Alas-sais pa lang ng umaga, naglilinis na ako ng buong bahay at nagluluto para sa agahan namin. Tulog pa yata ang magkapatid dahil payapa pa ang sala at wala pa akong narinig na tinig na kalimiting nag-uutos sa akin. Ang ceo sa bahay at opisina ay alas-otso pa kasi ang pasok, kaya inaasa lahat sa akin ang gawaing bahay. Minsan nga, ako pa ang nagprepare lahat ng things na dadalhin niya sa trabaho. Kapag ginaganahan, kinakain niya ang handa kong almusal, kapag nagmamadali naman siya, binabaunan ko na lang siya ng pagkain.
"Wow ang suwerte naman," ani ko, habang naglilinis ng mesa para sa lalagyan ko ng niluto kong mainit na soup.
Dinig ko mula sa aking likuran ang biglaang pag-ubo ng isang boses lalaki na halatang sinadya para gulatin ako. Para akong nanginginig sa takot nang naaninagan kong si Andrew pala ang naroroon. He usually woke up half hour before 8 a.m. subalit noong araw na iyon, maaga siyang naggising sa 'di ko malamang dahilan. Agad kong niyaya siyang kumain ng almusal nagbabaka-sakaling tatanggapin niya ang alok ko. Ngunit, he ignored me na naman. Palagi naman, eh.
Sinundan ko siya palabas ng bahay dala ang lunchbox na inihanda ko sa kaniya. Hindi man lang siya lumingon para pansinin ako. Hay, kainis talaga ang taong iyon. Matapos kong ilagay ang baoj niya sa front seat ng car niya, ang binilin lang niya sa akin ay, "Alagaan mo ang kapatid ko hah. Siguraduhin mong nabibigay mo lahat ng gusto niya kung hindi ibabalik kita sa pinanggalingan mo."
"Yes boss," tugon ko sa kaniya.
Matapos kong pinagmasdan ang kotse niya na tumatakbo malayo na sa aking paningin, bumalik na ako sa loob ng bahay para ipagpatuloy ang iba pang gawain ko. Ngunit, pagpasok ko sa may kusina, nagulat akong ang bumungad na mukha sa akin ay ang ex-lover kong masayang humihigop ng sabaw na inihain ko sa mesa na para sana sa husband ko at dahil hindi nakain ni Andrew for unclear reason, ibang tao ang kumain no'n.
"Ang kapal ng mukha mong higopin ang sabaw na hindi para sa 'yo?" paninigaw ko kay Nathan sabay kuha ng bowl na hawak niya.
Tumayo siya at nilapitan ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang papaatras ang mga paa ko, sinusubukang dumistansya sa kaniya. Alam mo na, baka ano na lang gagawin niya sa akin gayong dalawa lang kaming naiwan sa bahay. Napakatalas pa naman ang tingin niya sa akin na para bang lalamunin na ako sa galit dahil inagawan ko siya ng pagkain. At sa ilan pang segundo ang sumunod, nag-agawan kami ng bowl dahil sa kagustuhan niyang bawiin iyon sa akin. Ako naman, ayokong anumang bagay o pagkain na pagmamay-ari ni Andrew ay hindi ko ipinamimigay sa iba.
Nang dahil sa ayaw naming bitiwan ang bowl, natapon iyon at nabasag sa sahig. He then scolded me, "Tingnan mo iyang kasakiman mo sa konting pagkain, natapon tuloy. Hindi ka ba tinuruan ng manners ng asawa mo?"
Uminit ang dugo ko lalo sa sinabi niya na para bang ipinalalabas niyang masamang tao na ako sa pamamahala ni Andrew. Kaya, sinagot ko siya ng, "Excuse me, mabait akong tao sa taong mabait din sa akin. Napakarami pang soup sa kaldero. Bakit hindi ka maghain ng sa 'yo at nang malaman mo kung gaano kahirap maging alila sa bahay na ito. Isa lang pakiusap ko, please lang huwag mong galawin ang bagay na hindi sa 'yo. Maliwanag ba?"
Akmang tatalikod na ako sa kaniya dahil ramdam kong tutulo na ang aking luha. At sa hindi ko inaasahan, lumapit siyang bigla at niyakap niya ako nang mahigpit. Nagpupumiglas ako sa mga bisig niya ngunit sadyang malakas siya at 'di ako makawala sa pagkakayakap niya sa akin. Sobrang nandidiri na talaga ako sa kaniya dahil sa kabila ng ginawa niya sa aking pagtataksil noon, naggawa pa niya akong yakapin at pagsabihan ng, "I really love you Trinah. Until now, ikaw pa rin ang nasa puso ko."
"Ang kapal ng mukha!"
***
Dahan-dahang binuksan ko ang pintuan sa may emergency exit door. Doon lang kasi na door ako may susi kaya doon na ako pumasok. Palinga-linga ako kahit saan, nagmamasid kung mayroong makakita sa akin whether si Andrew or si Nathan. Nang narating ko na sa bandang kusina which is connected siya sa pathway ng emergency exit, napahinto akong may narinig akong pagsipol ng isang tao. Patay na ako nito.
"Saan ka galing, Mrs. Perrie?" pagtatanong ng lalaking hindi ko matukoy kung sino.
Nilingon ko siyang sabay ngiti para hindi mahalatang kakarating ko lang. The man behind me ay walang iba kundi ang asawa kong kanina pa'y naiinip na pala sa kahihintay sa akin. Imbes na sumagot ako sa tanong niya, napatulala ako habang nakatitig sa makinis niyang mukha na kahit nakasimangot na siya ay guwapo pa rin siya sa mga mata ko. Sobrang cute niya talagang tingnan lalong-lalo na bagay sa kaniyang awra ang bagong gupit niya.
After one year na pinagsisilbihan ko siya bilang asawa na itinuring lang niyang personal maid niya, na-appreciate ko na at last ang beauty na mayroon siya. Kaya, sa sobrang pagka-attract ko sa pinkish niyang mga cheeks, nagkaroon ako ng lakas ng loob para lapitan siya at haplusin iyon nang marahan.
"Andrew, bakit parang...parang...ang guwapo mo ngayon at napakaliwanag tingnan ang pisngi mo?" pagpupuri ko sa kaniya in a soft voice.
Panay titig lang ako sa pisngi niya nang biglang hinawakan niya ang aking kamay na noo'y nakahaplos sa kaniyang mukha. Akala ko gusto niya ang pagdampi ko sa kaniyang balat, ngunit nang tingnan ko siya sa mata, roon ko napagtantong gusto niyang pigilan ang mga kamay kong napakalikot.
Nakaramdam ako nang pagkahiya upon staring his eyes in a minute. Until he said to me, "Mrs. Perrie, bakit parang late ka nang uwi ngayon?" Napaatras ako nang kaunti mula sa kinatatayuan niya. Tama nga, I left the house without asking a permission to him. "Should I told you before na bawal kang lumabas ng hindi ko alam?" dagdag pa niya, habang dinuduro-duro niya ako.
Tumigil ang ikot ng mundo ko nang narinig iyon. Hindi talaga nagbago ang treatment niya sa akin. Kaya, wala akong lusot kundi sagutin ang katanungan niya.
Napakamot pa ako sa ulo ko bago ko siya sinagot ng, "Aaah...p-pasenya na Andrew kung hindi ako nagpaalam sa 'yo. Alam mo namang I'm so awkward living here with your brother. Hindi ako sanay."
"Bakit Trinah? May problema ba sa inyo ni Nathan? Huwag mong sabihing may kakaibang nangyari sa inyo in the past."
"Aaa... hindi ganoon ang rason ko. It's just that I can't explain to you any further. Excuse me, papasok na ako sa kuwarto."
Akmang lalakad na ako patungo sa kuwarto ko ngunit pinigilan niya ako at sinabing, "You can't go in there. Pinarenovate ko ang kuwarto mo kaya for the meantime roon ka muna sa kuwarto ko matutulog."
Pagkatapos niyang sinabi ang mga katagang iyon, dumiretso na siya sa kuwarto niya habang nakatulala pa ako sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? Sobrang kinakabahan akong nasa iisang silid kami magpapahinga sa gabi. Hindi ko ma-imagine kung ano ang gagawin namin the whole night. Hindi naman siguro dahil kailanman hindi nagkaroon sa akin ng interes si Andrew. Kaya, minabuti kong maging kalmado lang at manahimik habang papasok sa room.
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko si Andrew na nakasuot lang ng boxer short habang pinapagpag ang kaniyang higaan. Ang hulma pa naman ng kaniyang—
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...