Chapter 48: Sino ang misteryong blood donor?

1 0 0
                                    

Trinah's POV

Lumipat na kami ni Fin, kasama si Dahlia sa isang maliit na bahay, kung saan kami pinatira ni Jazmine. Laking pasasalamat ko na naging boss ko siya dahil bukod sa hindi ko pa nasimulan ang pagtatrabaho sa kaniya, ay ang dami na niyang naitulong sa akin.

Ang bahay na iyon ay ang lumang bahay na pinagawa ni Jazmine para sa kaniyang kaibigan noon na isang ulila raw, ngunit sa kasamaang-palad ay maagang namayapa dahil sa sakit na leukemia. Dahil bakante na ito, minabuting doon kami pinatira ni Ms. Jazmine para mapanatili itong malinis at buhay pa rin bilang alaala niya sa kaniyang namayapang kaibigan.

Binilhan niya kami ng iba't-ibang gamit sa bahay, pati na rin mga groceries at mga palamuti nito. Wala akong nilabas na kahit isang duling na pera dahil pinasave niya iyon para raw sa gatas at diaper ng anak ko.

Matapos naming mag-ayos ng bahay, kumain kami ni Jazmine ng pananghalian sa in-order pa niyang pagkain. Nauna nang kumain si Dahlia at Fin dahil pinauna ko na sila upang makapagpahinga na.

Sa aking pagsubo, naaalala ko si Mr. Awman noong una ko siyang nakita kausap ang babaeng tingin ko'y anak niya. Kaya napatanong ako kay Jazmine.

"Miss, mag-isa ka lang bang anak ni Mr. Awman?"

Inangat niya ang baso ng tubig at uminom muna bago sumagot. Senenyasan niya muna akong maghintay muna na matapos siya uminom ng tubig.

Nang ibinaba na niya ang baso, agad siyang tumugon, "Ahm, oo. Ako lang at wala ng iba!" malinaw niyang sabi na sinabayan pa niya ng ngiti.

"Wala ba siyang nabanggit na ibang anak niya?"

Nabunulan siya sa kaniyang kinain. Hindi ko alam kung sinadya ba niya o nabigla lang siya sa tanong ko.

"Okay ka lang ba, miss?" Binigyan ko siya ng tubig upang kumalma ang lalamunan niya.

At saka tinitigan niya ako nang malalim kasunod na nagsabing, "Ate, loyal si Dad kay mom, kahit noong nabubuhay pa ang ina ko. Kaya, sigurado akong walang ibang anak si Dad."

"Pero—" Susubukan ko na sanang buksan ang identity ko sa kaniya.

"At, oo, wala naman siyang nasabi sa akin na ibang anak niya so far."

Natigilan ako. Wala akong naisip na dahilan para ipakilala ko ang sarili sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniyang kapatid ko siya. Gusto kong magpakilala na anak ako ng ama niya, na ate niya ako, pero natatakot akong magbago ang turing niya sa akin.

Baka magalit siya sa dad niya.

Baka hindi na niya ako tutulungan pa sa trabaho.

May tumawag sa kaniya sa ibang linya. Dinig ko'y mula iyon sa ibang bansa dahil English ang medium ng usapan nila. Positibo ang naging awrahan niya, kaya sigurado akong good news ang tawag na iyon.

***

Kinuha ko ang record ni Fin sa ospital kung saan siya na-confine. Gusto ko kasing malaman mula sa mga doctor din kung sino ang may mabuting puso ang nag-donate ng dugo sa anak ko.

Sinadya ko ang laboratory section at nagtanong doon, "Doc, puwede po bang malaman kung sino ang nag-donate ng dugo kay Fin Dela Luz?"

"Miss Trinah, sa pagkakaalam ko, dalawang tao lang ang lumapit sa amin dito para magpasuri ng kanilang dugo. Ngunit iyong naunang lalaki na sinasabing asawa niyo ay may alcohol content ang dugo niya kaya hindi siya puwede.

Siguro, iyong isang medyo may-edad na lalaki ang nakadonate kasi nag-match din ang dugo niya sa anak niyo," paglalahad ng doctor.

Hiningi ko ang pangalan ng nagpatest ng dugo nila at lumabas doon na si Seph Andrew Perrie iyong naunang hindi successful ang attempt.

Pero sino iyong isang lalaki?

Kakilala ko ba siya o kilala ba niya ang anak ko?"

"Doc, ano po bang itsura ng lalaking nag-donate ng dugo kay Fin?"

"Ahm, hindi ko maipaliwanag ma'am eh, basta may nunal siya sa bandang bibig katulad niyo. Mukhang mayaman ang tindig po."

"Gano'n ba? Sige salamat."

Hindi nagbigay ng pangalan ang lalaking donor, bagay na in question pa sa akin. Sino kaya siya?

Sa daan pauwi, hindi pa rin mawala sa isip ko ang donor ng dugo ng anak ko. Wala kasi akong ideya kung sino ang taong iyon. Wala naman akong kamag-anak, ni naging kadugo man na malapit sa akin. Tanging si Mrs. Adamo lang ang alam kong may kakayahang tumulong sa akin na mayamang tao.

Kaya, imbes papuntang bahay ang direksyon ng lakad ko, inutusan ko ang driver ng taxi na sinasakyan ko, na umikot at i-drop ako sa Adamo A- building.

Bumaba ako at dumiretso lang sa pagpasok sa gusaling yaon. Sinadya kong puntahan si Mrs. Adamo para tanungin kung May kinalaman ba siya sa blood donation na iyon.

Nagkita kami sa kaniyang office na noo'y kausap niya ang isa sa mga investors nila mula pa sa ibang bansa. Wala akong choice kundi maghintay sa isang upuan malapit sa pinto. Hindi muna kasi niya ako pinalapit dahil may kausap pa siya.

Ngunit, nang maaninagan ako ng babaeng kausap niya, agad itong lumapit sa akin na para bang namangha siya dahil bakas sa kaniyang mukha ang pagkasabik at kilig nang nakita ako.

"Trinah? Is that you?" wika niya.

Iniunat ko ang aking kanang kamay at nakipagkamayan sa estranghero sabay sabing, "Yes, I'm Trinah. How about you?"

"Oh, I'm here to talk to Mrs. Adamo about business matters. Actually, I want to help her company to revive but since I knew almost half of their investors had left them, I'm in doubt now if I will continue my plans to negotiate them."

"All right. Madam, actually this company survived on their own, even big companies hit it for how many months. I believe, you have a kind-heart to help them."

Nginitian niya ako. Naramdaman kong malapit ang loob niya sa akin. Kaya, sinamantala ko ang pagkakataon na suyuin pa siya.

"And ma'am, I'm the one who is in charged in international matters, so don't worry about your share to us. We will use carefully and grow it well."

"Oh, it's good to hear. Besides, you're my favorite writer after all, so I will trust you."

Paborito daw niya akong writer.

Mahilig pala siyang magbasa din ng nobela online.

"Thank you so much ma'am," wika ko, na may halong saya na nakatulong ako sa trabaho ng ina ko.

Matapos kong na closed deal ang investment ng foreigner na iyon, hinarap ko na si Mrs. Adamo para sa pangunahing pakay ko sa kaniya.

Good mood siyang nakaharap sa akin dahil na siguro sa maliit na bagay na naitulong ko sa kaniya.

"Dear, thank you," ani niya, sabay hawak ng mga kamay ko.

Kalmado lang ako habang naghihintay ng tyempo na isingit ang pakay ko sa kaniya. Inasikaso niya ako. Pinakain ng meryenda at binigyan pa ng pera para panggastos ko raw para kay Fin. Tinanggap ko ang biyayang iyon dahil minsan lang naman siya naging mabuting ina sa akin.

Nang mabakante siya, nagtanong na ako nang madalian.

"Ma, nag-donate ka ba ng dugo o may inutusan ka bang magdonate ng dugo para kay Fin noong na-ospital siya?"

Itinaas niya ang kaniyang kilay at napakunot ang noo, na pansin ko'y negatibo ang tugon niya.

"Ha? Hindi, anak. Hindi ko nga alam na nasalinan na pala siya ng dugo. Hindi rin kasi ako puwede dahil magkaiba kami ng blood type."

Sino kaya ang may pusong mamon na bukas-palad na tumulong sa anak ko?

Hindi ko na sinundan pa ng tanong ang pag-uusap naming iyon dahil nalaman ko na ang sagot kaagad mula sa kaniya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangang magtago ng misteryong lalaking iyon ng identity niya.





"

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon