Nanlaki ang mga mata ng lalaking bumungad sa akin pagbukas niya ng pinto. Basang-basa kami ng anak ko ng ulan dahilan para papasukin niya kami sa loob. Giniginaw ako sa sobrang lamig buhat ng kalahating oras na nilakad ko pa ang lokasyon ng kapatid ni Andrew.
"Ano bang naisip mo, Trinah, at nagpaulan kang pumunta rito? Dinamay mo pa ang cute na baby na iyan," ani niya, sabay abot ng tuwalya sa akin.
Tahimik lang ako. Pinunasan ko ang basang buhok ko at hinubad ang mga saplot ng anak ko. Kasunod ay pinaikot ko ang isa pang tuwalya sa katawan niya para hindi siya ginawin. Wala akong dalang gamit kahit isa, kaya wala kaming masusuot ng anak ko.
Ang totoo, nahihiya talaga ako na lumapit kay Nathan dahil sa masalimoot kong karanasan sa kaniya. Subalit, binabaan ko na lang ang pride ko at sinubukang maging malumanay ang pakikitungo ko sa kaniya.
"Pasensya ka na, Nathan, kung naabala ka namin ng anak mo. Wala na kasi akong ibang malalapitan bukod sa iyo."
Nabitawan niya bigla ang phone niya at nagsabing, "Anak ko? Paano?"
Kinabahan tuloy ako sa aking nasabi. Hindi kasi ako nag-iisip. Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko bunga ng pagkadesperadang humingi ng tulong sa lalaking ama ng anak ko.
"O-oo," nauutal na sagot ko, na sinabayan naman nang pag-iyak ng batang karga-karga ko.
Hindi muna sinundan ni Nathan ang pangungusap ko dahil sa narinig niyang unti-unting paglakas nang pag-iyak ng batang kamukhang-kamukha niya. Naawa siya rito buhat ng hindi ko mapatahan iyon, kaya, binuhat niya ang paslit sabay aliw nito. Nagkataon na nagustuhan siya nito at napangiti pa nga sa ginawa niyang pag-aliw.
Ilang minuto pang sumunod, tumunog ang doorbell sa main door. Binuksan ko ang pinto at tinanggap ang isang parcel na nakapangalan kay Nathan. Umalis naman kaagad ang rider dahil mukhang nagmamadali ito.
Inabot ko ang bagay na iyon kay Nathan, subalit sinabi niyang, "Para sa inyo iyan. Magpalit ka na ng damit. Heto, kargahin mo na ang anak mo at nang mabihisan mo na rin siya. Mukhang kanina pa kasi giniginaw 'to."
Muntik na akong maiyak sa simpleng effort niya sa akin. Ang pinakaiinisan kong tao ay naging mabuting tao na sa harapan ko. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba siya o totoo ngang concern siya sa amin.
Para hindi na ako mahulog pa sa pagiging emosyonal, pumasok na kaagad ako sa silid na ipinahiram niya sa amin ng anak ko kung saan doon muna kami pansamantalang magstay.
***
Nasuot na namin ng anak ko ang damit na in-order pa ni Nathan para sa amin. Pinatulog ko na ang anak ko, habang ako'y naisipang lumabas muna sa balcony upang magpahangin. Nakita ko ang mga bituing kumikislap na nagpaalala lang sa akin ng mga panahong nakakasama ko si Andrew sa tuwing magkasabay kaming nag-stargazing.
Pumatak lang ang mga luha ko sa halu-halong sakit nang nadarama. Subalit, naudlot ang pagmuni-muning iyon nang narinig kong pangungusap ng boses lalaking nasa kabilang balcony.
"Sinaktan ka ba niya, kaya ka lumapit muli sa akin?"
Nilingon ko siya at napakunot-noong sinagot, "Bakit mo natanong ang walang kuwentang bagay na iyan?"
Nakahalf-smile lang siya at nakaslow-motion na hinarap ako. Naiilang ako sobra. Hindi ko kasi alam kung ano pang isasagot ko kung sakaling itanong niyang muli ang tungkol sa ama ng anak ko. Nasa isipan ko kasing baka hindi niya matanggap ang bata at palayasin ako sa kaniyang bahay. Paano na ako? Saan na ako pupunta?
Nakasulyap lang ako sa kaniya at saka itinuon ang tingin sa bintana. Patuloy pa rin siyang nagtatanong sa nangyari sa amin ng kapatid niya. Hinayaan ko lang siyang mag-usisa nang hindi sinasagot hanggang sa nabagot siya.
"Ano ba talaga ang pakay mo sa akin, Trinah?"
Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay naglakas-loob na sinabing, "Ikaw ang ama ni Fin kung kaya't obligasyon mong tustusan at buhayin siya. Wala na akong megosyo dahil kinuha lahat ni Andrew. Kaya, ikaw na lang ang huling pag-asa ko. Nagagalit man ako sa ginawa mo sa akin noon, subalit kahit anong gawin ko'y hindi ko pa mapalitan ang katotohanang nailuwal at napalaki ko ang bunga nang panghahalay mo sa akin."
"Ano?" Napasigaw siya nang malakas dahilan para mataranta ako sa aking kinatatayuan.
Nang sandali pa'y umiyak na naman ang anak ko, kung kaya't dali-daling pumaroon ako sa loob para tabihan siya. Habang kinakantahan ko si Fin, nakintal sa isip ko ang reaksyon ni Nathan sa komprontasyon ko ilang segundo ang nakalipas. Parang nagulat siya sa mga nalaman niya. Ano kayang dahilan?
***
Maagang naghain ako ng pagkain sa mesa para kay Nathan. Binalak ko talagang pagsilbihan siya bilang bayad ng pagpapatuloy niya sa amin ng anak ko. Naging advance lang ang action ko para na rin kung sakaling hindi niya matatanggap ang anak niya, at least man lang ay nasuklian ko ang kabutihang ipinakita niya sa amin.
Ilang saglit pa'y umupo na sa hapag-kainan si Nathan nang tahimik lang. Hindi siya tumitingin sa akin. Dapat bang hindi ko siya kausapin tungkol sa anak namin? Talagang nag-alinlangan pa ako dahil sa katanungang tatanggapin ba niya ang anak ko?
Agad na kumuha siya ng soup sa bowl niya at sinimulang kainin iyon. Hinihintay kong kumibo siya at gayon na lang nang tatayo na sana akk para bihisan si baby dahil puno na ang kaniyang diaper, pinigilan niya ang mga kamay ko.
"Umupo ka muna," mahinahon niyang sabi.
Ginawa ko ang gusto niya. Nakinig ako sa kaniya kahit nababasa na ang t-shirt ko sa ihi ng anak ko.
"Listen. Trinah, gusto kong tumulong sa inyo ng anak mo dahil sa walang-wala ka na. Subalit, karapatan mong malaman ang totoo tungkol sa ama niyan."
"Anong ibig sabihin ng ama ni Fin?"
"Trinah, hindi ako ang humalay sa iyo ng gabing iyon. Matagal ko nang gustong aminin sa iyo ito pero ngayon na nakita ko na ang bunga ng pagbibintang mo sa akin, dapat mong malaman na no'ng gabing hinalay ka, nasa hospital ako noon nagbabantay sa ina ng girlfriend ko. Kaya, malabong ako ang ama niyan."
"Kung hindi ikaw, sino?"
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...