"Who is really Mr. Awman, in your past life, mom?" Diretsahang tanong ko sa kaniya.
"My past lover."
"Ama ko ba talaga siya?"
"Oo." Bumuntong-hininga muna siya at nagpatuloy na sinabing, "Teka, bakit mo ba natanong iyan? Nakausap mo na ba siya tungkol sa katauhan mo?"
Itinikom ko lang ang bibig ko sabay umirap, pahiwatig na ayaw ko nang magsalita, bagay na madaling naintindihan niya.
Nilapitan niya ako ulit sabay sabing, "Saan—"
Hindi niya naituloy dahil pinigilan ko siya kaagad. Pinabalik ko siya sa kaniyang kinauupuan at inulit kong muli ang pagtatanong sa kaniya.
"Mrs. Adamo, sagutin mo 'ko. Ama ko ba talaga siya?" Naging matalim na ang pagtitig ko sa kaniya at pati na rin ang pagsasalita.
"Oo. Oo," ganito pa rin ang sagot niya.
Nagalit na ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha kung bakit hindi pa rin niya amining nagsisinungaling siya o baka nagkamali lang talaga ako ng pinaniniwalaan.
Kinagat ko na ang aking labi dahil hindi ko mailabas ang galit sa loob ko. Kailangan kong magtimpi dahil nasa pamamahay niya ako.
Napansin niya ang biglaang pagbago ng kulay ng mukha ko. Kapag kasi hindi ko mailabas ang galit ko sa loob ay namumula ang pisngi ko at namumutla ang mga labi ko.
"Trinah, stop it. Ilabas mo iyan. Makikinig ako, iha, hah." Sa pagkakataong ito, hinayaan ko na siyang lapitan ako at i-komfort.
Dahil sa ayaw kong pagsalitaan nang masama ang ina ko, iniyak ko na lang sa harapan niya. Hinimas-himas ni ina ang likod ko at sinabi pa, "Sige na, Okay lang iyan, anak. Sorry na, pero totoo naman ang sinabi ko. Si Mr. Awman ang totoong ama mo."
"Sinungaling ka!" sigaw ko sa kaniya habang humihikbi.
Napatigil siya sa paghimas sa likod ko dahil reaksyon kong iyon.
"Bakit mo naman pinagdududahan ang mga sinabi ko sa 'yo. Iyon ang totoo, Trinah. Hindi ako nagsisinungaling," paliwanag pa niya.
Hinarap ko siya at tinitigan sa mata. Nawala ang galit ko nang maramdaman kong sincero siya sa kaniyang sinabi.
Talaga bang nagsasabi si ina ng totoo? Kung gano'n, baka hindi lang talaga ako matanggap ng mayaman kong ama dahil basura lang ako sa paningin niya.
Muling ibinaba ko ang aking tingin sa sahig at inilapat ang kanang kamay sa noo, saka pinikit ang mga mata para kalmahin ang sarili.
Sandali pa, narinig kong sinabi niya, "Saan siya? Kung gusto mo, ako ang kakausap sa kaniya. Sabihin mo lang ang eksaktong address niya, pupuntahan ko siya."
Lumuwag ang aking pakiramdam. Para akong batang napagbigyan ng isang ina. Muling naramdaman ko ang pagiging ina niya sa akin kahit na matagal na niya akong hindi sinusuportahan.
***
Habang namimili ako ng mga damit sa T-Mall kasama si Dahlia, may nakita akong isang berdeng bestida na sa tingin ko'y maganda at bagay na susuotin ko sa darating na kaarawan ni Ms. Jazmine. Sa ikalawang araw na gaganapin ang malaking event, pero medyo late na ako sa paghahanda dahil abala kami sa pagpaplano at pagse-setup sa okasyong iyon.
Nakatalaga ako sa dekorasyon at event ceremony flow na kaagad kong nagampanan naman. Ang susuotin ko na lang ang kulang talaga. Kaya, pinagbigyan ko ang aking sarili na mamili sa isang mamahaling mall. Infairness mukhang may pera ako. FYI nga pala, binigyan ako ni Ms. Jazmine ng pera pambili ng damit, kaya masuwerte ako sa part na ito.
Nang hablutin ko na sana ang puting bestida, biglang may kamay na umagaw nito sa akin. Dalawa na kaming may gusto sa disenyong iyon.
"Ako ang nauna, miss—" ani ko, sabay sulyap kung sinong kamay ang kaagaw ko sa damit na iyon.
"T-Trinah?" sabi niya.
"A-Antonette?" pagtatawag ko naman sa kaniya.
Nagkatitigan kaming dalawa. Matagal na rin kaming hindi nagkikita. Kaya, medyo naiilang na sa isa't- isa. Ngunit, ganoon pa rin ang ugali niya patungkol sa akin. Mahirap pa rin siyang pakitunguhan.
"Anong nauna? Kanina ko pa iyan tinititigan dahil gusto kong kunin. Lumingon lang ako saglit sa may men's wardrobe para mamili ng suit ni Andrew. Pagbalik ko, inangkin mo na? Bakit, may pambayad ka?"
"Oo," maikling sagot ko sabay hablot ng puting bestida sa nilalagyan nito at akmang lalakad patalikod sa kaniya.
Mabilis niyang sinakmal ang balikat ko na ramdam kong malakas na pagpipigil niya sa akin. Iniunat ko ang mga braso ko muna bago siya tinitigan nang matalim.
"Ano bang problema mo, Antonette. Hanggang ngayon ba ay nakikipagkumpetensya ka pa rin sa akin? Nasa 'yo na si Andrew 'di ba, kahit mahal ko pa? Ano pa bang gusto mo sa akin?"
May kaunting emosyonal ang pagkakasalita kong iyon na sa hindi ko namalayang may ibang tao pa palang nakakarinig sa pagbubunyag kong iyon. Si Andrew, na kita ko na kakarating na pumosisyon sa likuran ni Antonette, ay nabigla sa mga sinabi kong napipilitan lang pala akong pakawalan siya.
Walang malay si Antonette na nandoon ang kaniyang fiancée sa likuran niya habang patuloy pa siyang nakikipagtalo sa akin.
"Ay gano'n. Ang akala ko, patay na siya sa puso mo, pero hanggang ngayon pala umaasa ka pang babalik siya sa 'yo. Ang kapal din ng mukha mo no? Pagkatapos mo na siyang pinagtaksilan at pina-angkin na anak niya iyang anak mo sa iba, gusto mo pang kunin lahat ng kayamanan niya? Hoy, babae, mahiya ka naman kahit kaunti man lang!"
Tinawanan ko siya. Ang ganda niyang tingnan kapag nagagalit nang walang pakialam lang sa kaniyang paligid. Gusto ko pa siyang inisin pa habang nanonood ang fiancee niya. Kaya, mas tinodo ko pa ang pang-aasar sa kaniya.
"At bakit ka tumawa? Nababaliw ka na ba?" naiinis na wika niya.
"Bakit ako tumawa?" Tinuro ko ang aking sarili at patuloy pang nagsalita nang nakangiti, "Oo, baliw na ako. Baliw na baliw kay Andrew mula noon hanggang magpakailanpaman. Period."
Tumalikod akong muli at napangiti pa dahil ramdam kong umuusok na ang tainga niya sa sobrang inis sa akin.
Nakailang hakbang na ako bago niya naisipang habulin ako. Hindi kasi siya makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla sa mga salitang binitawan ko.
Akalain mo, sinabi kong baliw na baliw ako kay Andrew noon at magpakailanman. Ah iyon, nangingimi siya sa sobrang galit.
Binato niya ako ng isang pares na suot niyang sandalyas nang malakas dulot ng hindi na niya ako mahabol. Sa kasamaang palad, natamaan ang likod ko dahil nakasentro ang katawan ko sa sighting niya.
Nakaramdam ako ng sakit pero binalewala ko lang. Hindi pa siya nakuntento dahil hindi ako tumigil sa paglalakad, inakma pa niyang batuhin muli ako sa isa pang pares ng sandalyas niya nang biglang pinigilan siya ng isang lalaki sa likuran niya.
"Stop it, Antonette," wika ng lalaki.
"Why?" pasigaw na sagot ni Antonette nang sa mga sandaling iyon ay napasulyap na siya sa lalaki at nakilalang si Andrew pala iyon.
"Sinisigawan mo 'ko?" mataray na pagkasabi ni Andrew habang nakalapat ang dalawang kamay sa kaniyang beywang.
"A-a... Nandiyan ka pala, love," sagot ni Antonette na may halong ngiti sa kaniyang labi.
Sinubukan niyang lambingin si Andrew, subalit hindi siya pinansin nito. Patuloy lang ang pagtaas ng kilay ng lalaki.
"May sasabihin ka pa, Antonette? Makikinig ako."
"A-aaa, wala na. Kanina ka pa ba riyan?"
"Malamang. Ano sa tingin mo? Dinig ko lahat ng sinabi mo kay Trinah. Kaya, huwag ka nang mag-deny diyan."
Kasabay ng huling pangungusap ni Andrew ang pagwalk-out niya. Walang maggawa ang babae kundi tumayo na lang na May panghihinayang sa sarili.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...