Chapter 26: Ang pagtataboy ni Andrew Kay Trinah

4 0 0
                                    

Panay sunod ako kay Andrew dahil sa hindi niya ako inatubiling pansinin. Dedma lang ako lagi at walang kibo.lang siya sa tuwing tinatanong ko siya. Ilang araw along naging sunod-sunuran sa kaniya. Sa pagpunta sa office niya, sa pagdala ng baon niya, at pinadeliveran ko siya ng flowers and chocolates baka sakaling mapabago ko ang isipan niya. Tumagal iyon ng apat na araw.


  


Nasaktan ako, nanlumo, at nanlupaypay sa hindi niya pagpapahalaga na sa akin. Hanggang sa nainip na ako. Kaya, itinuon ko na lang ang sarili sa business ko. Nalibang na sana ako sa aking pinagkakaabalahan nang may dumating na balita mula kay Dahlia.


  


"Trinah, may problema tayo," ani niya.


  


Mabilis ang naging paggalaw ng katawan at isip ko sa narinig kong pangungusap na iyon mula sa kaniyang bibig na para bang nararamdaman kong may kakaibang nangyayari sa paligid ko.


  


"Ano iyon?" usisa ko.


  


Rinig ko ang malakas na kabog ng puso at bilis ng pintig ng pulso ng kaibigan ko. Siya ang naging assistant ko sa mga negosyo ko. Kaya, siya ang unang nakakaalam lahat ng incoming dangers bago iyon pinasa sa akin through e-mail or verbal.


  


"Get and read this documents," pag-uutos ng kaibigan ko sa akin na kunin ang folder niyang dala.


  


Binasa ko lahat ng statements doon. Nalilito ako sa mga nakasaad na mga pangungusap na ang ibig sabihin ay ibinenta no Andrew ang lahat ng negosyong pinaghirapan ko sa ama niyang may-ari ng malaking kumpanya ng bansa. Nabigla ako sa agarang desisyon na iyon ng asawa ko na sa kabilang hindi niya pagpansin sa akin ay may palihim pala siyang kinukuha sa akin. Ang mga gusaling pinatayo ko ay nakapangalan sa akin bilang tagapagtakbo ng negosyo nito, subalit ang buong consent o may-ari nito ay si Andrew. Besides, siya lang naman ang nagraise ng fund nito.


  


Masakit man sa damdamin dahil hindi ko naggawang ipagtanggol ang pinamumunuan kong mga negosyo, ngunit pinal na ang kasunduang nababasa ko at dahil iyon sa pirma ni Andrew. Sa hindi ko makayanang emosyon, natapon ko ang dokumentong iyon at tarantang umupo sa may upuan. Pinulot iyon ni Dahlia kasabay ng pag-alalay niya sa akin.


  


Nang mahimasmasan na ay isinama ko ang assistant ko papunta sa bahay. Day-off kasi iyon ng asawa ko, kaya alam kong nandoon lang siya at baka hinihintay lang akong makauwi.


  


Habang nasa biyahe kami, bigla akong nabahala sa daang pupuntahan ko. Labinlimang minuto lang naman ang tagal nang takbo ng sasakyan bago nakarating sa aking destinasyon. Pagkakita ko sa labasan ng bahay, tahimik iyon at nakasimangot ang mga guwardiyang nakatalaga. Nagtaka ako siyempre dahil hindi nila ugali iyon sapagkat tinuruan ko silang ngumiti lagi kapag may sinumang darating sa harapan nila.


  


Binuksan nila ako at patuloy lang sa pag-alalang kibo. Hindi ko na sila narinig magsalita ng anumang pangungusap ni pagbati sa akin bioqng isa sa mga boss nila. Inirapan ko silanat dumiretso na sa pathway kung saan 'di ko kita ang door entrance ng bahay dahil sa nakaharang na malaking puno ng mangga na sa panahong iyon ay nakakaagaw pansin ang mga dilaw na bunga nito.


  


Nakatuon ang tingin ko sa tiles na sahig na dinadaanan namin ni Dahlia habang walang Malay sa susunod kong makita. Nabigla na lang ako nang nabangga na ang sapatos ko sa maletang paborito ko.


  


"Ano 'to?" biglang pagtatanong ko na lubhang naguguluhan kung bakit ang lahat ng gamit ko'y nasa labas ng bahay nakaparada.


  


Hindi pa nga tapos ang mga lalaking nakauniporme bilang bodyguards ng Mga Perrie ang paglalabas ng ilang mga gamit kong galing sa loob ng kuwarto ko. Walang ni isang sumagot sa tanong ko, sa halip ay tinitigan lang nila ako at patuloy sa paggawa. Inagaw ko sa dalawang lalaking bumuhat ng mga gamit ni baby Fin ang isang malaking bag.


  


"Hindi ni'yo puwedeng galawin ang mga gamit ko at ng anak ko nang walang pahintulot ko!" galit na sambit ko.


  


"Ma'am bitawan niyo po ang bag na iyan, may utos po sa aming bawalan ka pong humawak ng anumang bagay na pagmamay-ari mo noon," tugon sa akin ng isang lalaki na kaharap ko.


  


"How dare you to order me about that matter! Sigurado akong hindi si Andrew ang nag-utos sa inyo niyan. Kaya, walang ibang puwedeng sundin niyo sa pamamahay na ito kundi ako at may-ari lang ng bahay na ito."


  


Nagtinginan lang ang magkabilaang panig wari'y nag-uusap ang mga mata patungkol sa sinasabi ko. Nangunot ang mga noo ko nang may pagkabahala at nang susundan ko na sana ang aking pangungusap dahil sa biglaang pagtahimik ng mga kinakausap ko, dumating ang isang lalaking mahalaga sa akin.


  


He quickly shouted the words, "I'm the one who ordered them to move out your things from inside my house."


  


Nalilito ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa asawa ko na para bang nagbago bigla ang ihip ng hangin. Okay pa naman kami last days ni wala siyang nabanggit sa aking problema naming dalawa.


  


"Anong ibig sabihin ng mga sinasabi mo?" usisa ko, habang pilit na pinipigilang maiyak sa harapan niya.


  


"Wala ka ng lugar sa bahay na ito, Trinah. Binigay ko na sa 'yo ang lahat, kaya panahon na sigurong putulin ko ang pagtulong ko sa 'yo. Makakaalis ka na!"


  


"Ano? B-bakit?" Nagsimulang nanginginig na ang boses ko pati na rin ang mga tuhod ko'y nag v-vibrate na.


  


Hindi niya ipinaliwanag sa akin ang buong kuwento. Hinayaan niya akong magmukhang kaawa-awa na kahit isang gamit ko man lang ay hindi ko nadala sa pag-alis ko. Ang tanging dala ko lang ay ang anak ko na natutulog sa aking mga bisig habang nag-aantay ako Ng masasakyan sa may kalsada.


  


Kinuha ni Andrew ang kotse na pinaghirapan ko sa negosyong ininvest niya. Ang lahat ng mga nabigay ang naitulong niyang bagay ay binawi niya sa akin. Ang ATM cards ko ay pinablock niya at ang konting cash sa pitaka ko lang ang mayroon ako.


  


Sa aking paglalakbay, sa gabing madilim, na nag-iisip kung saan ako paroroon. Kung puwede nga lang sana humingi ng tulong sa pamilyang Adamo, subalit may kinakaharap silang problema against Perrie family at ayaw kong dagdagan ang alalahanin nila sa buhay. Wala akong naisipang puntahan dahil hindi na ako maaaring bumalik pa sa pinanggalingan ko. Giniba na kasi ang lumang bahay ng foster parents ko na tinitirhan ko noon at inangkin ng kapatid ng ina, kaya walang-wala na talaga ako.


  


Naawa ako sa anak ko. Umaambon ang kalangitan ngunit hindi pa ako nakapagpasya kung saan ako sisilong at magpalipas ng gabi. Habang tinitingnan ko ang phone gallery ko, aksidenteng napahinto ako nang makitang ISA sa mga caption ang mukha no Nathan. Siya ang naisip kong hingan ng tulong kahit para na lang sa anak ko.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon