***

After two days, sinadyang tumungo si Amie Adamo sa kumpanya ng mga Perrie. Sinamahan ko siya at ni Andrew na harapin ang board sa ipinatawag na meeting ng CEO. There it goes, the rich woman faced the popular businessman in the country.

Kumpleto ang officials ng board maliban sa ama ni Amie. Yes, hindi alam namin kung ano ang dahilan ng biglaang pagliban ng kaniyang ama. Ngunit, kahit na gayon, nagpatuloy pa rin kami sa nakahanay naming plano.

Habang ipinaliwanag ni Amie ang buong pangyayari, tahimik lang si Mr. Perrie na noo'y gustong-gusto malaman ang katotohanan sa likod ng pagkatao ko. Akala namin ganoon siya dahil makasuhan niyang palihim ako subalit pagkatapos ng pagsasalita ni Amie ay pumalakpak lang siya at tumawa."

Bakit ka pa nag-abalang kumbinsihin kaming makinig sa 'yo gayong mas mabuting totoo ang aming mga hinala. Isa sa mga dahilan ay magiging malaya na ulit ang anak kong magpakasal ulit," aniya ni Mr. Perrie sa mukhang masaya.

Nakikisabay ng palakpakan lang ang iba sa kaniya bilang respeto sa kataas-taasan nila. Ako nama'y naiinis sa inasta nilang parang walang pakialam sa isyu at parang may sariling isipan lang sila.

Gusto ko sanang magsalita sa side ko at ipahayag ang tunay na estado ng relasyon namin ni Andrew, ngunit pinigilan niya ako at binulungan, "Hindi pa panahon. Hindi pa ako handa. Pangako, ako'y sa 'yo at ika'y akin lang but we need time to let things be solved first, okay?"

Tumango lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.


Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon