Chapter 57: Ang lamang bestida

1 0 0
                                    

AT JAZMINE'S BIRTHDAY RECEPTION

Nakagayak na ang karamihan sa pinakamalaking selebrasyong magaganap sa ika-7 ng gabi sa hardin ng Awman's mansion. Trenta minuto na lang ang tatakbuhin ko, magsisimula na ang programang ako ang naghanda. Hindi pa kasi dumarating si Dahlia na inutusan ko pa na ipaayos ang napunit kong gown.

Nakahanda na sana ang susuotin kong bestida sa okasyong iyon umaga pa lang, nang nalingat lang ako saglit dahil may kaunting inaasikaso sa ilang kulang pang mga materyales sa birthday venue na kaagad ko namang nasolusyunan, pagbalik ko para tingnan ulit ang nakahanger na berdeng bestida ay laking gulat ko na lang makitang may malaking punit na ito.

Sinubukan kong tawagan si Dahlia para pabilisin siya, subalit hindi siya sumasagot. Ang huling sabi niya on the phone nang nasagot niya pa ay mayroong inilagay na ibang disenyo ang mananahi para takpan ang napunit kong bestida at pinapaganda pa ito.

Nag-alala na ako na baka hindi na makaabot sa takdang oras, lalo na't walang magbabantay kay Fin. Kaya, hinalungkat ko ang lumang mga bestida ko at pinili ang medyo kaaya-aya at puwede pang magamit, saka sinuot iyon. Inayusan ko rin si Fin at mabilis na akong pumaripas papunta sa reception ng kaarawan ni boss Jazmine.

Makalipas ang sampung minuto, nakarating na ako sa mansion ni Mr. Awman. Sus, siguro kung tinanggap pa ako ng tatay ko bilang anak niya ay ganito rin sana sasapitin ko : ang makatira sa mansion na ito.

Dumiretso ako sa backstage kung saan nandoon ang lahat ng staff ng birthday celebrant, na kasaling nag-aayos din sa kaniya at sa sunod-sunod na perfomance ng programa. Nagtaka sila sa akin kung bakit may dala akong supling.

"Ms. Trinah, ano ba iyang props mo ngayon?" pabirong tanong ng isang kasamahan ko sa trabaho.

"Aaa, ito ba?" Tinuro ko ang batang dala ko na nilagay ko lang sa carrier bag.

"Hmm," Nginitian ko siya, saka sinagot, "Hindi pa kasi dumarating ang bantay niya, kaya dinala ko na lang. Nautusan ko kasing ipaayos iyong gown ko na napunit pero mukhang hindi na siya makaabot sa oras eh."

"Pangit ba 'tong suot ko?"

"Aa, hindi naman. Medyo luma nga lang iyong tela, pero choks na iyan."

Lumabas na si Ms. Jazmine sa kaniyang silid. Napakaganda niya. Ang contour sa kaniyang mukha ay bagay talaga sa kaniyang head dress at sa kulay ng mga hikaw niya. Kung kapatid ko nga siya at tanggap ng ama niya, siguro katulad niya rin ako kung sasapit sa kaarawan ko.

Natulala ako sa ganda niya. Hanggang sa...

"Hoy! Trinah, ano ba iyang dala mo. Birthday ko ngayon pero nagpakananay ka pa rin?" Naggising ako mula sa pagkatitig sa kaniya nang tapikin niya.

"Ahm, Ma'am, wala kasing maiwan, eh. Pasensya na."

"Ok lang 'yan. As long as happy ka in my best night, happy na rin ako."

"Thanks ma'am."

Hinaplos pa niya ang buhok ng anak ko bago rumampa sa red carpet niya for welcoming her on the stage. Sumilip lang ako sa maliit na butas ng entrance niya para tingnan ang magandang paglakad niya. Sobrang pagmamalaki ko sa aking sarili na nagampanan ko ang lahat ng gampanin ko sa kaniya.

It was indeed a very nice event.

Luminga-linga ako sa buong paligid. Awkward naman siguro kung pasilip-silip lang ako sa likuran gayong parte naman ako ng okasyong iyon.

Pumasok na ako, ngunit sa bandang gilid lang ako pumuwesto. Nasagap sa mga mata ko ang mag-couple na sina Antonette at Andrew, kausap ang mga mayayamang guests na sa tingin ko'y iniimbitahan nila para sa nalalapit nilang kasal. Tahimik lang akong nanonood sa bawat kilos ng mga taong naroroon, habang tumatayo na sumayaw-sayaw para helehen ang natutulog kong anak.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon