Chapter 45: soon to be partner

1 1 0
                                    

Trinah's POV

Umuwi akong durog ang gising na gising kong puso dahil mas pinili ni Andrew makasama ang babaeng karibal ko. Si Antonette lang naman ang isinama niya sa kaniyang bahay. Kaya, ako na lang muna ang dumistansya sa kanila.

Pagkarating ko sa bahay, nakita kong nakatayo sa labas ng condominium si Dahlia na karga pa si Fin, ang anak kong naiinip na sa kakahintay sa akin. Umiiyak ang bata, kaya kinuha ko na siya kaagad mula sa kaibigan ko at binuhat sabay tanong na rin kay Dahlia sa nangyari.

"Anong ginagawa ba ninyo rito sa labas, Dahlia?" Tahimik lang siya at nakaturo ang direksyon ng mga mata niya sa kasama kong si Hailey.

"Ahm, anong tinginan ba iyan? Makapasok na nga para makapag-usap kayong dalawa—"

"Trinah, No!" magkasabay nilang bigkas.

"Oy, nahihiya sila sa isa't-isa," pagbibiro ko pa.

"Trinah, hindi... Eh kasi—" magkasabay nilang sinabi ulit, na sa pagkakataong ito'y nahahalata ko na ang mga mukha nilang may bakas ng sikreto na hindi nila masabi sa akin.

Umandar ang motor sa utak ko. Sinubukan kong manghula pero nabigo lang ako. Wala akong ideyang nabuo sa imahinasyon ko.

Saglit pa, ang dalawa kong mga bola sa mata ay nakakuha ng atensyon sa mga bagay na nakahilera sa isang kanto katapat ng kinatatayuan ko.

Ang mga bag, maleta, at iba kong gamit ay nakaparada na kumakaway sa akin.

"Dahlia, anong ibig sabihin ba nito?" Itinuro ko ang itinutukoy kong mga bagay na nakaimpake, na ang lahat ng iyon ay mahalaga sa akin.

"T-Trinah..." Nauutal siya. Tila natatakot si Dahlia na ipaalam sa akin ang buong pangyayari.

Nilapitan ko siya at tinanong ulit.

"D-Dahlia, ano?"

Nagtitigan sila ulit ni Hailey, bagay na kinaiinisan ko na dahil ang inakala ko lang na simpleng pag-ibig ang titigan nilang iyon, ay may lihim palang sila ang unang nakakasaksi.

"Dahlia, huwag mong sabihing—"

"Oo." Kinurot ni Hailey ang balakang ni Dahlia upang huwag siyang magsalita. Ngunit, mahal ako ng kaibigan ko. Ang anumang alam niya ay alam ko rin.

"Oo,Trinah. Ang totoo, kailangan nating umalis na sa condo na iyan dahil may ibang pamilya na ang lumipat kanina lang," pagpapatuloy niya.

"Ano? Sino?" patuloy na usisa ko.

"Hindi ko alam. Basta't ang sabi ni Hailey, wala na siyang hawak sa condo dahil binenta na ni Andrew ito. May malaking problema raw ang kinakaharap ng kumpanya ng daddy niya. Kaya, kailangan niya ng pera."

"Ibig sabihin, si Andrew pala ang may-ari nito na matagal nang tumutulong sa atin? Ibig sabihin, hindi pa rin niya ako pinabayaan all this time na akala ko'y sunud-sunuran lang siya ng pamilya niya?"

Tumango ang dalawa. Napagtanto ko sa aking sarili na talagang hindi pa rin kaya akong pabayaan ni Andrew. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, na-touch pa rin naman ako ng kaunti sa tulong na ginawa niya. Pero, sa ibang banda'y tumatakbo ang isip ko na baka ginagawa lang niya iyon para makabawi sa akin.

Paano kung alam na pala niya ang totoo nang matagal na?

Paano kung gumagawa siya ng kabutihan sa akin para bumawi sa kasalanan niya sa akin?

Hindi! Hindi pa rin maaaring pagtiwalaan ko siya ulit. Kailangan pa rin niyang magbayad sa ginawa niya sa akin.

***

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon