Chapter 24: Compatible blood donor

3 0 0
                                    


Masayang ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Amie kasama ang mga kapamilya ng mga Perrie. Lubos silang nagpasalamat sa magandang ideya ko na sa wakas ay nakalaya ang pamilya mula sa hapis ng kanilang puso sa nakaraan.

Ngunit sa kabila ng kasiyahan ay may kaakibat na trahedyang dumating sa amin. Sa gitna kasi ng palarong inihanda namin ay biglang inatake sa puso si Mr. Adamo. Dali-daling dinala namin siya sa ospital para maagapan ang kaniyang dinaramdam. Mabuti na lang mabilis ang takbo ng sasakyan namin at nakaabot pa kami sa saktong oras na agad ay nagamot siya ng mga doktor.

Pagkatapos siyang tiningnan ng Mga eksperto, ibinalita sa aming kailangan daw salinan ng dugo ang pasyente.

"Mrs. Adamo, hindi po ba ninyo alam ang tunay na kalagayan ng iyong asawa?" pagtatanong sa kaniya ng doktor.

"A-ang alin?" Ang alam ko lang ay namamanhid ang mga tuhod at paa niya, kaya nahihirapan na siyang maglakad. Bukod doon, wala na akong ibang alam sa sakit niya," mahinahon na tugon ni Mrs. Adamo na halatang kinakabahan.

Binigay sa kaniya ang result ng test ng doktor sa isang papel na ang lahat ng diagnosis ay nakalagay doon. Nanginginig ang kaniyang kamay sa paghawak nito na sinusubukang kumalma sa pagbasa.

Hindi niya masyadong naintindihan nag nakasulat doon, Kaya ang doktor na ang nagpaliwanag lahat. Ang pasyente ay may kakulangan sa dugo dulot ng pamalagiang pagsuka at pagdurugo ng ilong nito. Nakitaan din sa laboratory tests ang problema sa dugo nito na nahaluan ng nakamamatay na bacteria na kung 'di maagapan ay magiging cancer of the blood ito. Iyon ang naging sanhi ng pag-collapse ng puso nito.

Ang tanging paraan na hiniling ng doktor ay salinan ng malinis na dugo ang pasyente para mapunan ang ilang kilong dugo na nawala sa kaniya. Matagal na palang tinatago ni Mr. Adamo ang kaniyang sakit. Nanatiling sekreto iyon sa pamilya niya dahil ayaw niyang mabalita sa mga kasosyo niya sa negosyo na nanghihina na siya. Pangarap pa kasi niyang mabalik ang tiwala ng Mga Perrie sa kaniya upang mapalawig ang negosyong nasimulan niya.

Umuwi muna ako para ihatid ang anak ko at ipabantay iyon sa katulong namin. Gusto ko aksing tumulong kahit sa konting bagay lang sa mga taong nagbigay halaga sa akin. Nabanggit ko na rin Kay Andrew nag tungkol sa problemang Ito at naunawaan naman niyang desisyon ko.

Unang sumubok na magbigay ng dugo Kay Mr. Adamo ay ang kaisa-isang anak niya na si Amie. T-inest ang dugo niya at tiningnan kung puwede na siyang magdonate subalit sinabi ng doktor na Hindi siya qualified. Nagkaroon kasi siya ng operation for the past two years noong nabangga ko siya. Kaya, malabong malinis ang dugo niya para isalin sa pasyente. Hindi rin puwedeng kunan ng dugo ang ina niya dahil may maintenance ito sa diabetes na sakit.

"Paano na tayo ngayon mom?" pag-alalang sambit ni Amie habang palakad-lakad, wari'y hindi mapakali sa situwasyon nila.

Tahimik lang si Mrs. Adamo kahit naluluha na. Bagaman mayaman sila, hindi pa rin ganoon kadaling nakakita ng blood type na match sa asawa niya. Naisip kong hindi rin ako puwedeng sumailalim sa blood letting dahil minsa'y nakaramdam ako ng pagkahilo. Kaya, siguro may sakit akong hindi nalalaman sa kaloob-looban ko.

Naawa ako sa mag-ina at tinulungan silang humanap sa iba't-ibang blood stations para bumili ng dugong kailangan ng pasyente. Kasama ko si Amie sa pag-i-inquire bawat hospitals and stations. Kulang na nga lang ay lumuhod kami para ibigay sa amin ang AB negative blood type sa isang hospital ngunit sa kasamaang palad ay nakareserba iyon sa pasyenteng mas nauna pa sa amin.

Hindi mapinta ang mga katawan ng mga Adamo. Ni isang kadugo kasi nila maging kamag-anak ay walang na-inherit na ganoong blood type maliban kay Amie at sa kaniyang ina. Sobrang bigat sa pakiramdam na makita silang nahihirapan, nasasaktan, at halos nawawalan ng pag-asa na umuupo sa isang tabi.

Lumipas pa ang isang araw, wala pa ring natagpuang same blood type ang mag-ina. Kinabahan na ako sa mangyayari sa pasyente na baka mahuli na ang lahat kapag wala akong gagawin.

Tanghali, nang nagpaalam ako Kay Andrew at sa mga empleyado kong magtungo sa ospital at nagdesisyon ng subukang magpakuha ng dugo. I had no choice but to try just to save one's lives. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago binigay ang results na compatible ang dugo ko bilang pansalin sa kawalang dugo ng pasyente.

Masayang-masaya ako dahil natulungan ko si Mr. Adamo na madugtungan pa ang kaniyang buhay. Matapos akong kinuhanan ng dugo ay nagaphinga lang akong sandali at nang sa hindi inaasahan ay tinawagan ako ng katulong namin na pumunta sa bahay dahil may emergency na nangyari roon.

"Ma'am, kailangan mo pong umuwi kaagad. Itinapon na sa labas ng bahay ang lahat ng mga gamit mo at hindi ko sila napigilan," pagsusumbong ng katulong namin na halatang hinihingal, pahiwatig na may masama talagang nangyayari.

"Sino ba ang gumawa ng katarantaduhang iyan?" pagalit kong usisa sa kaniya.

"Hindi ko alam ma'am, basta't bilisan mo na pong pumarito. Hindi ko sila kayang pigilan."

Halos pinalipad ko na ang kotse, makauwi lang nang mabilis sa bahay para natingnan kung sino ang nagtress-pass ng bahay. Nang nakarating na ako at pumasok sa main gate ay tanaw kong may babaeng nakatayo sa harapan ng pinto, nag-uutos sa mga alagad niyang ipantapon ang mga gamit ko out of my house.

I boldly stopped her, "Hoy impakta, kung sino ka man. Sinong nagsabi sa 'yong basta-bastang itatapon mo na lang ang mga gamit ko rito sa mismong pamamahay ko?"

Hinarap niya ako nang dahan-dahan, eksaktong naaninag ko paunti-unti ang kaniyang buong tindig. The devil woman, Antonette, ang walang ibang babae na kontrabida sa buhay ko ang may pakana ng pagtatapon ng mga personal things ko. Sinugod ko siya at sinabunutan ng buhok nang walang pag-aalangan.

"Impakta ka! Walang hiya ka talaga!"

"Bitawan mo ang buhok ko. Nasasaktan na ako," sigaw niya sa tonong nasasaktan sa pagkakahigpit ko nito sa aking kamay.

"Ipakita mo ang tapang mo, impakta ka! Wala Kang karapatang i-bully ako at pakialaman ang mga gamit ko sa sariling bahay ko," patuloy kong paninigaw sa kaniya.

Ilang saglit pa'y nahilo na naman ako. Sinuntok ni Antonette ang aking tiyan at ako'y natumba. Pinatungan niya ako at sinabunutan tulad ng ginawa ko sa kaniya kanina. Nanghihina na ako nang tuluyan dahil kakadonate ko pa lang ng dugo at wala Kang sapat na lakas para makipagbugbugan.

Minuto lang ang pagitan, dumating si Andrew at iwinaksi si Antonette sa pagkakapatong niya sa akin. Inalalayan niya akong tumayo at pinwesto sa likuran niya. Halata kong nakapiko na ang kaniyang mga daliri, nag pormang kamao ay nais niyang pakawalan. Galit na galit siya sa babae dahil sa sinapit ko. Kung hindi lang siguro babae ang kalaban niya'y nasuntok na niya ito.

"Anong katapatan mong pumasok ng property ko at saktan ang asawa ko, babae ka?" singhal ni Andrew sa dalagang ubod ng hambog.

"I have. Andrew you were so blind with your stupid love on her. Kahit ipagtatanggol mo siya ng ilang beses, hindi mo maalis ang katotohanang tapos na kayo sa mata ng family mo. Katunayan nga'y sila ang nag-utos sa akin na palabasin ang babaeng iyan sa bahay mo total on process na ang annulment ninyo 'di ba?"

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon