Andrew's POV
Hindi nagbago ang aking pagtingin kay Trinah nang makita ko siya, kahit ang suot niyang gown ay medyo luma na. Maganda kasi pa rin siyang tingnan sa simpleng aura niya.
Sinubukan kong lapitan siya upang tulungan siyang patahanin ang anak namin, subalit pinigilan ako ni Antonette. Ang sabi niya, "Huwag ngayon Andrew, nakakahiya sa mga bisita ni Jazmine."
Matagal ng magkaibigan si Jazmine at Antonette. Simula high school hanggang college ay magkasama na silang lumalaki at nag-aaral sa iisang unibersidad. Kaya, nirerespeto ko ang mahalagang okasyon ng kaibigan niya.
Nilunok ko na lang ng laway ang nararamdaman kong awa sa mahal ko dahil hindi ko siya maggawang alalayan o matulungan.
Nakita kong lumapit sa kaniya si Richard, ang best friend ko. Nabuhayan ako ng loob na sa kabila ng kakulangan ko sa mag-ina ko ay napunan iyon ng kaibigan ko. Nakatanaw lang ako sa kanila habang naaaliw sa ngiti at halakhak ng anak ko.
"Anak, ako sana ang aaliw sa 'yo ng gan'yan," sabi ko sa sarili ko.
Masakit sa loob kong hindi man lang mahawakan ang anak ko. Hindi kasi puwedeng magpaka-ama ako sa pagkakataong iyon dahil mawawalan ako ng mana o karapatan sa pamilya ko. Paano na lang ang kinabukasan ng anak ko?
Nang mapansin kong nawala saglit si Trinah at ang tanging naiwan kay Fin ay si Richard, ay kaagad akong sinenyasan ng kaibigan ko na sundan ko siya.
By the way, nabanggit ko na kay Richard ang tungkol kay Fin; na anak ko siya. Nasabi ko rin sa kaniya ang mga dahilan ko. Kaya, pinakiusapan ko siyang siya muna ang magbabantay sa anak habang hindi ko pa kayang gampanan ang pagiging ama ko sa bata.
It just happened na nakikiliti na pala si Gin dahil tumatae siya sa diaper niya. Ang sama talaga ni Richard sa akin. Ako pa talaga ang pinalinis niya. Buti na lang may wipes akong dala pero wala akong diaper na pampalit sa kaniya.
Bahala na. Kakayanin ko 'to!
Pinasyal ko si Fin sa May food stand kung saan nandoon lahat ng mga pagkain at inumin. Pinakain ko siya ng mga light foods na puwede sa kaniya at sakto lang sa dami ng makakaya niya. Naaliw ako sa pagiging "harakab" niya o matakaw sa mga prutas na na sa pagkaalam ko'y may pinagmanahan talaga.
Sa gitna ng pagsasaya ko kasama si Fin, may biglang kumurot sa tagiliran ko mula sa likuran ko. Napalingon ako para tingnan kung sino ang gumawa noon.
Nasambit ko ang pangalang, "Trinah," sa pag-aakala kong siya nga ang gumambala sa pag-aaliw ko kay Fin. Subalit, ang bumungad sa akin ay ang mga salitang hindi ko nagustuhan at nagdulot pa ng malaking gulo sa okasyong iyon.
"What did you say?" Natahimik ako nang maramdaman ko ang guilt sa puso ko.
"You called me, Trinah, right?" ang kasunod na tanong ni Antonette na ang mga dalawang kamay niya ay nakalapat na sa kaniyang beywang.
"A-ahm, s-sorry. Akala ko kukunin na ni Trinah ang anak namin, kaya—"
"W-wait, anong sabi mo? Anak niyo ni Trinah? So it means tinatanggap mo pa rin na ama ka ng batang iyan? Oh, come on, Andrew..."
Sasagutin ko pa sana siya at aaminin sa kaniyang totoong anak ko si Fin, ngunit dumating si Jazmine na nakangiting lumapit kay Antonette.
"What's that face, Tonet? Sino bang kaaway mo?" tanong ng birthday celebrant na noo'y hindi na naghintay pa na sumagot ang kaibigan niya dahil nakita niya kaagad akong may hawak na paslit.
Tumawa siya. Kinantyawan niya si Antonette sa harapan ko. Mas nairita ang fiancee ko sa kaniya dahil hindi man lang siya pinaglaban ng kaibigan niya.
"Tama na, Tonet. We all know naman na napamahal na rin si Andrew sa anak ng ex-wife niya. Kaya, huwag ka nang magselos. Sige ka, mas lalong papangit ka niyan. Malapit pa naman na ang kasal mo."
"Kasal? Sinong ikakasal?" sabat ni Mr. Awman na kakarating lang kasama ang kaniyang lalaking kaibigang pamilyar sa akin.
Ibinaling ni Jazmine ang kaniyang atensyon sa pagdating ng kaniyang ama. Nagbatian sila sa isa't-isa maliban sa akin.
"Dad, you're here," magiliw na sinabi ni Jazmine.
"Well, I just wanna check my lovely daughter's doing somewhere. Mahirap na baka may biglang kikidnap sa 'yo, malapit pa naman tayo sa mga kalaban natin." Sa pagsasalita niyang ito, halata ko na sa akin niya pinatungkol iyon dahil sinulyapan niya ako ng isang matalas na tingin.
"Dad," pag-aangal ni Jazmine na kaagad namang iniwasan ni Mr. Awman na dagdagan pa ang kaniyang parinig.
Tinapik ang balikat niya ng kaniyang ama bilang pagpipigil sa kaniyang magsalita pa, saka tumalikod at nagsimulang humakbang nang dahan-dahan. Sumunod lang sa kaniya ang kaniyang kasamahan.
Napahinto siya sa paglalakad nang nakita niyang mabilis na pumaripas si Trinah palapit sa akin. Nagulat ako sa biglaang pag-aagaw niya sa anak ko nang hindi ko inaasahan.
"What the hell are you doing, Andrew? Pinag-alala mo 'ko sa anak ko!" singhal niya sa akin na rinig ko pang hingal niya dahil siguro sa paghahanap sa anak namin.
"Trinah, I'm sorry. Gusto ko lang siyang makasama kahit sa kaunting oras lang."
Walang kibo lang si Antonette habang nakikinig sa usapan namin ni Trinah. Kita ko pa ang ngiting mala-demonyo sa kaniyang mga labi na parehong nakaangat kasabay ang kaniyang mga kilay. Akala niya siguro ay mag-aaway na kami ni Trinah nang labis sa situwasyong ito.
"Wala kang karapatang kunin basta-basta ang anak ko nang walang pahintulot galing sa akin. Alam mo bang siya na lang ang may'ron ako ngayon?" Naging emosyonal na siya na binalewala lang ng mga taong nakapalibot sa amin.
Magpapatuloy na sana si Mr. Awman sa kaniyang paglalakad at sasama na sana si Antonette kay Jazmine para bumalik sa party nang ginulantang ko sila sa katotohanang magsisimula ng kaguluhan.
At sinagot ko siya nang malakas, "Anak ko rin siya, Trinah!" Ang lahat ng naroroon ay napaharap sa aming dalawa.
"Ako ang ama ni Fin, pero bakit mo siya ipinagkakait sa akin?"
Natahimik si Trinah. Luminga-linga siya sa paligid at nang makita niya si Dahlia ay nabuhayan siya ng loob. Iwinaksi niya ang kahihiyan at isinampal sa akin ang mga katotohanang mahirap tanggapin hanggang sa pagkakataong iyon.
"Oo, ikaw nga ang tunay na ama ni Fin, pero sa maling paraan. Ginahasa mo ako at binuhay mo sa miserableng katayuan. Naniwala sa kasinungalingan at napahiya sa karamihan. Ngayon, sino ka para magpaka-ama sa anak ko?" matapang niyang sabi.
Akmang tatalikod na siya nang biglang sinunggaban ako ng suntok ni Mr. Awman. Hindi ako nakadepensa sa sarili ko dahil napakabilis ng kilos niya. Ang mga kamao niya'y masakit na tumama sa pisngi ko at ilong.
Walang nakialam sa amin. Tumigil lang siya sa pagsuntok nang pagpahid ko sa ilong ko'y dugo na ang minarka sa mga daliri ko. Nakita niya iyon, subalit bakas sa kaniyang mga mata ang galit na hindi ko malaman kung bakit gayong tahimik lang siya.
"Mr. Awman..." wika ko sa mahinang boses, dama ang sakit sa pagkakasuntok niya.
"Mr. Awman," kasunod na winika ni Trinah, na noo'y nabigla sa ikinilos ng mayamang personalidad.
"Hayop ka! Pamilyang kriminal talaga kayo. Akala ko iba ka, pero pareho lang pala kayo ng lolo mo, ng ama mo, at ng buong angkan mo! Mga masamang tao!"
"Dad," pagpipigil sa kaniya ni Jazmine na noo'y nagsimula nang umiyak sa likuran niya.
Hinawakan niyang mariin ang mga braso ng kaniyang ama para mapigilan ito. Ang mga bisita kasi niya ang halos nakapalibot nang nanonood sa eksena naming iyon.
"Jazmine, pasensya ka na anak dahil nasira ko ang mahalagang araw mo. Pero, talagang hindi puwedeng palalampasin ko lang ito."
"Dad, it's okay, but could you tell me what's the problem between you and Andrew?"
"Later anak. I need to tell this man lang naman na walang Awman na sinasaktan o inaapi ng sinuman."
"What do you mean, Mr. Awman? Hindi ko alam ang sinasabi mo? Hindi kita sinaktan o si Jazmine man," pag-aangal ko sa kaniya.
"Use your common sense, man. The next time I see you, sa kulungan na ang bagsak mo!"
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...