Andrew's POV
Isinuot ko na ang mabangong toxido ko na gawa pa mula sa Germany ng isa sa pinakasikat na designer. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, inayos ko ang buhok ko, at saglit pa'y ipinikit ang mga mata para hanapin ang kapayapaan sa sarili.
Mabigat sa loob kong magpakasal sa isang taong hindi ko mahal. Wala na akong choice dahil ito na ang ikalawang pagkakataon na binigay sa akin ng pamilya ko para tuluyang isalba ang negosyo namin.
Nakagayak na ako, pati na rin ang bride ko na nasa kabilang silid lang katapat ng sa akin. Nauna na akong pumunta sa simbahan para roon hintayin ang bride ko para sa isang seremonya na gaganapin sa eksaktong alas dyes ng umaga. Labinlimang minuto na lang ang natitira para sa aming paghahanda.
Katabi ko si Richard, ang best man ko, na nakatayo isang hakbang mula sa akin. Nginitian niya ako at gano'n din ako sa kaniya, saka bumulong siya sa akin.
"Pare, sigurado ka na ba rito?" Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon.
"Puwede naman akong humalili riyan sa posisyon mo," pabirong sabi niya sabay ngiti sa akin.
Napangiti na rin ako sa simpleng patutsada niya. Alam ko namang matagal na niyang gusto si Antonette na maging jowa. High school pa lang kami non'g sinabi niya sa 'kin ang tungkol sa best crush niya, at iyon ay ang bride ko ngayon. Sinubukan niyang magcomfront ng feelings niya kay Antonette, subalit binigyan lang siya ng mga pagsubok muna.
Nagkaroon sila ng ligawan. Binigyan siya ng chance ng babae kahit alam kong ako ang gusto nito. Naudlot lang naman ang panliligaw niya noong dinala siya ng kaniyang ama sa States para roon tumira at mag-aral.
At ngayon, ramdam kong nasasaktan ang kaibigan ko dahil papakasalan ko na ang taong pinangarap niyang ihatid sa altar. Ang pinakasaklap pa, siya pa ang best man ko. Wala akong magagawa dahil iyon ang gusto niya. Kaya, pinagbigyan ko na lang siya.
Iniangat ko ang aking mukha at lumingon na ako sa daanan ng bride kahit hindi ako gaanong may kasabikan na makita siyang nakasuot ng puting damit pangkasal.
Nakapokus na sana ako kaso kinalabit na naman ng katabi ko ang aking beywang.
"Ay, ano na naman, Chard?"
"Pare, pa'no iyong honeymoon niyo after this? Makakayanan mo bang iwasan siya?"
"Oo, kung puwede. Chard, no matter what happens, si Trinah, lang ang mahal ko. Kaya, hindi ako puwedeng makuha ng iba," tugon ko sa kaniya.
"Good. That's my boy," ani niya.
Pagkatapos ay nagngitian kaming dalawa. Sinita ako ng papa ko na nakaupo lang malapit sa kinatatayuan ko.
"Son, stop talking na. Magsisimula na ang kasal mo!"
Nakinig ako sa kaniya. Habang pinatutugtog ang kantang panimula, nakita kong nagmamadaling pumasok ang isang lalaking pilit na pinipigilan ng isa sa mga guards namin na huwag dumalo sa okasyon kong iyon.
Sinenyasan ko ang bantay na hayaan lang siya dahil nasisiyahan ako sa presensya niya. At least gumaan ang loob ko pagkakita sa kapatid kong walang takot na sinugod ang reception kahit na may humadlang sa kaniya.
Kinawayan lang niya ako at nagpatuloy lang ang pagtugtog ng kanta ng musiko. Hindi ko mapigilang ngumiti sa nakita ko. Mahal pa rin ako ng kapatid ko.
***
Natapos ang kasal nang mapayapa. Inihatid na kami ng mga parents namin ni Antonette sa airport para sa aming departure papuntang Korea. Sa bansang ito itinakda ng aming mga pamilya para sa aming honeymoon week.
Honeymoon nga ba?
Sa panaginip lang siguro nila iyon!
Naghintay ako ng ilang minuto para sa isang tao na inaasahan kong dumating. Sana nga dumating siya. Sana nga may oras pa para pigilan niya akong lumipad papuntang Korea.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...