Paglabas ni Mr. Adamo sa kaniyang kotse ay pinapalibutan siya kaagad ng mga reporters ng iba't-ibang TV networks. Hindi na siya halos makagalaw dahil sa dami nito. Kasama niya ang kaniyang asawa, ang ina ko, na nahihirapan ding lumusot sa kaniyang daanan. Gusto kong lapitan sila para mabaling ang tingin ng mga tao sa akin. Subalit, mas gugulo pa ang situwasyon kung magpapakita ako sa kanila.
Isang reporter ang nagtanong, "Anong masasabi niyo po sa balitang halos kalahati ng shareholders ninyo'y aatras na sa kanilang investment sa inyong kumpanya? May kaugnayan ba ito sa isyu ng nagpakilalang anak ninyong si Trinah, na sinasabing gold digger?"
Nagsipagtinginan ang mag-asawa na para bang nabigla sila sa katanungang iyon. Nagmamasid lang ako sa mga ekspresyon nila at nagtatago sa isang poste malapit sa kanila. Ilang segundo rin ang lumipas bago akmang sasagutin ni Mr. Adamo ang katanungang iyon. Subalit, sinapawan siya ng kaniyang kabiyak at ipinagtanggol ang kumpanya.
"Walang koneksyon si Trinah, sa isyung pag-atras ng mga investors sa kumpanya namin. Our family issues cannot affect business matters. Thank you."
Sa maikling pahayag na ito, hindi kumbinsido ang mga mamamahayag sa kanilang gustong marinig na isasagot ng mag-asawa. Gusto kasi nilang lawakan pa ang pagsalaysay upang marami silang maisulat at mailathala sa mga pahayagan. Kaya, sa halip na hayaang makaalis ang dalawa, ay mas inipit pa sila kahit na may mga bodyguards ang sumusuporta sa kanila.
Hindi pa sila nakuntento. Nagsipagtulakan silang lahat hanggang sa nakita kong nasasaktan na ang aking ina. Hindi siya napansin ng mga tauhan niya dahil sa abala silang pigilan ang mga tao. Ako na nakakita sa kaniya'y hindi na nakapagpigil sa sarili at naggawang tumakbo upang saklolohan ang aking ina.
"Madam!" sigaw ko mula roon sabay alalay ng kaniyang katawan na itayo. Ito pa nag tawag ko dahil hindi ko na-sink in sa isip na siya ang ina ko.
Namumutla si Mrs. Adamo. Nagkaroon lang naman siya ng suffocation sa sobrang lapit ng mga tao sa kaniya, na nagbunga nang kahirapan sa paghinga. Nasugatan din ang kaniyang mga paa dahil sa tama nito sa gulong ng kotse dulot ng tinding tensyon ng mga tao.
Nakatalikod lang ako sa kanila. No'ng una hindi pa nila ako napansin dahil natabunan ako ni ina. Subalit, matapos ko siyang tulungang humakbang papasok ulit sa kotse, biglang dumating ang mga raliyista at nakilala ako.
Doon na nagsimulang palibutan ako ng mga reporters at mga raliyista ng kumpanya. Napabalitang may tinanggal daw si Mr. Adamo na mga workers niya na hindi binayaran ng forced resignation nila. Kaya, iilan sa kanila'y hindi tanggap ang ganoong situwasyon dahilan para mag rally doon.
Pilit kong pinaandar ang sasakyan ni ina kahit kita niyang sinasaktan na ako ng mga tao, habang nakatalikod sa kanila. Tiniis ko lang ang lahat ng iyon.
"Trinah, pumasok ka na, pakiusap," pagmamakaawang sambit niya.
Umiling ako, wari'y nagpapahiwatig na kailangan kong maiwan para sa kaniya. Si Mrs. Adamo lang ang nasa loob ng kotse dahil noong tinambangan na ako ng mga tao'y nakatakas si Mr. Adamo, sa kanila sa tulong ng mga bodyguards niya. Hindi ako puwedeng sumama kay ina, dahil alam kong susundan lang din kami nila.
Sa halip na tumakas, ay isinakripisyo ko ang aking sarili, para maprotektahan ang taong mahalaga sa akin. Hinarap ko ang mga tao matapos kong mapaalis ang sasakyan ni ina. Tinanggap ko ang mga bulyaw nila at pasakit sa akin. Itinulak-tulak ako, binabato-bato ng kung anu-ano, at sinusuntok-suntok ang buong katawan.
Kinaya ko ang pananakit nila. Hindi ako umiyak, bagkus ay tinatagan ang sarili habang kinukuhanan ng videos ng mga reporters.
Sa aking pagdurusa, ipinapanalangin ko sa panginoon na sana'y may dumating para iligtas ako. Ngunit, walang tumulong sa kalagayan kong iyon. Tumagal ng labinlimang minuto ang sakit na sinapit ko roon. Tumigil lang sila nang may dumating na mga pulisya na nagroronda sa lugar.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...