Trinah's POV
Narinig ko ang pag-uusap nina Mr. Awman at isang lalaking disente rin kung manamit na pakiwari ko'y kasing-uri niya iyon. Kaduda-duda ang lalaki sa pormahan pa lang at awra nito. Ang mga mabilog niyang mata'y sumusulyap-sulyap kahit saan, na sa unang tingin mo sa kaniya'y mayroon siyang pinagtataguan.
Binanggit niya ang apilyidong 'Perrie,' ang dahilan kung bakit naging interesado makipag-negosasyon sa kaniya ang ama ko.
"Nais kong mag-invest sa kompanya mo ng malaking pera. 'Di ba gusto mong pabagsakin ang mga Perrie? Ako na ang sagot diyan. Alam mo naman, malakas ako sa kanila, bagay na hindi nila kaya akong paghinalaan na iniipit ko na pala sila nang patago," sabi ng lalaking kausap ni Mr. Awman.
Ngumiti si Mr. Awman, at tumugon, "Oo, matagal ko nang gustong mawala sa business industry ang mga Perrie na iyan. Malaki ang naging atraso nila sa akin noon pa man. Kaya, lahat gagawin ko para mapabagsak sila."
Nalilito ako. Akala ko ba si Mr. Awman, ang may malaking kasalanan sa mga Perrie? Ano ba talagang ginawa ni Mr. Awman sa pamilyang Perrie?
Muling binuksan ko ang mga tainga ko para ipagpatuloy ang pakikinig sa kanila. Ngunit, sa pagkakataong ito, isang sekreto ang nabuksan ng kaibigan ni Mr. Awman, ang nagpagimbal sa mundo ko.
"Mr. Awman, isang bagay pa ang dapat mong malaman patungkol sa kalagayan ng kompanya ng nakaalitan mo."
Nilunok ni Mr. Awman ang kalahating baso ng wine nang mabilis saka nagsabing, "Ano?"
Nilagyan muna ng kausap ni Mr. Awman, ang baso niya ng kaunting wine at iniangat iyon sabay sabing 'cheers'. Agad namang nilagyan din ni Mr. Awman ng wine ang baso niya at ang mga baso nila'y nagbanggaan katapat ng mga balikat nila.
Binigyan muna ng lalaki nang matalim na ngiti si Mr. Awman, saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Perrie's company lost half of their money because of me."
"What do you mean?" Nag-abot ang mga kilay ni Mr. Awman, nagpapahiwatig na gusto pa niyang malaman ang iba pang detalye sa balitang iyon.
Sinipsip ng lalaki ang laman ng baso nang dahan-dahan at inilagay ito sa mesa pagkatapos. Bumuntong-hininga siya at nagsabing, "I stole their money dahil mas pinaboran ni Mr. Perrie ang lahat ng proposal ni Mr. Reyman. Ang totoo, ako naman talaga ang gumagawa halos lahat ng paraan para mapalago ang negosyo namin, pero naging gahaman lang talaga sila."
Tiniklop ng lalaki ang mga daliri niya at ang kamao niya'y nagpapakita ng galit at inggit sa kaniyang puso. Ramdam iyon ni Mr. Awman, pero hindi ko alam kung papatulan niya ang lalaki o babalewalain niya ang masamang hangarin nito.
***
Sinita ako sa isa sa mga empleyado ng mga Reyman nang sinubukan kong pumasok sa opisina nila para kausapin si Antonette. Nagbabakasakali kasi akong pakikinggan niya ako sa aking ipahahatid sa kaniyang magandang balita tungkol sa pangyayaring nakawan sa kompanya nina Andrew.
Siya ang nilapitan ko dahil alam kong malapit siya sa pamilyang Perrie. Natakot kasi akong dumirekta kay Andrew dahil na rin sa hindi ko pa nakukuha ang hustisya sa ginawa niya sa akin noon.
"Ma'am, bawal po pumasok sa loob kapag wala kang appointment sa boss namin," pagpupumigil sa akin ng isang babaeng naka-eyeglasses na pakiwari ko'y assistant iyon ni Antonette.
Nagpupumilit ako. "Miss, importante kasi itong sasabihin ko sa kaniya."
"Hindi po talaga puwede, ma'am. Kami po ang mapagagalitan."
Dumungaw ako sa kompyuter ng babae. Nakita ko roon ang schedule ni Ms. Reyman, na sa oras na iyon, siya ay bakante. Kaya, ibinaling ko kaagad ang tingin sa pinto, na noo'y pansin ko'y nakabukas dahil nakalabas ang lock nito.
Patakbong binuksan ko ang pinto at pumasok nang walang paalam. Agad na sinundan naman ako ng babaeng nagbabantay sa labas na nagsisigaw ng, "Ma'am huwag po. Bawal po kayo rito!"
Nagpatuloy lang ako. Para kaming aso't-puso na nagtatakbuhan sa loob. Agad naman akong huminto nang nadatnan ko na si Ms. Reyman, na nakatayo sa harapan ng isang lalaki. Inayos niya ang butones sa suit ng lalaki at masaya nilang ginagawa iyon.
"A-Andrew," nauutal kong sabi sa katamtamang lakas ng boses.
Lumingon sila at nag-abot ang aming mga mata tatlo. Parang dinudurog ang puso ko na makita silang nagkakaintindihan at nagtatawanan sa isa't-isa.
Hindi naman ganoon si Andrew kay Antonette noon!
Naaalala ko sa nakaraang mga buwan o taon, hindi naman maggawang titigan ni Andrew si Antonette sa mga mata nito ni hawakan man ang kamay niya. Talagang umiiwas si Andrew sa babaeng iyon dahil iniisip niya ako. Iniisip niyang kapakanan ko. Ayaw niya kasing magkagusto sa iba dahil ako lang ang mahal niya.
Subalit, nag-iba na ang mga kilos niya.
Dahil ba iyon sa kompanya nila na halos malugi na? O baka tuluyang nahuhulog na talaga siya kay Ms. Reyman?
"Trinah," magkasabay nilang tawag sa akin.
Humakbang ako paatras habang nanginginig ang aking mga paa, wari'y nahihirapan akong tumayo nang maayos.
Hindi ko kinaya ang inggit sa kanila. Kaya, tumakbo ako palabas ng pinto at pumuntang CR sa likod ng opisinang iyon.
Ibinuhos ko ang sakit nang nararamdaman ko sa loob. Iniyak ko ang lahat.
Habang tumutulo ang mga luha ko, bumabalik sa mga alaala ko ang mga nakaraan namin. Ang mga halik niya, ang mga ngiti niya, at ang pag-aalaga niya sa akin noong ipinagbubuntis ko ang anak niya. Lahat ng iyon ay preskong nailagay sa pang-unawa ko ulit, dahilan nang labis kong paghikbi sa palikuran nang walang nakakakita.
Ilang minuto kong nilabas ang sama ng loob hanggang sa may narinig akong katok mula sa labas. Narinig ko mula roon ang paninigaw ng isang lalaki.
Sabi niya, "Trinah, please, lumabas ka. Mag-usap tayo."
Alam kong ang boses na iyon ay kilala ko. Sigurado akong si Andrew iyon na sumusunod sa akin. Ayaw ko man siyang pagbuksan, wala na akong maggawa dahil dinig kong tinatadyakan na niya ang pinto.
Lumabas ako. Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya nang luhaan pa rin ang mga mata. Pinahiran niya ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ko gamit ang kaniyang dalawang kamay. Ramdam ko ang pagdampi ng mga daliri niya sa balat ko. Nakakatindig-balahibo siyang makaharap sa pagkakataong iyon.
"I'm sorry," ani niya, sabay sinunggaban ako nang mahigpit na yakap.
Hinaplos-haplos niya ang mga buhok ko habang patuloy lang ako sa paghikbi.
"You don't have to cry, baby. I'm here to comfort you always," dagdag pa niya.
'Paano mo 'ko ma-comfort lagi kung masaya ka na sa iba?' ang mga salitang laman ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...