"Hoy impakta! Bulag ka na ba ngayon? Invisible na ako sa tingin mo?"
Kumurap-kurap si Antonette ng ilang beses at hinagod-hagod ang mga pilik-mata para inisin siguro ako. Wala lang naman sa akin iyon kasi feel ko namang naghihinala na siya sa akin bilang may-ari ng fast food. Hinihintay ko lang ang muling pagtanong niya.
"Nakikita pa naman kita, demonyita ng buhay ko. Hindi naman siguro ikaw iyong itinuro nilang boss dito, noh? Feelingera," ani niya sabay pasimpleng humalakhak nang mag-isa.
Kumuha ako ng isang flyers at inilagay sa Mesa malapit sa kaniya sabay sabing, "Ayan, basahin mo ang nasa baba ng papel na iyan kung sino pangalan ang nakasulat." Itinaas ko pa ang mga kilay ko para ma-emphasize ang facial expression ko.
Matapos niyang mabasa ang name ko sa flyer ay luminga-linga siya sa paligid wari'y nahihiya sa kaniyang inasta. I just folded my arms at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
Ilang segundo naging tahimik bago siya nakapagsabing, "Sigurado ako, Kay Andrew, ang pera na ginastos mo rito noh? O baka ninakaw mo 'to sa kaniya? Ikaw pa mukhang magaling ka riyan."
"Sa kaniya nga galing ang lahat ng finances dito. Wala namang masama ro'n kasi mag-asawa kami. Pakialam mo ba? Kapamilya ka ba niya?"
"Napakapilosopo mo talaga!" galit niyang tugon.
"Eh bakit, bida-bidahan ka 'di ba? Hindi ka naman inaano pero pinahiya mo 'ko sa lahat ng tao rito."
Biglang nag-iba ang porma ng mukha niya. Nangungunot na ito dahil sa inis at galit sa mga salitang binitawan ko. Sandali pa'y humakbang siya palapit sa akin at sinampal ako nang malakas dahilan nang pamumula ng sensitibo Kong pisngi.
Bigla akong nahilo, na para bang na mental block ako at nakalimutan ang mga nangyari. Eksaktong dumating si Andrew para protektahan ako at tinanong kung okay lang na ako. Pinagalitan niya si Antonette sa ginawa nitong pagsampal sa akin. Nakita kasi ng asawa ko ang nangyari kahit mahuli siya nang dating. Agad-agad, inalalayan niya akong lumakad upstairs hanggang nakarating sa office ko roon sa mini library.Blangko
pa rin ako sa nangyari. Tinanong niya ako kung ano ang full details para maunawaan niyang ginawa sa akin ni Antonette, subalit wala akong naalala kahit isa roon. Ang tanging nasa isipan ko lang ay ang pagkaramdam ng hapdi sa aking pisngi. Muntik nang umiyak si Andrew sa sinapit ko lalong-lalo nang nangyari na naman ang kinatatakutan niya at iyon ang muling umandar ang pagkakamalimutin ko.
It took how many hours bago nabalik ang kamalayan ko sa encounter ko with Antonette. I barely apologized my employees and customers and talked to them personally sa naging aberya na naggawa ko a while ago.
Ni-refresh ko ang sarili ko with the help of my husband na laging gumagabay sa akin. Simula that day, pamalagian nang bumibisita ang mahal ko at sinusundo ako para masiguro ang kalusugan Kong ligtas at 'di nasasaktan ng iba.
Gayunpaman, hindi nkalusot ang asawa ko sa pamilya niya at sa close contact nilang business partners na mga Reyman. Nagsumbong kasi ang anak nila sa pagpapahiya sa kaniya diumano ng isang Trinah, na walang iba raw kundi ako. Dinagdagan niya ang mga kasalanan ko sa kaniya, na ipinamukhang ako ang umunang nagimbala sa kaniyang payapang pag-upo sa isang mesa habang kumakain.
Ipinatawag ng pamilya si Andrew sa kanilang opisina sa presensya ni Mr. Perrie. Sinunod lang ng lalaki ang order sa kaniya at pumunta roon.
Nang oras mismo nang nagmeet sila, sermon at pagpapayo ang ibibigay sa kaniya ni Mr. Perrie. Mangiyak-ngiyak pa nga raw nagsumbong ang kanilang anak about sa insidenteng iyon. Ipinagtanggol ako ni Andrew, subalit umalma ang kaniyang ama.
"Andrew, tama na ang pagtatanggol mo sa babaeng iyon. Besides, kumuha na ako ng abogado mo para i-process ang annulment mo sa kaniya," wika ng daddy niyang aggresibong paghiwalayin kami.
"Dad, I don't need to file an annulment with Trinah. She is my wife, at kayo naman ang pumili sa kaniya before na magiging katuwang ko sa kumpanya 'di ba? Bakit ngayon nag-iba ka na naman ng gusto?"
"Dahil hindi siya totoong galing sa maharlikang pamilya ni hindi nga siya kadugo ng mga Adamo. Niloko niya tayo at dapat matuto ka na ro'n."
"But dad—"
"Stop it!"
Umuwing bigo ang asawa ko at isinalaysay sa akin ang buong pag-uusap nila. Bilib ako sa katapangan niyang ipaglabab ako, ngunit 'di pa rin niya nqkumbinsing hindi kami paghihiwalayin. Naawa ako sa dalahin niya. I even thought of a way para sumuko na lang at magparaya para sa kagustuhan ng pamilya niya. But, ang makita siyang masayang inalagaan ang anak ko sa tuwing bakanteng oras niya'y nakadudurog ng puso ko.
I loved him so much. Siya kasi iyong taong nagpahalaga sa akin tulad ng yumaong mga magulang ko, na kahit na 'dii sila tunay kong kadugo, minahal nila ako nang lubos.
***Linggo noon, abala ako sa paglilinis ng bahay. Tumunog ang cellphone ko na nilagay ko pa sa dining room. Inutusan ko ang katulong namin na plugin iyon at ibigay sa akin. Sinagot ko naman ang tumawag habang ipinagpatuloy ang pagwawalis sa sa bakuran."
Hello, Mr. Adamo. Kumusta po?" Ang tumawag nga pala ay ang ama ni Amie, ang naging fake father ko no'ng nagkukunwaring Amie Adamo pa ako para maging substitute bride sa kasal.
"Okay lang, Trinah," mahinang tugon niya.
"May bakanteng oras ka ba ngayon?"
"Bakit po?" Nahahalata kong nag-iba ang enerhiya niya sa pagsasalita. Mas naging mahina ang boses niya na para bang kulang na lang ay bumulong na lang kausap ako.
"Bisita ka naman dito sa bahay. Matagal na tayong hindi nag-uusap nang kita-kita lang. Dalhin mo na lang ang baby mo para makita ko naman. Ang cute no'n eh.
"Sige po. Tapusin ko lang muna ang gawain ko dito sa bahay pagkatapos ay pupunta na kami ng anak ko riyan."
Masayang naging tugon niya sa pagsang-ayon ko sa imbitasyon niya. Magaan nang loob ko na hindi siya galit sa akin sa kabila ng naging kamalian ko na mabunyag ang katotohan sa pagpapanggap. Simula noong naipalabas na ang rebelasyon ng identity swapping namin ni Amie, ay pinutol na Ng Mga Perrie ang ugnayan sa kanila. Lubhang malungkot si Mr. Adamo sa naging pagturing sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan. Dahil lang sa isang pagkakamali ng mga anak ay nasira pa ang shares niya sa kumpanya.
Nagfocus na lang ang mga Adamo sa kanilang sariling business at malayang namuhay na si Amie kasama ang asawa niya. Hindi na siya nagtatago o natatakot pang lumabas ng bahay dahil naresolba na ang aming problema.
Sinamahan ako ni Andrew sa pagbisita sa kanila nang sandali dahil may naiwan pa siyang presentation na tatapusin sa opisina niya. Nagpakita lang siya kay Mr. Adamo at umalis na kaagad. Nakita kong nakaupo lang ang mayamang lalaki sa sofa at hndi ako sinalubong sa pinto. Tanging si Mrs. Adamo lang ang sumama sa akin papasok ng dining area.
Doon ko nalamang hindi na halos nakatayo pala ang lalaki dahil sa iniindang na rayuma. May maintenance siyang gamot pero may ibang iniindang na sakit pa rin siyang Hindi pa raw na diagnose. Maayos ang pakikitungo nila sa akin na parang pamilya na ipinagtataka ko naman din.
"Wala ka bang balak umalis sa bahay ng asawa mo, Trinah? Bukas naman ang bahay ko para patuluyin kayo ng anak mo," pag-aalok ni Mr. Adamo sa sincerong pananalita.
Dama ko ang pag-ibig ng isang kadugo pa rin ang turing. Walang nagbago sa amin. Ang turingan nang pagpapanggap noon at kasalukuyan ay pareho lang. Mas nag-alala nga lang sila sa kalagayan ko gayong nagkagulo na ang mga Perrie sa pagdesisyon sa marriage namin ni Andrew.
"Wala po. Maayos ang pag-aalaga no Andrew sa akin. Kaya hindi ko siya kayang iwan nang mag-isa. Mahal niya po kaming mag-ina," sagot ko.
"Pero 'di ba't nagpapanggap lang siya sa ganoong paraan ng pakikitungo sa iyo? O baka nahulog na rin ang puso niya sa iyo nang 'di namin nalalaman," pabirong saad ni Mrs. Adamo.
"Opo," pasimpleng tugon ko.
Isinalaysay ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa amin ni Andrew. Naiintindihan nila ang kalagayan ko pati na rin ang sa anak ko. Ganoon lang na bonding namin ay napasaya ko sila nang lubos. May halong biruan sa pagkukuwentuhan at emotional din pagdating sa usaping death anniversary ng isang anak nila.
Sa araw na iyon ko pa nalamang inaalala pala nila ang kamatayan ng kambal ni Amie. Wala silang naipakitang picture sa aking sapagkat sanggol iyon kinuha sa kanila. Kakapanganak pa lang sa kaniya at hindi nakuhanan ng picture ng sinuman. Nabanggit nila sa akin na kasamang nasunog ang sanggol sa ospital na roon nanganak si Mrs. Adamo. Si Amie lang ang nadala ng ama nito at naiwang naka-incubate ang kambal dahil sa mga complications na nakita nito.
Nasunog ang buong ospital nang hindi man lang natagpuan ang labi ng kanilang anak. Tanging ang salamin ng incubator lang ang nakita nila at mga bones na nagkalat nito.
Naisip nilang patay na talaga ang bata at pinagluksaan nila iyon kada taon. Kaya, hindi nagcelebrate ng kaarawan si Amie dahil sa alaalang pagkapanaw ng kambal.
Nalaman ko ang lahat ng ito nang 'di inaasahan. Nakakalungot din dahil kahit ako nga'y hindi ko man lang nakilala ang tunay kong mga magulang, pero may umampon naman sa aking mag-asawa na mababait. Subalita sila'y Hindi pa rin makamove on sa kambal nilang anak kahit matagal na iyong pumanaw.
Sinamahan ko silang bisitahin ang puntod ng anak nila. Nakalagay lang sa urn ang labi kaya madali lang makita. Ang pamilyang Adamo ay lubhang malungkot talaga ang mga mukha subalit naisipan Kong pasayahin sila sa pamamagitan ng isang selebrasyon.
"Sir and madam Adamo, ibahin na lang kaya natin ang estilo ng pag-alaala kay baby angel niyo. Ilang taon din, kayong nalungkot sa pagkawala niya. Panahon na sigurong i-celebrate niyo naman kaarawan ng kambal para maibsan ang hapis diyan sa puso niyo. Puwede po ba?"
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...