Hinarap ko ang mga shareholders sa isang pulong. Bilang kinatawan ni Dad, pinanindigan ko ang responsibilidad ko sa kompanya habang nagpapahinga pa siya sa bahay. Kasamang dumalo in priority ay ang mag-amang Reyman at iba pang bigateng investors.
Tumayo sa unahan si Hailey, ang assistant ko, na noo'y kabado na makaharap ang board. Nasa isipan niya kasing sesesantihin siya pagkatapos ng pag-uulat niya dahil sa kaniyang pagiging kasangkot sa nangyaring dayaan sa kasal namin ni Antonette.
Inilahad niya ang buong detalye tungkol sa financial status ng kompanya na bahagyang lumaki ang pagbaba nito. Halos kalahati ang nawalang pera sa kompanya. Paano nangyari kaya iyon?
Umalma ako, "No way, how come na sobrang laki naman ng nawalang pera sa atin?"
Nagsipagtahimik lang ang lahat. Naghahanap ako ng kasagutan sa kahit isa sa kanila na dumalo roon, subalit walang gustong magsalita. Kaya, nagtaka na ako.
"Hailey, baka mali iyang data na napulot mo. Hindi yata ganyan kababa ang dapat na makuha ng kompanya sa buwang ito. Saksi tayo sa pagtaas ng sales dahil sa cooperation ng ibang mga kompanya," pagdidiin ko dahil ayaw kong maniwala na pabagsak na rin ang negosyong pinaghirapan ng pamilya ko.
"No sir. My data is accurate," tugon ni Hailey.
"So, pa'no nangyari iyon?" Tumaas na ang tono ng pananalita ko.
Ilang segundo pa, sumabat na rin si Mr. Reyman sa isyung iyon. Bakas sa awrahan niya ang seryosong paninindigan at walang senyales na kasinungalingan sa pananalita niya.
"Andrew, talagang hindi mo alam ang nangyayari sa kompanyang ito dahil mas inuna mo pa ang sariling kaligayahan mo kaysa sa trabaho mo. Our wealth was stolen by your elder brother, kasabay ng paglaho mo rito. Bumalik lang siya rito para nakawin ang perang pinaghirapan natin," paglalahad ni Mr. Reyman.
"Ano?" Ito lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.
Muntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang katotohanang iyon. Kaya pala napaka-emosyonal ni Dad no'ng isinama niya sa usapan namin ang tungkol kay kuya dahil sa kadahilanang umandar na naman ang pagkagahaman ng magaling kong kapatid.
Nagsisisi ako sa ginawa kong pagtanggap sa kaniya ulit. Hindi ko matanggap sa sarili ko na ako ang dahilan ng malaking kawalan ng kompanya sa pagkakataong iyon.
***
Pagbaba ko sa kotse, sinalubong ako kaagad ng isang sampal sa natutulog kong espiritu. Totoo, inaantok talaga ako galing sa work dahil halos hindi na ako nagpapahinga, mabawi lang ang perang ninakaw ni Nathan sa amin.
Isang tindig babae ang nanakit sa akin sa mismong harapan pa ng bahay ko. Pansamantalang tumira muna ako sa lumang bahay ko dahil hindi pa ako napapatawad ng ama ko. Eksaktong doon ako natagpuan ni Trinah, ang babaeng mahal ko, na noo'y nakakunot ang noo na nakaharap sa akin.
Hinawakan ko ang pisnging pumupula hulma ng kaniyang limang daliri kasama ang puno nito nang inilapat sa akin. At agad kong nasabi, "Para saan ba iyon, Trinah?"
Nakatitig lang ang mga pumupula niyang eyeballs sa akin habang unti-unting nahuhulog ang iilang butil ng tubig sa daanan nito papuntang pisngi niya. Nakita ko pa ang pagkagat niya ng labi na akala ko'y bunga lang ng pagka-miss niya sa akin. Kaya, pinunasan ko ang luha niya, subalit itinulak niya ako nang malakas.
"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo para gamitin ako sa sariling kapakanan mo. Ang sama mong tao, Andrew. Ang sama mo," paninigaw niya sa akin.
Pinigilan siya ni Hailey na kasama niya noon na huwag ako ulit saktan physically at hinawakang mahigpit ang dalawang kamay niya para hindi ako malapitan.
Blangko lang ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung anong pinapatungkol niya. Sa una'y inintindi ko siya, pero mas naging agresibo siya na sugurin pa rin ako. Kaya, pinatulan ko na siya.
"Anong tingin mo sa akin, robot? Ang dami kong problema ngayon, Trinah. Please naman, huwag mo nang dagdagan pa!"
"Andrew, hindi mo ba talaga ako naaalala? Bulag ka ba talaga o niloloko mo lang ako sa buong magkakilala natin?" Kinuyom na ni Trinah ang dalawang kamao niya na halatang hindi na siya mapipigilan pa sa kaniyang galit sa akin.
Patong-patong na ang alalahanin ko sa buhay, kaya hindi ko na siya pinansin. Manapa'y sinubukan kong iwasan na siya at pumasok na lang sana sa loob ng bahay. Ngunit, kumalas siya sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Hailey.
Hinarangan niya ang daanan ko at sumigaw ng, "Mananamantala!"
"Hoy, harapin mo 'ko kung ayaw mong sunugin ko pati bahay mo. Kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo sa akin, hay*p ka!" Dinuro-duro na niya ako at pinagdidiinang may malaking pagkakasala ako sa kaniya.
Ibinaba ko ang aking tingin at sinubukang iwasan pa rin siya, nang biglang sinuntok na niya talaga ang bibig ko.
"Aray, ano ba?" Dumaloy sa mga damit ko ang kaunting dugo sa bibig ko. Natamaan pala ang bibig ko imbes na mukha ko ang ponterya niya.
"Sumusubra ka na, hah. Anong kasalanan ko sa 'yo? Bakit mo 'ko sinaktan nang ganito?"
"Malaki, Andrew. Malaking-malaki!" Pabagsak niyang sabi.
"Mapagbintang ka. Matagal na tayong nagkatawaran 'di ba? Ano pa bang gusto mo?" Sa pagkakataong ito'y nararamdaman ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Ayaw kong makipagsagutan sa kaniya. Ngunit, napupuno na ang problema ko.
"Ginahasa mo lang naman—"
"Andrew!" isang malakas na tawag ng isang babae na may halong pag-aalala.
Biglang may dumating na nagmamadaling lapitan ako. Pinahiran niya ang dugo sa sugat ko at inalalayan akong makatayo nang matuwid. Hindi na naipagpatuloy ni Trinah ang pagsasalita dahil dumating si Antonette.
***
"Aray, hinay-hinay lang, Antonette."
"Ito na nga, patapos na."
Tinitigan ko sa mga mata ang babaeng matagal ko nang iniiwasan, ngunit kung ako'y napapahamak ay bigla akong saklolohan. Nakikita ko sa loob niya ang tunay niyang pagmamahal sa akin. Pero, iba pa rin ang isinisigaw ng aking puso. Si Trinah pa rin.
Habang ginagamot ni Antonette ang sugat ko, napag-usapan namin ang tungkol sa planong re-schedule ng wedding namin. Pineke na lang ng mga Reyman ang kasal namin ni Trinah para maikasal kami ni Antonette muli sa isang civil wedding na lang.
Pumayag ako sa desisyon ng dalawang kompanya dahil sa aming pangangailangan sa Reyman family. Isinantabi ko na lang sa loob ko kung sino ang laman nito.
Nabanggit ni Antonette na gusto niyang agahan ang petsa gayong matagal naman daw kaming handa.
"Andrew, sa darating na Linggo na tayo pakasal."
Nabunulan ako ng laway pagkarinig ng pangungusap niya. Mukhang sobrang aga naman yata.
Kaya nasabi kong, "Bakit ka ba nagmamadali? Gusto mo na bang tikman ang masarap kong laman?"
Hinaplos ko ang pisngi niya at tinitigan siyang malalim. Nandidiri ako sa sinabi ko, pero kailangan kong magkunwaring nagugustuhan ko na siya para mapaniwala siya at mahikayat na hindi muna kami pakasal nang maaga.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...