Chapter 40: Ang kasal at Ang substitute bride

1 0 0
                                    

"Hinaan mo boses mo baka may makarinig sa atin. Marami pa namang alagad iyan si Antonette kahit saan," pagdidiin niya, habang unti-unting lumalapit ang katawan niya sa akin para ibulong na lang ang sasabihin niya.

"Pinuntahan ako ni Nathan sa opisina kahapon at kinausap tungkol sa bago mong trabaho. Naintindihan niyang kailangan mo ng trabahong iyon ngunit labag naman sa kalooban mo at siguradong kapag makikita ka ni Antonette sa kasal niya ay palalayasin ka lang doon. Kaya, kailangan mong magbalat-kayo o kaya magtakip ng mukha para 'di ka makilala nila," dagdag pa niya.

Tumango ako sa kaniya. Naintindihan ko ang situwasyon ko sa selebrasyong iyon. Gusto ko lang naman kumita. Gusto ko lang naman mairaos sa hirap kaming mag-ina. Subalit, anong magagawa ko kung 'di ko makayanan ang inggit ko sa bride sa pagkakataong iyon?

Samantala, ang espesyal na okasyon ay sumapit na. Umaga pa'y inihanda ko na ang mga paraphernalia kong dadalhin para wala akong makaligtaan bawat mahalagang parte ng event. Inayos ko rin ang sarili para naman kaaya-aya akong tingnan doon kahit na tatakpan ko ang mukha ko for good. Sa kabuuan, handang-handa na ako hindi bilang bisita, kundi bilang isang professional writer na magwi-witness ng kasal para isulat sa magazine.

Pagpasok ko sa dressing rooms ng bridesmaids, ang lahat ay nakagayak na sa kani-kaniyang gowns at patapos na rin ang pagpapaganda ng mga mukha. Inilarawan ko ang mga malarosas nilang mukha sa sulat ko at napakaningning na parang bituin sa gabi ang kulay berdeng gown na suot nila. Inimagine ko tuloy ang awra ko kung ako ang may suot ng damit na iyon.

Kasunod na silid ang pinasok ko kasama ang isang camera-man, ay ang mga groomsmen. Bumungad sa aking paningin ang kumikislap nilang itim na sapatos na pinaresan ng itim na plain slacks at dirty white na barong. Lubhang handang- handa na nga sila sa kanilang gampanin sa kasal dahil bakas sa kanilang mga pisngi ang pag-unat ng mga labi at paghulma ng kasiyahan niyon, nang makaharap ako.

Ngunit, napansin ko ang best man ng groom sa may gilid na nakatitig lang sa akin. Simple lang ang pormahan niya tulad ng araw-araw niyang pag-aayos ng sarili kung papasok sa trabaho. Kung ano ang palagi kong nakikita sa kaniya ay gayundin ang nakita ko nang magharap kami. Walang nagbago sa stroke ng buhok niya ni tindig niya na para bagang hindi siya gaanong naghahanda sa okasyon.

Nilapitan ko siya at sinabing, "Hai, okay ka lang ba? Pansin ko kasing parang hindi ka masaya ngayon, ah."

Bago pa man niya sinagot ang pakiwari ko ay hinila na niya ako palabas ng pinto na parang isang bulang sa iglap ay nawala kami sa loob kaharap ng mga groomsmen.

Kinakabahan na ako kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"Trinah, alam kong nararamdaman mo sa pagkakataong ito. Ayaw mo ba talagang agawin si Andrew sa babaeng mapapangasawa niya?"

"P-para s-saan pa?" nauutal kong tugon.

"Hay naku! Kahit hindi mo sabihin ay ramdam kong pighati mo ngayon. Kaibigan ko si Andrew, kaya alam ko rin na ang iniisip niya ay iniisip mo rin."

Napaisip ako. Tama bang pumunta ako roon sa event nang dahil lang sa trabaho ko? Kaya ko ba talagang tiisin na makita si Andrew na ikakasal sa babaeng minsan na ring kinakalaban ako? Ano ba ang dapat kong gawin?

***

ANDREW'S POV

Nakakunot ang noo ko at bumagsak ang buong mukha ko na para bang may pinapasan akong mga bato sa buong katawan ko sa sobrang hindi gusto nitong harapin ang bride ko. Nakatanaw lang ako sa kanila habang dahan-dahang naglalakad sa aisle papalapit sa akin.

Sa simula, ayaw ko na talagang ituloy sana ang kasal noong ang mga groomsmen, bridesmaids, ring bearers, at flower girls pa ang sunod-sunod na pumaso sa gitna. Ngunit, nang bumukas ang pinto at iniluwa mula roon ang bride ko, biglang nag-iba ang aking pakiramdam.

Nakaramdam ako ng biglaang excitement na kapareha noong naramdaman ko noong ikinasal kami ni Trinah, ang dating asawa ko, sa simbahan din. Siya ang nasasalamin ko sa tuwing humahakbang siya. Naaalala kong mga pekeng ngiti niya pasalubong sa akin. Ang kaiba nga lang, hindi nagpakita ng pagngiti ang bride ko ngayon.

Sinabayan ko ang pagkasunod-sunod ng seremonya. Nag-abot kami at magkasabay na humakbang pasulong at tumigil sa guhit kung saan doon lang kami tatayo at makinig sa pastor na magkakasal sa amin.

Sa pagtuturo ng nagkakasal sa amin, may ginawa siyang tanong at sagot portion. Lahat ng iyon ay sinagot naming magkasabay ng, "oo". Ewan ko ba kung bakit ginaganahan akong totohanin ang kasal na iyon.

At sa huling bahagi ng seremonya, sinabi ng pastor, "You may kiss the bride."

Biglang nakaramdam ako nang mahigpit na paghawak ng kamay ng babaeng kaharap ko. Ang kamay niya'y sing lamig ng yelo na parang kumukuryente sa buong kalamnan ako.

Nag-alala ako kung bakit ganoon nag temperatura niya, kaya ko natanong sa kaniyang mga katagang, "Antonette, nilalamig ka ba?" sa pabulong na pagsabi.

Binaon niyang maigi ang kaniyang dalawang kamay sa mga kamay ko. Hindi siya nagsasalita. Paglingon ko sa paligid ko, nagsitinginan na sila habang naghihintay sa most awaited part ng seremonyang iyon. Ramdam kong may kakaibang nangyari at may kutob na rin akong may nais ipahiwatig ang bride sa akin kaya niya ako hinawakang mahigpit.

Sa kagustuhan kong matapos na ang seremonya ay binilisan ko lang ang pagbukas ng veil niya at maging ang paghalik ng labi niya na kita lamang ang kalahati ng mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko na sinabayan nang mabilis nang pagkulo ng mga dugo ko sa bandang dibdib ko.

It is my substitute bride again. Hindi ko pinahalata sa mga pamilya namin at bisitang dumalo ang tungkol sa kaniya. Hindi ko pa man siya nakikilala dahil nakamaskara siya, kutob ko namang babaeng malapit lang siya sa akin. Sana, tama ang nasa isip ko.

Dumiretso na kami sa reception after ng wedding sa simbahan. Ang daming bigateng tao na bisita ang pamilya ko. Kaya, medyo proud ako sa sarili ko na nagagawa kong lampasan ang bagay na gusto nila kahit labag naman sa puso ko. Hindi naman ako nagsisi dahil nadaya ko pa rin naman sila ulit. Instead na si Antonette Reyman nag bride ko, sinagip ako ng substitute niyang 'di ko pa kilala ang identity niya.

Luminga-linga ako sa paligid sa pag-asang makikita ko ang inaasahan kong bisita, si Trinah, ang ex-wife ko. Sinumbong kasi sa akin ng kapatid kong si Nathan, ang tungkol sa bagong trabaho niya. Sigurado akong nandoon siya sa venue, kaya hinanap ng mata ko siya.

Wala ang presensya niya. Maging si Hailey na best man ko'y tumakas na rin pagkatapos ng seremonya sa simbahan. Wala akong ideya sa plano niya, ngunit nagtitiwala akong tinutulungan niya sa sekretong paraan.

Hindi namin naggawa ang wedding dance dahil nagreklamo ang bagong misis ko na masama ang pakiramdam niya. Naintindihan naman iyon ng bawat pamilyang naroroon dahil ang mahalaga naman sa kanila'y nakasal na ako sa babaeng gusto nila para sa mga negosyo nila.

Mag-isa kong binubuksan nag mga gifts ng mga ninong at ninang namin dahil hindi na bumalik ang asawa ko. Narinig ko na lang sa host ng seremonya na hindi pa raw siya gumagaling at aabot na lang daw siya sa takdang oras na flight to honeymoon namin.

Nagdududa na ako. I made an excuse sa seremonya para sa pagkukunwaring pupunta sa comfort room na ang totoo'y hahanapin ko lang ang substitute bride ko na nakamaskara.

Nakita ko siyang palipad sa hangin na tumatakbo palabas ng gate. Sumigaw ako ng, "Hey! Wait for me, asawa ko."





Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon