Pagbaba ko sa kotse sa pag-alalay ni Mr. Awman, diretsong nakatutok ang mga mata ko sa mukha ng babaeng nasa harapan ko limang hakbang mula sa aking kinatatayuan. Ang ngiti ko'y mas lumaki pa nang makita siyang naroroon na dadalo rin sa kasal. Sa wakas, buo na rin ang aking pamilya. Magkita-kita na rin kami sa iisang okasyon.
Paglingon ko kay Mr. Awman, iba ang naging pinta ng kaniyang mukha. Hindi siya masayang makita si Mrs. Adamo. Ramdam kong may galit sa loob niya base sa titig ng mga mata niya kay ina. Baka, may hugot silang dalawa sa nakaraan nila.
Nilapitan ko si ina at nagsabing, "Mom, tanggap na niya ako." Masayang-masaya kong ibinalita iyon sa ina ko dahil matagal na rin niyang gustong mangyari iyon sa akin.
"Mukha nga," tugon ni ina na nakangiti lang sa akin at pasulyap siyang tumingn kay Mr. Awman.
Kita kong umiwas si ama sa mga mata niya. Hindi ko lang pinansin iyon dahil baka naiilang lang sila sa isa't-isa.
Ilang saglit pa, tinawag ako ng kapatid kong si Jazmine dahil may ipakisuyo raw siyang bagay na kunin sa kotse niya. Agad ko namang kinuha iyon at binigay sa kaniya.
"Salamat ate, pasok na ako," pamamaalam niya.
"Sige," tugon ko.
Lumingon ako at hinanap si Mr. Awman. Sabi kasi niya, sabay daw kaming papasok para maturuan ako sa plano namin. Kaya, talagang hinintay ko siyang dadaan doon pero hindi pa rin siya dumarating.
Bumaba na ako sa footsteps para hanapin siya. Naka-park naman ang kotse niya, kaya siguradong hindi siya umalis. Lingid sa kaalaman ko, kalaban niya nga pala ang pamilya ni Andrew, kaya napaisip akong baka hindi siya tutuloy sa pagdalo.
Pero, pinangako niya kay Jazmine, na dadalo siya para may kasama ako at para tuparin ang mga plano namin sa pagpigil sa kasal nina Andrew at Antonette. Ngunit, malapit nang magsimula ang seremonya, hindi ko pa rin siya nakikita. Niloloko lang ba nila ako?
Sa likod ng asul na kotse, sa gilid ng simbahan, nakita ko ang nakaangat na buhok na duda ko'y hairdo iyon ni Mrs. Adamo. Lumapit ako kaunti para maaninagan ko kung siya ba talaga iyon.
Nakumpirma kong ina ko talaga ang nando'n pero parang may kausap yata siya. Mas nilapitan ko pa sila at tiningnan na rin baka kilala ko ang kausap niya.
"Tigilan mo na ang pagkukunwari mo sa anak ko, Ed," malinaw na rinig ko, ang tono ni ina ay parang nakikipag-away.
Sino si Ed?
"Mali ka nang akala Abby. Totoong gusto kong bumawi sa kaniya," sagot ng lalaki.
Sinulyapan ko ng kaunti at nagtago ako nang maayos sa gilid ng kotse para tingnan lang ang lalaking iyon. Tama! Si Mr. Awman nga ang kausap ni ina.
"Alam naman nating ginamit mo lang siya 'di ba, para maghiganti sa kalaban mo, na iyon ang pamilyang Perrie? Binabalaan kita, huwag mong idamay ang anak natin sa galit mo sa pamilyang iyon!"
"Iyon talaga ang essence ng pamilya Abby, eh. Ikaw ang nagdala kay Trinah sa akin. Kaya, gagamitin ko ang pag-ibig niya sa anak ng kriminal na iyon para tuluyang babagsak ang kalaban ko. Tapos nang nagdusa ang pamilya ko sa kasalanang 'di namin ginawa, kaya ngayon, maniningil ako!"
"Ed, huwag. Please?" Pasigaw na pakiusap ni ina kay Mr. Awman, na tumatakbong patalikod sa kaniya.
Tumayo ako at lumantad na sa aking pinagtataguan. Natulala ako sa narinig ko. Hindi ko halos maihakbang ang mga paa ko sa labis na panginginig nito. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko.
Mahina pa nang una, pero nang inalala kong masayang yakapan namin kanina, mas tumindi ang aking paghikbi. Nasira na tuloy ang pulbura at makeup ko sa mukha.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...