Chapter 32: Pinalayo ngunit iniligtas sa mga tao

1 0 0
                                    

Mabilis na kumalat ang balitang mag-ina kami ni Mrs. Adamo. Someone exposed us in the media para tuluyang siraan ang pangalan ko. Ang saklap pa, idinamay nila ang pamilyang Adamo sa pagbibintang na sinungaling dahil sa paghalili ko kay Amie bilang siya sa kasal namin no'n ni Andrew.

Ang daming nagboycott sa mga nobela ko. Kumakalat ang mga bashers na mga trolls at nagsasabi ng mga masasakit na salita sa akin. I remained silent pa rin sa mga isyung ibinabato sa akin and I kept finding a traitor na kumalat ng mga sekreto ko.

No'ng araw ng pag-amin sa akin ni Mrs. Adamo na anak niya ako sa ex-boyfriend niya, ay nakita kong sumisilip sa likod ng nakabukas na pintuan si Amie, pero hindi ganoon kasama siyang tao dahil ang dami na niyang naitulong sa akin. Siya pa nga ang dahilan kung bakit ko nakilala ang pamilyang Adamo. Bukod sa aming tatlo, ay wala nang nakaririnig sa pinag-uusapan namin, maliban na lang kung may naunang nag-imbestiga sa katauhan ko.

I searched for an answer, but in the end, si Antonette lang ang alam kong tao na may masamang balak sa buhay ko. The day when the news was spread, ay kaalinsabay din na nalaman ko mula kay Hailey, na nagkaroon na ng all together dinner ang pamilyang Perrie at pamilyang Reyman.

"Bakit mo pa ba ipinapaalam sa akin 'yan? Hailey, wala na akong pakialam sa ex-husband ko. Besides, pinili niya iyan," tugon ko sa usapan namin ni Hailey on the phone.

"Tuluyan mo na ba talagang kalimutan siya? Hindi mo ba siya tatanungin kung kagustuhan ba niyang makasal kay Antonette?"

"Teka, anong ibig mong sabihin?"

"Trinah, marami ka pang 'di alam. Kaya, kung ako sa 'yo, kausapin mo si Andrew, bago ang araw ng engagement niya."

Tama si Hailey. Siya lang naman ang matalik na kaibigan ng ex-husband ko na pinagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Kaya, do'n ko narealize na paano kung ako pa rin ang mahal ni Andrew? Tama lang ba na hahayaan ko siyang magdusa sa kamay ni Ms. Reyman? I know how wreckless is that girl. That's why, kailangan kong kumilos. Hindi ko gagawin ito para lang sa pagmamahal ko sa kaniya kundi para makaganti na rin sa lahat ng ginawa sa akin nimg babaeng iyon.

Para makakilos ako, binigyan ako ni Mrs. Adamo ng isang katulong para mag-alaga sa anak ko na kasama kong tumira sa apartment na pagmamay-ari ng ina ko. Hindi kasi ako puwedeng makitira sa mansion dahil mainit ang mata sa akin ng mga media. Ayokong madamay ang pamilya ni ina.

***

Tanghali na nang tinawagan ako ni Hailey, na nakigmeet up daw si Andrew sa isang kaibigan na kasosyo nila sa kumpanya. Sinundan ko ang itinuro niyang sinasakyan ng ex-husband ko at hinintay na matapos ang meeting nilang magkaibigan. Almost half an hour din akong nainip sa kahihintay, hanggang sa makatyempo ay agad akong nagpakita sa kaniya.

Nabigla siyang makita na lumitaw ako sa likuran niya nang walang pasabi.

"Aaaah... T-Trinah, you're here," ani niya sa putol-putol na pagsasalita na halatang nabigla at kinakabahan.

I gave him a smile and replied, "Y-yeah, na-miss kasi kita, kaya ako nandito. Ahm, can I sit?"

Hindi na siya tumanggi pa at umupo na ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap, nagkukumustahan, at nagkalilinawan.

"Ang totoo, nandito ako para sabihin sa 'yong sana huwag mong ituloy ang pagpapakasal kay Antonette."

"Trinah, bakit? Nakaplano na ang kasal namin after malaman ni Mr. Reyman na peke lang ang kasal natin dahil hindi ka tunay na isang Adamo no'ng kinasal tayo. Ang pamilya ni Antonette ang may pinakamaraming shares sa kumpanya namin ngayon. Kaya, bilang anak, hindi ko puwedeng hayaan na bumagsak ang business namin kung iaatras ko ang kasal."

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon