Chapter 62: Finding Trinah

0 0 0
                                    

Andrew's POV

Nakauwi na ako mula sa honeymoon week namin ng asawa kong si Antonette. Syempre, hindi ako na-enjoy sa mga araw namin kasi pinaninindigan kong hindi siya gagalawin at hindi ako magpapakita ng motibo sa kaniya na gawin ang bagay na hindi ko gusto. Wala siyang maggawa kundi irespeto ang desisyon ko at magkunwaring nasisiyahan sa aming bakasyon.

Dumalo kaming mag-asawa sa isang dinner na sinet-up ng mga pamilya namin. Ito ay para usisain kami sa aming honeymoon.

Habang kumakain, binuksan ni dad ang pagtatanong.

"Siguro naman, sa wakas ay nagkakamabutihan na kayong dalawa. Ibig sabihin ba niyan ay ang kasunod nito'y mabibigyan niyo na kami ng apo?"

Bigla akong nabunulan sa aking kinakain. Nagi-guilty lang kasi ako sa totoong nangyayari na taliwas sa expectations ng mga pamilya namin.

"Okay ka lang, babe?" pagche-check sa akin ni Antonette.

Uminom ako ng tubig, saka pinalinaw ang aking lalamunan at sumagot, "Okay lang ako. Nagugutom lang ako kaya hindi ko maiwasang sumubo nang mabilis."

Ngumiti lang si dad sa mga sinabi ko. Alam niya kung paano ako magsinungaling, kaya hinayaan lang niya ako. Ayaw lang siguro niyang mag-isip nang masama sa akin ang mga magulang ni Antonette.

Ipinakita naming mag-asawa sa kani-kaniyang mga magulang namin na masaya kami sa isa't-isa at nagkakamabutihan na. Ito'y bagay na nagbibigay sa kanila ng tuwa at pag-asa.

Marami pa silang mga katanungan sa amin na isa-isa naming sinagot ni Antonette. Sinasabayan namin ang bawat pang-aasar at mga advices nila para raw sa aming magiging pamilya in the future. Wala man akong balak pero kailangan kong magkunwari para magmukhang masunurin sa kanila.

Bago natapos ang kuwentuhan naming iyon, isang surpresa ang binigay sa akin ng aking ama.

"Son, may surpresa kami sa 'yo."

Kasabay ng pagkasabi niyang iyon ang pagdating ng isang lalaking nakamask. Nakilala ko kaagad siya dahil sa tipo ng katawan niya at nunal niya sa may pisngi.

"Kuya," malakas na sambit ko sa kaniya, sabay yakap nang mahigpit.

Humiwalay kaagad ako sa pagkakayakap kay Nathan at ibinaling kong muli ang tingin ko kay dad at nagtanong, "Dito na siya ulit titira dad? Pa'no iyong ginawa niyang—"

"Forget it, son. Kalimutan na natin ang mga nangyari at harapin ang panibagong pag-asa."

"Pero dad, hindi naman talaga si kuya ang nagnakaw ng pera niyo."

"Keep your mouth shut, Andrew. Maraming tao ang nakikinig sa 'yo. Just like I said, we must forget everything in the past, okay?"

Tumango na lang ako sa kaniya.

Nasabi sa akin ni Trinah, ang buong katotohanan sa kung sino ang tunay na magnanakaw sa kompanya namin at kung bakit niya iyon nalaman. Noong bumisita kasi ako sa bahay nila, naging mahaba ang pag-uusap namin. Kasama na roon ang pagsisiwalat niya sa kaniyang mga nalalaman.

Susubukan ko sanang sabihin iyon kay dad kaso hindi pa sa tamang lugar at panahon lalo na't naroon kasama namin sa kainan ang pamilyang Reyman.

"How's your trip, bro?" pagtatanong ni Nathan sa akin bilang pag-iiba sa usapan.

"Okay lang. Kuwentuhan naman tayo minsan kuya. Namimiss ko nang makipagkulitan sa 'yo."

"Sige ba. Pero Drew..."

Inilapit niya ang kaniyang bibig sa bandang tainga ko at bumulong, "Puwede ba kitang makausap ngayon?"

"Tungkol ito kay Trinah," dagdag pa niya, na nagbigay buhay sa natutulog kong puso.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon