Trinah's POV
Napatayo ako sa hindi ko maipaliwanag kung ano na namang mali sa akin o kung may naggawa ba akong kasalanan kay Mr. Awman. Kasabay nang biglaang pagkilos ko ang pag-iyak ni Fin dahil inakala niya'y aalis na kami sa lugar na iyon. Nawiwili kasi.siya sa mga disenyo ng restaurant.
At sinagot ko siya, "Anong ibig sabihin ng pagbabayad mo sa akin, sir? Hindi ko maintindihan kung ano ang naging kasalanan ko na naman sa 'yo!" Mahinahon lang ako sa umpisa dahil ayaw kong mabigla ang anak ko kung pagtaasan ko si Mr. Awman ng boses.
Dumukot siya ng papel at pluma sa bulsa ng jacket niya at ipinakita sa akin ang halagang kaniyang isinulat sa cheque.
₱5 million? Tama ba ang nabasa ko?
"Heto, kasya na ba sa inyo mag-ina ang perang ito?" wika niya, sabay abot ng cheque.
Nagdalawang-isip akong tanggapin iyon. Sa kabila kasi ng hindi niya pagsustento sa akin bilang anak niya, may karapatan din siguro akong tumanggap ng perang galing sa kaniya.
Pero, paano si Ms. Jazmine? Nangako ako sa kaniyang tutulungan siyang mapalago ang business niya abroad. Higit pa roon, kapatid ko siya. Hindi ko siya puwedeng pabayaan nang mag-isa.
"Hindi ko kailangan ng pera niyo. Kahit na hindi niyo 'ko kinilala bilang panganay na anak niyo, kahit sa kaunting pagtulong man lang ang maibigay ko kay Jazmine, maipakita ko lang ang pagiging kapatid ko sa kaniya kahit medyo huli na."
Sa wakas ay nasabi ko na rin. Hindi ko na nakita ang ekspresyon sa mukha niya dahil tumalikod na ako at humakbang na palabas doon.
Isang hakbang pa, narinig kong muli ang mga pangungusap niya.
"Sandali!"
Kinabahan ako habang napahinto na nakatalikod sa kaniya."Huwag kang magpanggap bilang anak ko at huwag kang umasa na mabibigyan kita ng mana dahil uulitin ko, hindi kita anak!"
"Pa'no mo nalaman?" Hinarap ko na siya habang pinipigilang mahulog ang mga butil ng luha.
"Pinaimbestigahan kita, matagal na. Ina mo si Abigael Adamo na naging ex ko noon. Para malinaw sa 'yo, wala akong naging anak sa kaniya at tanging si Jazmine lang ang anak ko. Kung anuman ang sinabi sa 'yo ni Abby, siguradong puro kasinungalingan lang iyon. Kaya, kung maaari, tigilan mo na sa kalalapit sa anak ko at layuan mo na ang pamilya ko!"
Natulala na ako sa mga salitang ibuwenelta niya sa akin. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ang ina ko ba na tumanggap sa akin ng buong-buo o si Mr. Awman, na sa unang pagkikita pa lang namin ay mainit na ang dugo sa akin?
Ang naisip ko lang, ay puntahan si ina at kausapin kung ano ang totoong kuwento sa katauhan ko.
***
Nakita ko ang ngiti ni Mrs. Adamo habang kausap ang isang babaeng tingin ko'y bagong investor sa kumpanya nila. Nag-aalangan akong lapitan siya dahil baka ma-istorbo ko ang magandang mood niya. Ngunit, wala na akong ibang pagkakataon pa na kausapin siya, kundi iyon lang.
By the way, unti-unting bumangon na ang kumpanya ng mga Adamo dahil doon sa isang investor na nahikayat kong tutulong sa kanila. Malaking business din kasi ang hinawakan ng taong iyon. Kaya, grabe ang naging pag-angat din na naitulong nito sa kumpanyang tinutulungan kong maisalba.
Gayunpaman, wala na akong pakialam sa nakamit na pagtatagumpay ng mga Adamo. Labas na ako sa kanilang mga transaksyon dahil hindi na rin nagpakita ng interes sa akin si Mrs. Adamo. Hinahayaan na niya akong mabuhay nang mag-isa.
Hinintay kong matapos ang pag-uusap nilang iyon. Hanggang sa nagkatyempo ay nilapitan ko na si ina.
Nabigla siya sa biglaan kong pagpapakita sa kaniya.
"Oh, Trinah, anong problema mo na naman at naparito ka?" Medyo nasaktan ako sa pahayag niyang ito.
Kung may problema lang ba ako lumalapit sa kaniya? Hindi naman ah!
"Ms. Adamo, anak mo ba talaga ako?" Naging emosyonal na ang pagbigkas ko sa bawat salitang lumabas sa bibig ko.
"Trinah—"
"Bakit? Ano bang mayr'on sa 'kin para tanggapin mo 'ko o angkinin bilang anak mo?" Pinagtaasan ko na siya ng boses habang pinipiga ko ang mga luhang dumadaloy sa daanan ng dalawang eyeballs ko.
"Ano?" Kumunot ang noo pati ang dalawang kilay ni Mrs. Adamo pagkarinig sa mga salita kong iyon.
Sinadya kong sabihin iyon sa kaniya para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
Dahil sa medyo ma-tao ang loob ng restaurant kung saan kami nagkaharap ng ina ko, hinila niya ako palabas doon at dinala sa garahean. Binuksan niya ang pinto ng kotse at itinulak ako papasok sa loob. Halatang may kaunting galit siya sa akin. Siguro, dahil hindi niya nagustuhan ang pakikitungo ko sa kaniya.
Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Panay tanaw ako sa salamin sa sariling mukha ko. "Naging sobrang rude lang ba ako kay mama?" bulong ko sa sarili ko.
Ilang minuto lang, huminto ang sasakyan namin. Binuksan ko ang bintana at dumungaw sa labas. Nakita ko ang isang gusali na sobrang pamilyar sa akin. Hindi ko lang talaga maalala kung saan o anong lokasyon ba iyon.
Narinig ko ang malakas na busina ng isang sasakyan sa unahan namin. Dumungaw sa bintana ng kaniyang kotse ang lalaki at nagsabing, "Mrs. Adamo, mauna ka nang pumasok."
Pinaandar muli ni Mrs. Adamo ang sasakyan at dumiretso na kami papasok sa makitid na daanan na kasya lang sa sukat ng mga sasakyang daraan. Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Pumasok kami sa loob ng mansyon at pinarada niya ang sasakyan sa garahean.
Nang huminto, nagtanong ako. "Saan tayo?"
Napakunot-noo si ina sa naging reaksyon ko. Totoo, nakalimutan ko na talaga kung saan kami. Hindi ko kabisado na kung kaninong bahay ang pinasukan namin.
"You're nonsense dear," sagot ni Mrs. Adamo sabay umiling.
"Bumaba ka na. Sa loob na lang tayo mag-usap," dagdag pa niya.
Kasunod nito ay ang paglabas niya sa kotse at sinundan ko siya papasok sa loob ng mansyon.
Pamilyar sa akin ang berdeng upuan na naiiba sa living room. Dahil doon, may bigla akong naalala. It's my favorite chair.
Naka-dekuwatrong pag-upo sa sofa si Mrs. Adamo, habang naghihintay kung kailan ako haharap sa kaniya. Nakatitig pa kasi ako sa bagay na pilit ko pang inaalala kung bakit nandoon ang favorite chair ko. Hanggang sa nagsalita na si ina.
"Trinah, ano bang nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba, dear?"
Napahinto ako sa pagtitig sa berdeng sofa at nagising pagkarinig sa boses ng ina ko.
"Hmm... wala naman po," pagsasagot ko, sabay harap sa kaniya.
"Wala ba talaga?"
"Opo."
"Bakit parang hindi mo alam na bahay ko 'to gayong ilang ulit ka nang nakapunta rito?"
"A—aaaa... ang totoo po kasi niyan, nagkaroon po ako ng brain trauma a year ago which results to mild amnesia."
"Huh?"
Napatayo siya sa kaniyang upuan at mabilis na nilapitan ako sabay himas ng mga braso ko.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin ang tungkol diyan? Okay ka lang ba ngayon? Hah?"
Iwinaksi ko ang mga kamay niya at umupo sa berdeng sofa. Nanahimik ng ilang segundo, saka sumagot nang muling nagtanong siya.
"Okay, maiba ang ating usapan; nais mo 'kong kausapin sa restaurant kanina? Bakit, dear?"
Tiningnan ko siya sa mata at sinenyasan sa umupo na rin sa sofa kaharap ko.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomansaAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...