Chapter 52: Trinah, hoy, natahimik ka?

1 0 0
                                    

Trinah's POV

Itinakbo ako ni Andrew papuntang Vinzons Bay Park, kung saan makikita ang mga buhay na species mula sa dagat gaya ng iba't-ibang isda, mga pagong, mga dugong, at iba pang nilalang na inilagay sa isang malaking aquarium. It was my first time na makita ang mala-enchanted na lugar na iyon na akala ko'y sa imagination ko lang, subalit nakikita ko nang personal nang malapitan.

Habang nakaupo kami, napatanong ako sa kaniya, "Bakit mo ba ako dinala rito?"

Pinakalma muna niya ang kaniyang lalamunan bago sumagot nang malinaw. Tumabi siya sa akin at nagsabing, "May babae kasing nagsabi sa akin na pangarap niya ay makakita ng ganito kagandang tanawin mula sa imahe ng dagat na inilagay sa iisang sanktuaryo."

Napangiti ako. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Oo, matagal ko nang nabanggit iyon sa kaniya. Iyong time pa iyon na matiwasay pa ang pagsasama namin. Nabasa kasi niya ang diary ko na mahilig ng aquarium ang mga magulang na kumupkop sa akin noong bata pa ako. Kaya, nais kong magkaroon o makakita ng malaking aquarium din.

"Salamat ah. Hindi mo na dapat ginawa 'to sa akin, lalung-lalo na—"

"Ikakasal na ako sa iba? Trinah, alam kong nasaktan ka dahil hanggang ngayon ay hindi ko maggawang ipaglaban ka sa pamilya ko. Sa totoo lang, hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ko pakakasalan si Antonette. Ang totoo—"

"Ano? Mayroon pa bang ibang dahilan Andrew, maliban sa maiahon mo mula sa pagkalugmok ng kompanya niyo?"

Tinitigan niya ako nang malalim, wari'y mayroon siyang kinikimkim na sekreto sa loob niya. Agad kong iniwas ang mga mata ko sa kaniya at binuksan ang balitang ihahatid ko; ang dahilan kung bakit ako naparoon sa opisina ni Antonette.

"Hm. Talking about nakawan sa kompanya niyo, may lead na ba kayo kung sino ang may pakana nito?" pagbubukas ko sa usapan tungkol sa nalalaman ko.

"Bakit? May alam ka ba?"

Huminto muna ako ng ilang segundo dahil nagsimulang kabahan na ako sa susunod kong sasabihin. Paano kung nagkamali lang ako sa pagdinig sa pag-uusap ni Mr. Reyman at ng kaibigan niya? Paano kung dahil sa sekretong iyon, mapapahamak ang pamilya ko? Paano kung pati si Ms. Jazmine ay madamay? Ayaw kong mawalan ng trabaho.

Ang tanging inaasahan ko lang talaga ngayon ay ang pangako ni Ms. Jazmine na dalhin niya ako sa abroad. Baka ito na ang simula ng pag-angat naming mag-ina mula sa lugmok na kalagayan. Kailangan kong itago muna ang lahat para sa kapakanan namin ni Fin. Kaya, nagbabago ang isip ko.

"Trinah, hoy! Natahimik ka bigla?"

Napakurap ang mga mata ko ng dalawang beses at nilinaw ko muna ang mga paningin ko, sabay iling para ikalma ang pag-iisip.

"Aaaa... W-wala. Napatanong lang ako dahil baka naiipit niyo na si Nathan nang lalo dahil sa isyu ng kompanya niyo."

Tumango lang siya. Akala niya siguro ay magkakaroon na siya ng ideya kung sino ang suspek ng nakawan sa kompanya nila. Nabigo ko siya. Klaro naman sa mukha niya ang panlulumo dahil wala pa rin siyang maggawa para matulungang maibaba ang kaso ng kapatid niya. Maaaring kay Nathan ang lahat ng sisi kung hindi nila mahanap ang tunay na salarin.

Isang oras kaming magkasama sa lugar na iyon. Hinayaan niya akong libutin ang buong aquarium habang umuupo nang nakatanaw lang siya sa akin sa labas nito. Naawa ako sa kalagayan niya. Pinilit lang kasi niyang maging masaya para sa akin, kahit na alam kong nalulungkot ang puso niya dahil sa problema ng pamilya niya.

Matapos kong na-enjoy ang buong scene, nagpaalam na ako sa kaniyang umuwi ng bahay.

"Andrew, salamat ulit ah. Nag-enjoy ako sa loob ng isang oras. Sa ngayon, gusto ko na sanang umuwi."

Tumayo siya at tumugon, "Ah, sumabay ka na sa akin. Gusto ko ring makita si Fin. May mga damit at mga gamit kasi na pambata ang binili ko kahapon para sa kaniya. Mas mabuting ako na mismo ang magbigay niyon sa kaniya. Puwede ba?"

Tumango lang ako. Ayaw ko kasing ayawan muna siya at hinayaan na lang sa gusto niya. Iyon na lang ang maiambag ko sa ngayon: ang hindi siya pagbawalan sa kung anong gustong gawin niya.

Nang makauwi na kami ay ginawa na niya ang sinabi niya. Binigay niya ang mga dala niya para kay Fin at tumalikod agad. Sinundan ko pa siya palabas ng pinto patungong kotse niya.

Nang papasok na siya sa loob nito, lumabas sa bibig ko ang mga katagang, "Andrew, wait!"

Umikot ang ulo niya at saka sumunod ang buong katawan niya. Kinakabahan ako ulit nang nakaharap na siyang naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Paanong naisip mong bigyan ng mga bagay na iyon si Fin?"

"Gusto kong bumawi sa kaniya bilang tunay na ama niya."

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa mga sinabi niya. Ama? Bakit niya nasabi iyon?

"Trinah, I'm sorry. Lasing ako no'ng ginahasa kita. Tama ka. Anak ko si Fin. Ako ang unang gumalaw sa iyo no'ng gabing iyon."

Nagsimulang tumulo na ang mga luha ko mula sa mapulang mga mata ko. Mas tumindi pa iyon nang unti-unting iniyupi niya ang kaniyang mga tuhod paharap sa akin. Umiyak na rin siya at nagsusumamo na patawarin.

"Trinah, hayaan mong pagbayaran ko ang ginawa ko sa 'yo, kapag matapos ko na ang problema namin sa kompanya. Pangako, tatanggapin ko anumang ipaparusa mo sa akin."

"Andrew, alam mo na pala, bakit mo pa itinago iyon sa akin?" "Natatakot ka bang makihati si Fin sa kayamanan niyo?"

"Trinah, hindi! Last day ko pa alam na anak ko siya. Maniwala ka!"

"Kung gano'n, bakit ngayon ka pa nagpakita ng iyong pagka-ama sa anak ko?"

"Dahil... Dahil... Huwag mo naman akong pahirapan, Trinah, please?"

Nauutal na siya dahil hindi na niya alam kung anong isasagot niya. Hindi ako naawa sa pag-iyak niya. Bagkus, mas tumindi pa ang poot ko sa kaniya dahil sa mga sagot niyang puro walang laman.

"Dahil duwag ka. Mas pinili mo si Antonette kaysa sa anak mo."

"Hindi!"

"Hindi nga ba? Andrew, sinasabi ko sa 'yo. Sa oras na may mangyaring masama kay Fin na wala kang ginawa para protektahan siya, isinusumpa ko na habang buhay mo siyang hindi na makikita!"

Sigurado na ako. Ilalayo ko ang bata sa ama niya kung patuloy niyang babalewalain ang anak niya. Kung hindi ko lang inisip ang kapakanan ni Fin, siguro'y napatay ko na si Andrew sa harapan ko.

Pero, ayaw kong dungisan ang pangalan ko. Isa pa, aminin ko man o hindi, mahal ko pa rin si Seph Andrew Perrie, kahit na siya ang nag-rape sa akin noon.

Bakit ba naging unfair sa amin ang pagkakataon? Hindi ko na ba talaga siya mababawi kay Antonette?

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon