Nagkamalay ako at naaninagan ang liwanag ng ilaw sa living room. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa, ngunit sobrang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin na yata ako.
Luminga-linga ako sa kahit saan, hinahanap kung sino ang nasa bahay. Hindi ko in-expect na makauwi nang maaga si Andrew dahil alas sais pa lang ang oras noon habang ang sabi niya'y baka hating-gabi pa ang out niya sa trabaho. Therefore, sigurado akong may ibang taong naghatid sa akin sa tirahan ko at inalagaan pa ako. Pinilit kong tumayo para maghanap nang makakain dahil gutom na gutom na rin ako. Ngunit, hindi pa lang ako nakahakbang ay agad nagpakita sa akin ang nakashort lang na lalaki at walang damit pang-itaas.
"Hep, hep, hep, saan ka pupunta, babae?" pagpipigil niya sa akin.
Naninigas ang mga paa ko na para bang naka-istak na ayaw nang kumilos pagkarinig ng boses na iyon. Papalapit siya sa akin habang hindi naman ako makatingin sa kaniya at nasa sahig lang ang aking titig, iniiwasang hindi ko masulyapan ang malusog na katawan niya. Inilapag niya ang dalang pagkain sa maliit na mesa na amoy pa lang ay takam na takam na ako. Kaya, imbes na sagutin ko siya sa kaniyang tanong ay nakakadena na ang aking mga mata sa pastang iniluto niya para sa akin.
Nagmamadaling kinuha ko ang chopstick at akmang susubo na sana nang pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa kamay ko.
"Let go of my hand," angal ko, na halatang kumakalam na ang aking tiyan.
"Sagutin mo muna ang tanong ko," wika niya.
Sa labis na inis ko'y nakasulyap akong saglit sa matipunong katawan niya. Napansin niya ang pag-iwas ko at lalong kinukulit pa niya ako.
"Ok fine. Nagugutom na ako kaya ako tumayo at gusto ko ring makita kung sino ang nagligtas sa akin sa daan."
"All right. Sige kumain ka muna. Pumasok ka na kaagad sa kuwarto pagkatapos mo riyan. Mag-uusap pa tayo," habilin niya sa akin bago siya pumasok sa kuwarto.
Napangiti ako sa kaniyang mga sinabi sa akin. Ewan ko ba, parang naapreciate ko paunti-unti ang mga efforts niya sa akin. Napakaimpossible talagang paniwalaan na naggawa niyang i-manage ang time niya para lang makauwi sa akin nang maaga. At in God's fate, siya pa ang nakakita sa akin sa gitna ng daan na basang-basa na sa ulan. Kaya, medyo kinilig na ako roon at talagang hindi ko na maiwasang mahiya na sa kaniya.
***Inimbitahan si Andrew daw ng Reyman family sa tatlong araw na bakasyon para tingnan ang isang tourist spot at bisitahin iyon. Iyon kasi ang pinakabagong nabili ng kumpanya for another profit na rin as extension ng business. Ang mga beach na katabi roon ay pagmamay-ari ng mga Reyman na kasalukuyang pinaplanong buksan para sa panibagong pasyalan ng mga turista.
Ang anak nilang dalaga na si Antonette, manager doon at baguhan sa pagpapalakad ng negosyo kung kaya't hiniling ng ama nito kay Andrew na turuan sa mga proseso a special request ng babae sa kaniya. Nabanggit din ni Andrew sa akin na naging kaklase rin niya sa college ang babae at matagal na siyang nagugustuhan nito subalit hindi naman siya interesado.
Sa takot ni Andrew na iwan akong mag-isa sa bahay, isinama niya ako sa bakasyon niya para maprotektahan at maalagaan na rin. Buti na lang buntis ako.
Isang oras din ang biyahe naming mag-asawa patungo sa lokasyong itinuro ng map niya. Natunton namin ang eksaktong beach kung saan nakita naming napakalinis at napakagandang pagmasdan. Ang katabing tourist spot nito ay tanaw din naming dinadayo ng maraming tao.
Sa information desk pa lang ay nakaharang na ang mukha ng isang babaeng strikta, maarte, at neat freaky sa katangian. She is Antonette na walang pakialam sa akin at biglang niyakap lang si Andrew at inaakbayan na para bang boy friend niya. Ako namang nasa likuran nila'y naiirita na dahil walang pumapansin at sunod-sunuran lang kung saan sila pumunta.
Inilibot ng babaeng iyon ang asawa ko habang ako'y nakamasid lang sa kanila. Kabilin-bilinan kasi ni Andrew na huwag akong hihiwalay sa kaniya kapag nasa resort na kami dahil hindi ko pamilyar ang lugar doon. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga alon na sumasayaw kahit halos maiiyak na ako sa sobrang pagkabored sa sarili. Walang nakakausap, walang nakukuwentuhan, at walang nakukulitan. Ganoon kalupit sa akin ng pagkakataon habang masaya ang asawa kong nakikipaghuratan sa iba.Sa pagkaaliw ko sa tanawin, nalingat na ako sa dalawa. Hinanap ko sila kahit saan. Malawak pa naman ang buong resort. Nananakit na ang tiyan at binti ko sa kakalakad ngunit 'di ko pa rin sila natagpuan labinlimang minuto na ang nakalipas. Nang sumuko na sana ako, may isang batang naligaw ang lumapit sa akin.
Nagtanong siya, "Iyong magandang babae ba na may kasamang actor ang hinahanap mo ate?"
"Ah... may hinahanap akong babae pero hindi actor ang kasama niya kanina, eh. Bakit mo natanong?"
"Kanina pa kasi kita nakikitang naglalakad saan-saan. Alam mo bang sinusundan kita mula sa kinauupuan mo kanina hanggang dito?"
"Hindi. Bakit mo ba ako sinusundan?"
Bumuntong-hininga siya at umupo muna sa bench katabi ko. Ikinuwento niya ang kaniyang pagkawala sa kamay ng kaniyang ina. Gusto lang daw niya maglaro sa may tabing dagat umaga pa lang, subalit abala ang kaniyang ina sa pagtatrabaho. Madalas kasi siyang isinasama ng kaniyang ina sa resort dahil wala siyang mapagiwanan sa kaniya. Twice a week, kasi ay may lakad ang kaniyang lola na minsa'y nagbabantay sa kaniya. Ang kaniyang ina ay nagtatrabaho sa resort bilang tagalinis.
Mabait naman daw siyang bata. Sa tuwing nakikiusap siyang maligo sa dagat ay hindi siya pinapayagan ng kaniyang ina. Kaya, nalulungkot at naiinggit siya sa mga batang masayang naglalaro kasama ang kanilang ina sa may tabing dagat.
Sa araw na iyon, nagdesisyon siyang lingatin ang ina para magpuntang tabing dagat. Nagtagumpay siya at sa wakas ay masayang naglalaro na habang ibinabasa ang mga paa sa tubig na dumadampi nito. Ngunit, sa kabila ng kaniyang kaligayahan ay napalitan ng pag-alalang baka hinahanap na siya ng kaniyang ina. Nagdesisyon siyang umuwi subalit nakalimutan na niya ang daan ng kaniyang pinanggalingan.
Nakita niya ako na umuupo sa bench na tinatanaw ang mga alon sabay sulyap saglit kina Andrew at Antonette. Kahit bata pa'y naiintindihan niya raw ang mga tingin ko. Gusto siya humingi nang tulong sa akin kaya niya ako sinundan. At iyon, nang nahalata niyang may hinahanap akong tao, naglakas-loob na siyang lapitan ako.
Limang taong gulang pa lang siya pero matalino siyang bata. Dahil sa tulong niya, natagpuan ko ang hinahanap ko.
Isinama ko siyang naglakad papalapit sa dalawang nilalang na nag-uusap. Papalapit na kami nang naramdaman kong higpit ng kaniyang pagkahawak sa bisig ko dahilan para lingunin ko siya.
"Anong problema?" tanong ko sa kaniya.
Umiling lang siya at saka tumago sa likuran ng mga paa ko. Nagpatuloy lang kami sa paghakbang at nang nasa malapitan na ay sumabat ako sa usapan nina Antonette at Andrew.
"Hi, I'm A—"
Mabilis na hinila ako ni Andrew palingon sa kaniya at nagsabing, "What are you doing here? 'Di ba't sabi ko—"
"Ooops, oops, teka lang. Puwede bang makisingit ako sa inyong dalawa?" Naputol na naman ang pangungusap ni Andrew dahil sa babaeng selosa.
Nakaharap kami sa kaniya at nakikinig nang dinugtungan niya ang pagsasalita. Sinabi pa niyang, "Hindi naman allowed siguro na kapag ako ang kasama mo, Andrew, ay nakikipilit sumingit pa ang katulong mo. Insulto yata 'to para sa akin. Ano babae, wala ka bang tiwala sa akin?"
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...