Chapter 42: Kailangang magbayad si Andrew

2 0 0
                                    

Magkasabay kaming lumapag sa airport sa iisang plane, ngunit nilihis namin ang isa't-isa pagbaba namin para hindi kami mahuli ng pamilya niya. Diretso lang ako sa paglalakad dala ang bagaheng katamtaman ang bigat at itinuon ang tanaw sa labas ng airport. Agad kong nakita ang kaibigan kong si Dahlia na kumakaway sa 'di kalayuan, na sa likod niya'y nakaparada ang pulang kotse. Nilapitan ko siya at binati.

"Good morning, Dahlia. Mag-isa ka lang ba?"

"Ah, oo. Si Fin, iniwan ko muna sa mama mo dahil mukhang naaaliw pa siya sa lola niya. Kumusta ang honeymoon?"

Hindi ko kaagad siya sinagot dahil nahahalata ko sa kaniyang mukha ang bakas ng pagkabahala. Alam ko ang facial expression ni Dahlia kapag lubos siyang nasisiyahan na makita ako o napipilitan lang dahil sa may ibang iniisip. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong niya ay nilihis ko iyon sa isang tanong din.

"May nangyari ba, Dahlia? Si Antonette, inaalagaan niyo ba siya nang mabuti?"

Hindi siya makasalita. Dinig ko lang ang malalim niyang paghinga sabay titig sa aking mga mata. Gagalaw na sana ang mga labi niya para magsalita nang may biglang nagbukas ng bintana ng kotse at dumungaw mula roon ang isang lalaki na may mataas na bigote.

"Sasakay ba kayo o hindi? Kakatawag lang ni Madame na kailangan na nating makauwi sa bahay niyo para sa urgent matter daw," wika ng driver.
***

Sinalubong kami ng mga security guards ng pamilyang Adamo. Nabigla ako sa sobrang dami nila. Hindi naman ako ganoon ka espesyal para handugan ng welcome greetings. Kinakabahan na ako tuloy kung anong nangyayari sa loob.

Inaasahan kong naiayos lahat ni Dahlia at Hailey ang mga butas ko sa kasal bago ako umalis para sa honeymoon. Ngunit, baligtad pala ang naging resulta. Nakatakas si Antonette sa silid kung saan ko siya tinago sa tulong ng isa raw na kaibigan. Dagdag pa ang iba pang bagay na natuklasan ko pagpasok sa loob ng bahay na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ako o ikagagalit.

Nakatingin silang lahat sa akin, bakas ang mga mukhang hindi maipinta. Naroroon si ina, Mr. Adamo, Amie Adamo, Dahlia, at si Fin, ang anak ko na karga-karga ng lola niya. Walang nagsalita ni isa sa kanila. Kaya, inunahan ko na sila sa pagtatanong.

"Bakit parang kumpleto tayo rito?"

Tahimik pa rin sila. Hindi ako nakuntento, kaya inulit ko pa rin ang katanungang iyon hanggang sa napilitan silang ilahad ang mga pangyayari.

"Wala bang magsasabi sa akin kung anong problema? O kaya may dapat ba akong malaman? Ma, Amie, at uncle, ano?"

Lumapit si ina at binigay si Fin sa akin, saka hinawakan ang kanang kamay ko. Pinaupo niya muna ako sa sofa at nagsabing, "Anak, ano ba 'tong gulong pinasok mo? Hinahanap ka na ng mga pulis kaya pati kami ay nadamay. Akala ko ba aayusin mo ang gulong pinasok mo sa pamilya ko!"

"Ano? Bakit ako ma? A-anong ibig mong sabihin?"

"Anak, tuluyan nang humina ang kumpanya at baka isang araw ay babagsak na ito dahil wala ng investors ang nakikipagsosyo sa atin. Kung patuloy mong sinisira ang pangalan mo, pati kami at ang kumpanya ay masisira na rin. Hindi puwedeng hindi maisalba ang kumpanya."

"Trinah, sinabi na namin sa 'yo noon pa na putulin mo na ang ugnayan mo kay Andrew Perrie. Siya ang puno't dulo ng kamalasan ng pamilyang 'to!" sabat naman ni Mr. Adamo.

"Ano? Mahal ko si Andrew, uncle. Bakit parang ako iyong may kasalanan? Seryoso ba kayo?" Naging emosyonal na ako. Unti-unting nasasaktan na ako sa mga salitang binitawan nila.

"Bakit? Hindi ba, Trinah? Kung hindi ka naging tanga dahil sa bugso ng damdamin mo para kay Andrew, hindi sana 50/50 ang kumpanya ni Dad!" galit na wika ni Amie.

"Seryoso ka, Amie? Eh, sino bang pinakaunang dahilan kung bakit ko nakilala si Andrew? Di ba ikaw? Kayo? Ginawa niyo akong substitute bride para sana sa kasal ni Amie at Andrew.

Tapos ano? no'ng nalaman ng pamilyang Perrie na niloloko natin sila, ako iyong pilit nilang idinidiin dahil sa kasalanang hindi ko intensyon na gawin. Kaya, bakit hindi niyo sisisihin iyang mga sarili niyo kung bakit bumagsak iyang kumpanyang nagpapayaman sa inyo?"

Bago pa nasundan ng mga pangungusap ay walang alinlangan na inilapat ni Mrs. Adamo ang kaniyang kanang kamay sa pisngi ko. Malakas ang naging tunog n'yon dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. Tumulo ang mga luha ko sa ginawa niyang iyon. Hindi ko inakalang sasaktan niya ako sa hindi inaasahang pagkakataon.

Kaya, sinabi ko sa kaniya ang mga katagang, "I-ikaw na babaeng hindi nagpalaki sa akin at nagpakilala lang ngayong malaki na ako, ay sinampal ako?"

"P-patawad anak, pero—"

Humakbang na ako papuntang pinto at pinahawakan kay Dahlia si Fin nang sinundan pa ni Mr. Adamo ng isang pangungusap na nagpapagimbal sa aking buong pagkatao.

"Trinah... Anak ni A-andrew si Fin."

Natigilan ako. Umurong ang mga luha ko pagkarinig ng bagong balitang iyon. Umuugong sa aking mga tainga ang mga salitang 'anak at Andrew' na nagpapanginig ng aking mga kalamnan.

Lumingon ako at nagsabing, "Ulitin mo nga ang sinabi mo, uncle."

Isa-isang binigkas niya ang mga salitang, "Anak ni Andrew si Fin."

"Paano nangyari iyon? At tsaka si... si..."

"Sino? Si Nathan ba tinutukoy mo? Nasabi na ba niya sa 'yong hindi siya ang totoong gumahasa sa iyo?"

"Hindi. Ah, o-o." Nauutal na ako sa halu-halong emosyon sa loob ko.

"Kung gano'n, posibleng ibang tao sa bahay na iyon ang gumahasa sa iyo. Malimit kang nakalimot ng mga mukha ng tao dahil sa sakit mo, kaya hindi mo naalalang si Andrew na lasing noon ang ka-seeping mo. At nagbunga iyon sa panganganak mo kay Fin."

Hindi ako makapaniwala. Isinalaysay nila ang buong detalye kung paano nila nalamang mag-ama pala si Fin at Andrew. Si Amie Adamo, ang naging susi sa pagbukas ng katotohanan. Naging magkaibigan sina Amie at Antonette dahil sa iisang hilig nila; ang paglalaro ng badminton.

Inamin ni Amie na simula noong natuklasan niyang hindi siya totoong anak ng mga Adamo dahil baog pala si Mr. Adamo, nagsimulang umiral ang kaniyang selos sa akin. Nakipagsabwatan siya kay Antonette at naging sunud-sunuran sa ipinag-utos nito.

Hanggang sa isang araw, nautusan siyang ipa-DNA test sina Fin at Andrew dahil duda si Antonette na magkadugo ang dalawa. Ginawa naman iyon ni Amie at kahit ayaw ni Antonette na ipaalam sa kaniya ang resulta ng laboratoryo, nauna na siyang nakakita ng resulta sa palihim niyang paraan.

Yes, Si Fin ay anak talaga ni Andrew.

Siya ang gumahasa sa akin sa gabing iyon. Kaya, hindi ko puwedeng palampasin ang kahayupang ginawa niya sa akin. Naghirap ako. Nagtiis at tinanggap ang kahihiyan dahil pinagsabihan ng maraming tao na malandi kaya nabuntisan. Kailangang magbayad si Andrew!





Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon