Chapter 13: New part of the family

4 1 0
                                    


"Nababaliw ka na talaga, Andrew!" panunumbat ko sa kaniya nang biglang nakaramdam ako ng biglaang pananakit sa bandang puson.

Paunti-unti lang ang kirot no'ng una ngunit ilang segundo pang sumunod, napansin kong may dumaloy na dugo sa mga legs ko pababa sa tuhod ko. Nakita iyon ni Andrew at todo rescue kaagad siya sa akin.

Inaalalayan niya akong umupo sa malapit na sofa at binilinang kumalma habang nagmamadaling kinuha niya ang medicine kit namin sa may cabinet. Nagdala rin siya ng maligamgam na tubig kasama ang isang pirasong bimpo para gamiting panlinis sa mga dugong patuloy na dumadaloy sa aking mga paa.

Inisip naming excess blood ko lang iyon dulot ng menstrual period ko. Isang buwan na rin kasing mahigit na delay ako kaya iyon ang pag-aakala kong nangyari sa akin. Ginawa ko na ang lahat pati na ang pagsuot ng makapal na napkin subalit patuloy pa ring umaagos iyon nang papalakas.

Tumawag na ng aambulansya si Andrew dahil pag-aalalang baka may mangyaring masama na sa akin. Namumutla na kasi ako at nanghihina kaya wala siyang maggawa kundi nagdesisyon nang dalhin ako sa pinakamalapit na hospital. Eksaktong nadatnan kami ng mga magulang ni Andrew sa ganoong sitwasyon doon sa bahay sa pagbisita nila sa amin. Kaya, sila na ang naghatid sa akin sa hospital.

***

Agad na ipinahayag ng doctor na tumingin sa kalagayan ko ang resulta sa isinagawang check-up sa akin. Bagaman kinakabahan, pinilit kong maging kalmado dahil hindi lang ako ang nakikinig sa sasabihin ng doktor kundi apat kaming naroroon sa loob ng private room.

Nakangiting isinaad ng doktor sa akin, "Mrs. Amie, gusto kong sabihin sa iyong hindi po regular na regla ang nangyari sa inyo kanina kundi..."

"Kundi ano po, doc?" pag-alalang winika ng biyenan kong babae.

Sinundan namin ang malalim na paghinga ng doktor at sabay-sabay na nagulat nang malamang isang buwan at kalahati na ang dinadala kong baby sa tiyan ko. Yes, I'm pregnant sa 'di masayang pagkakataon. Hindi ko talaga expect na ganoon ang magiging resulta sa mga tests gayong wala iyon sa isip kong mabubuntis ng isang gabing panghahalay sa akin sa nakalipas na buwan.

Kita kong masayang-masaya ang mag-asawang Perrie habang sinasabayan ng anak nilang nagkukunwaring nagugustuhan ang pagbubuntis ko. Hindi ko na lang pinahalatang pagkabalisa ko sa halip tumugon ako sa kanila ng isang pekeng ngiti maipakita lang ang satisfaction naming mag-asawa sa isat-isa na nagbunga ng isang supling.

Matapos nalamang buntis ako, nagpaalam na ang mga biyenan for business matters daw. Iyon lang naman pala ang pakay nila sa amin; ang kumustahin kami sa pagbubuo ng tagapagmana ng mga kayamanan nila. Dahil nagdadalang-tao na ako sa hindi inaasahang sirkumstansya, pinaninindigan na lang namin ni Andrew ang pagkukunwaring siya ang ama ng dinadala ko.

Kahit na nagdududa siyang anak ito ng kapatid niya, minabuting tinanggap na lang niyang kaniya at hindi nagtanong kung sino ang ama ng dinadala ko. In fact, labag iyon sa kalooban niya ngunit kailangan niyang sundin ang mga utos ng magulang niya.

He even told me, "Simula ngayon, aalagaan na kitang mabuti para sa kapakanan ng magiging anak natin. Pero, huwag kang umasang mahuhulog ang loob ko sa 'yo. This is part of our plan."

"As usual, sir," malungkot na tugon ko.

Nabalita sa buong Perrie-AND company ang tungkol sa pagbubuntis ko, ang dahilan kung bakit ako pinalitan pansamantala bilang lead model ng bagong brand na ipapalabas pa lamang nila. At kasabay ng sunod-sunod na pagbati ng mga empleyado sa amin ay ang pagtanggap ni Andrew ng isang email mula sa kaniyang right hand. It was not a business-related information but a letter of intent relaying about an open investigation of my identity which was leaked through him.

The mainpoint ng liham na ipinadala ni Hailey goes like this, "Binuksan ng mag-asawang Perrie ang imbestigasyon tungkol sa identity ni Mrs. Amie Adamo based sa video na aksidenteng nakita nila sa gallery ko. I am supposed to explain them balikwas sa issue subalit hindi ko na naalis sa kanilang isipan ang pagdududang posibleng ibang tao ang tinanggap nilang daughter-in-law."

Idinilat kong maigi ang aking mga mata para mabasa nang malinaw ang bawat pangungusap na nakasaad sa liham. Hailey Bin wrote it on purpose dahil matagal na siyang tapat sa boss niya. Kaya, kahit qnong balita ang kaniyang nasasagap ay si Andrew kaagad ang unang nakakaalam. Dahil na rin siguro, malaki ang kaniyang utang na loob sa asawa ko. Si Andrew lang naman ang nagpili sa kaniya para bigyan ng school scholarship which was financed by Mr. Perrie.

Pagkagraduate niya sa course na Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management ay in-absorb siya ng mismong company ng nagpapaaral sa kaniya para siguruhin ang future niya. Andrew settled it all para sa kaniya kaya ganoon na lang sila ka-close sa isa't-isa. 

The time na nagmeet kami ni Mr. Hailey sa Novel Author's Awarding, isang event kung saan nandoon ang mga sikat na writers with the platform sponsors, ay kinuhanan pala niya ako ng video on the stage. Klarong-klaro ang pagkakabigkas ng buong pangalan ko when the host called me at doon naalarma ang mga magulang ni Andrew when they watched it. 

Tanga rin kasi minsan ang right-hand ni Andrew pagdating sa gadgets. Kung saan-saan lang niya iniiwan iyon. Until then, nakalimutan niya ang mobile phone niyang nakabukas sa comfort room na eksaktong napulot iyon ng boss niyang nghuhugas ng kamay sa lababo. Mapanuri rin ang matandang lalaki sa kung sino ang may-ari ng gadget na iyon kaya tiningnan niya ang gallery at doon nagsimula ang pagdududa nang dahil lang sa isang kontrobesyal na video.

Labis ang pag-alala kong baka mabuko na ako sa pagkukunwari ko at baka pati anak kong nasa sinapupunan pa lang ay madamay pa. Kaya, tinawagan ko si Amie Adamo after kong umalis ng bahay. Syempre, tumakas ako gamit ang secret exit door. Plano ko kasing puntahan ang totoong Ms. Adamo para kausapin nang masinsinan at mabigayan akon ng solusyon sa problema. Pumara ako ng taxi at sumakay nang 'di lumilingon sa likuran. Hindi ko na nga napansin ang pagsigaw ni Andrew sa pangalan ko dahil gusto niya akong pigilan na huwag umalis.

Nakahinga ako nang maluwag sa ilang kilometrong layo na ang itinakbo ng sinasakyan ko. I am supposed to keeo calm but when I talk to the driver telling him kung saan ako bababa, he answered me with, "Naku mam, pasensya na po kayo. Mukhang hindi kita maihahatid sa lugar na itinuturo mo. Hindi na kaya ng gas ko."

Kinabahan ako sa sinabi ng mamang driver. Hindi boses matanda ang narinig ko kundi isang pamilyar na tono na para bang narinig ko na noon man sa 'di matiyak na pagkakataon. Nakasumbrero at nakamask si driver kaya hindi masyadong klaro ang mukha niya. Nacurious ako sa katauhan niya kaya akmang kukunin ko na sana ang mga pantakip niya sa mukha nang biglang nakaamoy ako ng sleeping spray na nilagay niya sa puting panyo katapat ng aking ilong at nawalan na ako nang malay pagkatapos.

 

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon