Pinaliwanag ko kay Andrew ang lahat ng nangyari, subalit nabigo lang ako. Ako pa naging masama sa paningin niya. Hindi niya pinaniwalaan ang lahat ng mga pahayag ko. Manapa'y, kinampihan niya si Antonette bilang inosente at walang alam sa nangyari.
"Pabaya kang ina. Tama lang na mas pinili ko ang kagustuhan ng mga magulang ko, kaysa manatili sa 'yo."
Ibinaba ko ang aking sarili para magmukhang kawawa sa paningin niya. Ngunit, imbes na maawa siya ay pinili pa rin niyang iwanan ako at paniwalaan ang nasa may kasalanan. I am very disappointed to myself. Hindi ko maggawang patunayan ang sarili ko na masamang tao ang babaeng kinampihan ni Andrew.
Makapangyarihan at mapera ang pamilya ni Antonette, kaya walang kaya ako sa kaniya. Sa tuwing nagpaplano ako ng mga paraan para kalabanin sila'y napanghihinaan ako ng loob. Ngunit, kung kapakanan na ni Fin ang iniisip ko, biglang lumalakas ang aking tiwala sa sarili.
***Pansamantalang umuwi ako sa lumang bahay namin kung saan ako lumaki. Kahit medyo lutang sa sarili ay pinilit ko pa ring maging matatag para sa susunod na hakbang ko. Tinulungan ako ni Dahlia na linisin ang titirhan ko. Medyo ma-alikabok na ang loob nito, pero puwede ko pa naman din matuluyan.
Hindi ako makatulog dahilan nang pagka-miss ko sa aking anak. Panay iyak ako sa isang tabi nang walang humpay. Kapag pinipilit ko ang aking mga mata ay nakaririnig ako nang pag-iyak ng anak ko. Minamalik-mata ako sa bawat segundo na i-attempt kong matulog. Hindi ko kayang mahiwalay sa anak ko nang ganoon katagal. Kaya, hindi na lang ako natulog ng isang buong gabi.
Kinaumagahan, lumakad akong mag-isa patungo sa isang kumpanya kung saan pumapasok si Antonette Reyman. Nakita ko siyang pumasok doon. Kaya, sinundan ko siya. Malapit ko na sana siya maabutan, subalit hinarangan ako ng mga guwardiya sa may entrance.
"Papasukin niyo, ako!" bulyaw ko nang malakas na rinig ng mga empleyadong pumapasok.
"Hindi puwede po mam. Bawal pong pumasok ang hindi empleyado at walang appointment dito," sagot ng lady guard sa akin.
"Anong b-bawal? Mas bawal pumasok ang kidnapper niyong amo rito!"
Napatigil sa paglakad ang babaeng tinutukoy ko. Akala ko'y narinig niya ang pagbubulyaw ko sa may entrance na kung saan malapit lang siya, iyon pala'y biglang nagring ang phone niya at napalingon siya dahil sinabi na ng ama niya sa kaniya na kapag tatawag siya'y nasa likuran lang siya kaagad sa anak.
"Dad," masiglang pagtawag niya, sabay kaway papunta sa kaniyang ama na kararating lang galing sa States.
Napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita ang mayamang si Mr. Reyman kasama ang isa pang lalaking mukhang bata pa ang tindigan. Hindi ko malinaw na naaninagan ang mukha ng lalaki dahil sa sikat ng araw na nagpalabo ng tingin sa aking mga mata.
Pagsulyap ko sa mga guards, napansin kong naka-focus ang mga mata nila sa mag-ama. Kaya, agad kong sinunggaban ang pagkakataong tumakbo at komprontahin ang babaeng dumukot sa anak ko.
"Ms. Reyman," ani ko, sabay tapik ng kaniyang balikat paharap sa akin.
Tumambad sa mukha ko ang simpleng awrahan niya na malayo sa imaheng nakita ko noong nagkaharap kami sa araw ng pagdukot niya sa anak ko. Noo'y namumula ang kaniyang pisngi at lantad ang mga jewelries sa buong katawan na kasalungat naman sa pagkakataong ito. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin maalis sa isip kong mukha pa rin niya ang kumuha sa anak ko kahit may make-up man siya o wala.
Halatang kinakabahan siya sa kaniyang loob na pilit pinipigilan dahil sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Sumulyap pa nga siya sa kaniyang ama at nagtanong, "Dad, who's this girl?"
Nanlisik ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi niya ako kilala? Wait, scheme ba niya ito para lusutan ang krimeng ginawa niya?
Binaling ko ang aking tingin kay Mr. Reyman na nagtataka sa aking presensya. He knew me. He really did. Naka-attend lang naman siya sa wedding namin ni Andrew. Kaya, namumukhaan na niya ako.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...