Hindi ko na siya pinigilan dahil inunahan na niya akong sinabihan na, "Don't stop me. It's for you."
Namangha ako sa katapangan niyang gawin ang lahat para matulungan lang ako sa problema ko. Hindi ko akalaing totohanin na niyang pagiging isang husband mag-asawa namin na mananahan sa iisang kuwarto.
Nakatulala pa rin ako habang abala siya sa paglilipat ng mga gamit. Sinubok kong magbuhat ng mga magagaan na mga bagay subalit nagsabi siyang, "Ako na ang gagawa niyan. Magpahinga ka na lang doon sa kuwarto natin. Alam kong pagod na pagod ka na."
Sinunod ko siya at natulog sa master bedroom niya. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari basta't ang alam ko lang ay pagkagising ko sa umaga, nakaarrange na ang lahat ng gamit ko.
***Pagkapunta ko sa kusina ay kumain na ako kaagad dahil may naihain ng mga pagkain sa mesa. Malaki ang pinagbago ng asawa ko. Ang mga trabaho ko dati ay ginagawa na niya lahat. Naiisip ko na lang, concern ba siya sa akin o kapalit iyon ng paglimot ko sa kasalanan ng kaniyang kapatid?
Sa tuwing umuupo ako sa may hardin, naaalala konang mga efforts niya sa akin. Narealize kong simula pa noon ay iniingatan niya akong hindi mapahamak. Ang pagpayag lang niya sa kaniyang kapatid na tumira sa bahay ang tanging mali niya lang naggawa at pinagsisihan daw niya iyon. Humingi siya ng tawad sa akin sa ibinilin niyang sulat sa mesa kung saan ako kumain ng agahan. Natouch din ako sa sincerity niya dahil kahit papaano'y nagbago ang ugali niya at naging responsableng tao na.
Nagsimulang nahulog ang loob ko sa kaniya. Everytime na nakikita ko siya na umaalis ng bahay para magtrabaho ay namimiss ko na siya. Kapag oras na nang uwian niya sa trabaho ay nasasabik akong makita siya. Siyempre, hindi ako nagpapahalata sa kaniya, mainam na iyon para hindi kami magkahiyaan sa isat-isa.
Ngunit, isang araw nagpaalam siya sa akin na gagabihin daw siya sa pag-uwi dahil may dalawang meetings siyang dadaluhan na parehong mahaba ang time frame. Naisip ko, wala akong masyadong ehersisyo kung mannatili lang ako sa bahay. Kaya, sinundan ko siya papunta sa kumpanyang tinatrabahuan niya sakay ang nirentahan kong kotse.
Nagdisguise ako bilang isa sa mga client ng kumpanya para makapasok sa building. Madali lang naman ako nakapasok dahil magaling kaya akong mambola ng guard. Tanda ko pa nga ang bilin ng babaeng guwardiya sa akin na mag-ingat daw ako sa sahig dahil makintab daw at slippery. Nginitian ko lang siya at nagpasalamat sa paalalang iyon.
Nilibot ko ang one fourth ng building na napakalawak. Tumigil na ako sa kakaexplore nang maramdaman kong namamanhid na ang mga tuhod ko. Buntis nga pala ako, pero kung kumilos parang wala lang. Nagpasya akong puntahan ang floor kung saan nakahanay ang office ng Ceo. Dahan-dahang sumilip ako sa bintana kung ano ang ginagawa ni Andrew at doon ko nakitang abala siya sa computer works.
Binalak kong maglakad-lakad, paunti-unti, at maghanap ng canteen dahil kumakalam na ang tiyan ko. Humihingi na pala ng pagkain si baby pero wala akong baon. Sa pagmamadali kong makita ang room na iyon, nabangga ako sa isang tao. Bumagsak ako sa sahig at napasigaw ng, "Aaaah... my baby."
Dali-daling tinulungan akong tumayo ng babaeng nakabangga sa akin. When I looked at her and responded, 'Okay lang', napalisik ang mga mata ko at napatulala. Ang babaeng iyon ang suspetsa kong girlfriend ni Andrew or in other term kabet dahil kasal na pala siya sa akin. Tumalikod na kaagad ako dahil nahiya ako sa magandang babae at ayaw kong makita niya ang pagmumukha ko baka malay ko lang na kilala niya ako. By the way, may pantakip ako bibig na mask para makaiwas na rin sa mga sakit o germs kumbaga.
Ngunit, tinawag niya ako nang akmang hahakbang na ako.
"Miss, okay ka lang? Tama ba iyong narinig kong sinabi mong baby. Buntis ka ba?"pagtatanong niya sa akin.
Mas kinabahan pa ako sa mga usisa niya sa akin. Takot akong sagutin ang mga katanungan niya dahik nasa harapan lang namin ang pintuan ng office ni Andrew kung saan doon nag tungo ng babae. Ilang segundo pa'y narinig ko ang tik-tak na tunog ng sapatos na papalapit sa amin mula sa loob ng office. Ipinikit ko na lang ang aking mata nang nagsalita pa iyong, "Alice, bakit hindi ka pa pumasok?"
It was Andrew, na halatang buong-buo ang boses. Sa pagkatakot kong makita niya ako, tumakbo akong mabilis papunta sa elevator at 'di na nila ako sinundan. Sobrang hinihingal talaga ako noon na para bang malapit na akong maubusan ng enerhiya. Buti na lang talaga at aktibo ang mga cells ko at nakapagreact kaagad.
Habang hinihintay kong bumukas ang elevator, napaisip akong paano kaya kung tiktikan ko iyong dalawa sa labas para makita ang ginagawa nila. Curious kasi talaga ako kung gaano sila ka-sweet at binisita pa siya ng babaeng hindi naman empleyado roon. At ang nakakainis pa, ang ganda ng pangalan niya.
"Alice pala huh!"
Bumalik ako sa dinaanan ko. Humakbang ako nang nakasilent mode para hindi marinig ng nasa loob. Nakita ko roon sa bintana ng office ang masayang mukha ng dalawa. It was my first time seeing Andrew. na nakasmile nang todo at napahalakhak pa na para bang ginaganahan. Nagseselos na tuloy ako.
Gusto ko pa sanang pagmasdan ang dalawa sa kanilang kuwentuhan subalit may biglang dumating na babaeng marikit na mukhang mahalaga sa kumpanya dahil may mga empleyadong nakahanay pa sa kaniyang dinaanan at nilagyan siya ng ribon sa leeg. Naintriga ako kung sino iyon kaya roon ko ibinaling ang aking atensyon.
Nakihanay ako sa mga empleyadong nakasunod sa babae samantalang hindi ko pansin na nasa likuran ko lang din si Andrew. Hindi ko alam kung nakikilala niya ako kahit nakatalikod pero sa matalino niyang iyon siguro nga, namamataan na niya ako.
Mas dumami ang dumating na mga bigateng tao na humatid sa babae. Lahat sila pumasok sa isang room habang ako'y steady lang, nakahanay pa rin sa mga bantay na empleyado. Nanginig akong bigla nang dumaan sa harapan ko ang asawa ko. Sinulyapan niya ako nang saglit at 'di ako tumingin sa kaniya para hindi niya ako mahalata. Pumasok din siya sa loob ng room at sinarado na iyon pagkatapos.
Hindi na ako nakasaksi pa sa mga kaganapan sa loob dahil bawal pumasok ang 'di board member ng company. Buti kung nagsuot ako nang maayos at nag-ayos bilang si Amie, siguro'y makakapasok ako. Ang problema nga lang, baka magtaka si Andrew na nandoon ako. Kaya, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamasyal nang mag-isa sa plaza.
Habang kumakain ako ng street food at nanonood ng palabas sa plaza, may lalaking tumabi sa akin. Mukhang inosente naman at mabuting tao. Kaya, kumpyansa lang ako sa bag ko. Sobrang nalilibang ako sa circus at magic tricks na ipinalabas sa stage, kaya 'di ko na namalayang bukas na ang bag ko. Napansin ko na lang iyon nang nagdesisyon akong umuwi at dumukot na sana ng pitaka para magkuha ng pampamasahe ko sana.
Tinangay ng magnanakaw pati ang cellphone ko na lubhang mahalaga sa akin. Candy na lang at wipes ang natira sa bag ko. Ang iba'y ninakaw ng estrangherong tumabi sa akin. Wala namang perang naiwan sa akin kaya nagpasya akong maglakad na lang pauwi, ang kaso hindi ko kabisado ang daan.
Pumara ako ng sasakyan at nagsabi sa driver, "Manong, Andrew Perrie residence sa may Block 7 Dalandan lang po. Pasensya na po kayo pero kakapalan ko lang ang mukha ko. Ninakaw po kasi ang pitaka ko at cellphone, kaya puwede po bang sa bahay ko na lang kayo babayaran kapag naihatid niyo na po ako?"
At sumagot siyang, "Ay naku ineng, pasensya ka na. Ilang beses na din akong na-scam sa mga ganiyang mga dahilan. Maghanap ka na lang ng ibang masasakyan mo."
Nasaktan ako sa kawalang-awang tugon ng taxi driver sa akin. Napahikbi na lang ako at sinubukang makiusap sa ibang pampasaherong sasakyan. Napagod na lang ako sa kasusubok, hindi pa rin ako pinaniniwalaan ng mga driver. Uso kasi raw ang budol kaya binalewala lang nila ang pakiusap ko.
Lumipas ang ilang oras sa paglalakad ko, nakaabot ako sa isang madilim na lugar. Eksaktong blackout kasi sa lugar na iyon kaya walang liwanag akong nakikita. Papahakbang na sana ako nang may asong tumahol nang malakas sa harapan ko dahilan para tumakbo ako nang mabilis papalayo sa hayop na iyon. Hindi ko na inalintana ang pagod at gutom dahil sa takot na makagat ng aso.
Sa pagtigil ko, naaninag ko na ang liwanag malapit sa kinatatayuan ko. Ngunit, may biglang pumatak na tubig mula sa itaas. Simula na pala iyon nang pag-ulan. Wala akong masilungan sa lugar na iyon dahil pawang semento at closed buildings ang nakapalibot sa lugar. Hindi pamilyar sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Wala akong naggawa kundi patuloy na naglalakad kahit basang-basa na sa ulan at giniginaw. Maya-maya pa, may dumating na sasakyan.
Huminto iyon at bumaba ang isang tao na may dalang payong. Nahimatay na lang ako sa sobrang ginaw at pagkahilo sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...