Isa, dalawa, at tatlong putok pa ang umalingawngaw sa loob ng condo habang ipinikit ko ang aking mga mata at tinatakpan ang tainga ng anak ko. Mahigpit ang pagyakap ni Dahlia sa akin, at nagtago siya sa likuran ko.
"Aaaaaaaah," isang sigaw ng babae ang sumunod na narinig ko.
Kasabay ng pagtaas ko ng noo at tingin sa harapan ko, ay pagsimula nang malakas na paghikbi ng anak ko. Niyakap ko siya at tinakpan ang mukha ng panyo habang sinayaw-sayaw ko.
Isang lingon ko pa, nakita kong duguan ang mga kamay ni Antonette, at ang baril niya'y nakalatag sa sahig. Nanlisik ang mga mata ko. Nanginginig na ako sa takot. Sa may pinto, nakita kong nakatayo roon ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may hood.
Nang inangat niya ang kaniyang mukha, sumigaw siya ng, "Trinah, lumabas na kayo. Tara na!"
Agad na kumilos kami at iniwan doon si Antonette. Tumatakbo kami papuntang garahean. Doon, nakita ko ang kapatid ko na naghihintay sa amin.
"Ate, pasok," nagmamadaling wika niya na sinabayan ng galaw ng kanang kamay niya bilang pag-alalay sa amin sa papasok ng kotse.
Mabilis ang pagkilos namin na sinabayan ng kaba sa dibdib. Nang umandar na ang sasakyan, nakahinga na ako nang maluwag at tumigil na rin si Fin sa pag-iyak.
Malaki ang pasasalamat ko sa taong nagligtas sa amin sa kamatayan. Ang ama ko, si Mr. Awman, ang naglakas-loob na paputukan si Antonette sa kamay nito, para makatakas kami roon. Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya kung bakit niya kami natunton, bagkus nagpasalamt na lang ako sa kaniyang pagsaklolo.
***
Andrew's POV
Ibinaba ako ng mga tauhan ni Antonette sa bahay ng mga magulang ko. Nagtaka ako kung bakit doon nila ako dinala gayong nakabukod na kami ng asawa ko sa sariling bahay ko.
Pumasok ako sa loob at nadatnan ko roon ang mga magulang kong nakatanaw lang sa sahig, wari'y malalim ang iniisip. Nang mapansin nila ang tonog ng aking sapatos, agad nilang iniangat ang kanilang mukha.
"Walang hiya ka! Bakit nagpakita ka pa rito? Hayop ka!"
Galit na galit sa akin si Mr. Perrie. Ngayon ko lang nakita siyang namumula ang mga pisngi at halos maiyak na sa paninigaw sa akin. Pinigilan siya ng aking ina na huwag atakihin ako. Natulala lang ako sa kilos nila.
"Ano Andrew, tatayo ka lang ba riyan? Hindi ka ba hihingi ng sorry sa amin?" wika ni ina, na tinaasan na rin ako ng boses.
"S-sorry po."
Wala na akong ibang nasabi kundi ito lang: ang maghingi ng sorry ayon sa kagustuhan nila. Hindi man sila nakuntento sa sagot kong iyon, at least naibsan nang kaunti ang galit nila sa akin.
Hindi pa rin makatingin si Dad sa akin. Sinumbatan niya ako sa lahat ng maling desisyon na pinili ko. Pinagsabihan din ako na mas maging matured sa pag-iisip pagdating sa pag-ibig at maging optimistic dahil nakasalalay daw sa akin ang future ng next generation namin.
Mas nabigla pa ako nang sinabi ng ina na, "Pack your things. Na-book ka na namin para sa flight mo papuntang States. Doon muna kayo titira ni Antonette pansamantala."
"Ano?" Nag-abot ang mga kilay ko sa balitang ito.
Gusto ko nang matahimik ang sarili ko. Pagod na akong maging sunud-sunuran sa pamilya ko. Ngunit, nalilito ako kung susuwayin ko na ba sila nang tuluyan o hindi. Paano ko sisimulan ang buhay ko kapag humiwalay na ako sa pamilya ko?
"Hindi ka puwedeng umayaw, Andrew! Kukunin ng mga Reyman ang kalahati ng perang inutang natin sa kanila. Wala pa tayong pambayad sa kanila sa ngayon. Kaya, ikaw na lang ang pag-asa namin," wika ni ama.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...