Chapter 53: Si Richard at Ang bata

1 0 0
                                    

Andrew's POV

Nakatulala lang ako katapat ang mga makukulay na bulaklak sa hardin. Nakikita ko kasi sa gitna roon ang mukha ni Trinah, na nagdidilig ng mga halamang inaalagaan niya noong kasama ko pa siya sa bahay.

Bigla akong sinindak ng isang lalaking miss na miss ko nang makakuwentuhan. Natigil tuloy ang pagmuni-muni ko.

"Hoy! Napakaseryoso mo naman diyan. Tagay muna tayo para mahimasmasan ka," pag-aalok niya, sabay abot ng isang basong wine na hindi naman nakalalasing.

Isinubo ko ang basong iyon sa bibig ko at inubos ang laman nito, saka nalasahan ang kakaibang klaseng inumin na ito.

"Aaah, hindi ka pa rin nagbabago, Richard. Mahilig ka pa rin sa non-alcoholic drinks."

Ngumiti siya sabay upo sa itaas ng mesa kaharap ko. Ang mga ngiti niya ay may halong pangangantiyaw sa naging mood ko sa umagang iyon.

Si Richard nga pala ay pinsan ko, na naging kababata ko rin, ngunit nagkalayo lang kami nang dinala siya ng kaniyang ama sa U.S para roon mag-aral. Nagkahiwalay kasi ang mga parents niya bata pa lang siya dahil sa naghanap ng ibang lalaki ang kaniyang ina.

Dumalaw siya sa akin para dumalo sa aking nalalapit na kasal. Siya kasi ang napili kong best man dahil hindi na puwede si Hailey, dahil sa kaniyang naggawang kasalanan noon sa last wedding ko na nasira dahil sa isang trahedya na kasangkot si Trinah at Hailey.

Relihiyoso si Richard, kaya ayaw niyang uminom ng nakalalasing na inumin. At, sanay na ako sa kaniya kapag magkasama kami.

Tinitigan niya ako sa mata, bagay na kinaiiritahan ko dahil sa hindi ako komportableng tahimik lang din siya na nagmamasid sa akin. Kaya, sinita ko na siya.

"Ano ba, Richard. Sumasabay ka na naman sa pagiging silent mode ko," sabi ko, sabay sampal nang mahina sa mukha niya.

"Aray, grabe ka naman. 'Di ba puwedeng tingnan ka sa mukha? Ang laki na kaya nang pinagbago mo!"

Inirapan ko lang siya gamit ang mabibilog kong mga mata. Hindi naman siya naghiganti, bagkus, binigyan pa ulit ako ng panibagong baso ng wine. Ininom ko naman iyon lahat bilang pagrespeto sa kaniya.

***

Napadaan ako sa isang restaurant at nakita ko sa isang sulok sa loob ng transparent glasses si Antonette, na may kausap na magandang dilag. Kilala ko ang mukhang iyon. Siya ay si Ms. Jazmine, ang anak ni Mr. Awman, na isa sa pinakamayamang tao ng lungsod.

Nakita ako ni Antonette na nakatanaw sa kanila sa labas ng building. Akmang tatayo na siya para puntahan ako, nang tumakbo ako nang mabilis at nagtago sa nakaparadang itim na sasakyan. Sinulyapan ko ulit sila, subalit pareho na silang nawala sa paningin ko.

Bumalik ako sa dinaanan ko at pumasok sa aking kotse. Paaandarin ko na sana ang makina niyon, nang biglang sumulpot ang ulo ni Antonette sa harapan ko.

"Haay! Antonette, kanina ka pa ba riyan?" Hindi pa kumalma ang mga pulso ko sa biglaang pagbilis ng pintig nito.

"Hmm... Ngayon lang. Bakit, may tinatago ka ba sa akin, hah?" pagtatanong niya, sabay inilapat ang kaniyang dalawang kamay sa mga braso ko.

Hindi ako komportable na humawak siya sa anumang parte ng katawan ko. Kaya, iwinaksi ko ang mga kamay niya.

"Aaa...w-wala. Kakain sana ako sa loob, kaso... medyo puno na eh."

"Gano'n ba? Marami pa namang available na tables sa VIP. Puwede ka naman do'n. Bakit, sinusundan mo ba ako?"

"Ahm... H-hindi ah!" Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya. Nahahalata na niya yata ang pagiging utal ko. Medyo nahihirapan akong magdahilan sa kaniya.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko si Antonette ay kinakabahan ako?

Para bagang may pakiramdam akong kakaiba o may masamang ginagawa siya nang patago sa akin. Iyon ang dapat kong alamin.

***

Tinawagan ko si Richard sa numero niya para magpasama sana sa kaniya na mag-shopping sa mall. Madalas na kasi akong abala sa trabaho at hindi ko na napapansin na ang mga damit ko na sinusuot araw-araw ay halos luma na. Lalung-lalo na, kailangan ko ng maraming bagong suit para sa tatlong araw na conference sa Baguio City.

Nagring ang kaniyang phone nang apat na segundo bago niya dinampot ang tawag ko.

"Drew, what's up? I'm busy now. May kinakaabalahan lang."

Dinig ko ang boses ng bata na tumatawa habang inaaliw niya.

"Hm, kailan ka pa nahilig sa bata, chard?"

Ang halakhak niya'y tumataginting sa aking tainga bago sumagot ng, "Ngayon lang. May binili kasi ang mama niya sandali sa convenience store. Kaya, ako muna ang nagbabantay sa kaniya. Ang cute ng bata, Drew. Parang kamukha mo."

"Hah? Kahit anu-ano na lang ang makikita mo'y tingin mong kamukha ko. Baliw!"

"Haha. By the way, anong pakay mo?"

Bumuntong- hininga muna ako upang humugot ng panibagong oxygen na makatutulong sa kalmadong pagsasalita.

"The thing is that, shopping tayo?"

"Hay naku! Mas uunahin ko pang magbantay ng batang 'to kaysa sumama sa iyo. Ang boring mo kayang kasama kapag mag-shopping."

Tumawa na naman siya ulit. Hindi pa rin tumitigil sa pangangantiyaw sa akin.

Ibinaba ko ang phone ko at pinindot ang end call. Ni-locate ko kung nasaan siya sa mga oras na iyon gamit ang g-mail niyang nakarehistro sa phone ko. Sa tulong ng kaalaman ko sa pagtrack ng device niya, nahanap ko ang eksaktong lokasyon niya.

Malapit lang pala siya sa pinarada kong kotse. Doon sa kabilang kanto, ay may makikitang malaking convenience store, kung saan ang katapat nito ay ang coffee shop na madalas kong pinupuntahan.

Pinaandar ko ang makina ng kotse ko, saka minaneho ang manibela nito. Naabutan ko siyang nakaupo sa bench, sa labas lang ng convenience store karga ang labing-isang buwang sanggol. Inaaliw niya ito gaya ng narinig kong hagikhikan nila kanina on phone.

Bumaba ako ng kotse at nilapitan sila. Nakatalikod si Richard, kaya, perfect timing para gulatin ko siya.

"Waah!" Napaigtad siya at muntikang mabitawan ang batang nakaupo sa paa niya.

"God sake, Andrew. Anong nakain mo para gulatin ako nang ganito?" ang naging eaksyon niya. Nerbyoso pala si Richard, kaya, malimit lang akong magsurpresa sa kaniya.

Tinawanan ko siya nang malakas sabay kantiyaw na isa na siyang ama dahil nagbabantay na siya ng hindi niya anak.

"Tama na nga sa kakatawa, Andrew."

"Oo na," wika ko. Tumigil na ako sa kakatawa at hindi ko pa rin maggawang tingnan nang maayos ang mukha ng bata dahil nakatuon lang ang mga mata ko kay Richard.

"Teka, saan na ba ang ina niyan? Hindi pa ba tapos mamili ng kailangan niya?"

Umiling lang si Richard. Halata namang wala pa ang ina ng bata dahil nasa kaniya pa rin ito. Subalit, bakit ganoon katagal ang babaeng iyon?

Ilang segundo pa nang ibinaba ko ang aking tingin sa lupa, may narinig akong boses babae na tumatawag palabas ng pinto ng convenience store.

"Richaaard," pasigaw na tinawag si Richard ng babae.

Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Kilala ko iyon, ah. Kilalang-kilala ko. Huwag naman sana.

"Ay ito na pala siya, Andrew," wika ng kaibigan ko sabay tumayo para lapitan ang babae.

Natulala lang ako sa lupa saglit at kumurap ng isang beses bago ko itinaas ang tingin sa kanila. Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ako'y wari nakukuryente na sa kinatatayuan. Hindi ko maggawang gumalaw ni magsalita man ng isang salita.

Nag-abot ang mga mata namin. Kilala ako ng babae at kilala ko rin siya. Hindi ko lang inaasahang pati ang kaibigan ko ay nagkataon na nakilala niya.

Coincidence lang ba o sinasadya niya?

Anong sasabihin ko sa kaniya o ano ang aaminin ko kay Richard?










Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon