Andrew's POV
"Anong klaseng anak ka ba, Andrew. Hindi ka ba nag-iisip?"
"Sorry, dad," mahinang tugon ko.
Dinig hanggang labas ng living room ang tunog ng sampal ni dad sa akin. Hindi isang beses kundi bali-baligtad niyang niyupi ang aking mga pisngi na sinabayan pa ng kabi-kabilaang suntok.
First time ko iyong maranasan sa buong buhay ko. Kaya, nabigla at nasaktan talaga ako sa ginawa niya.
"Binigay ko sa 'yo ang buong pagtitiwala ko, pero ano? Sinira mo lang dahil lang sa babaeng iyon!" Dinuro-duro niya ako na para bang walang kabayaran ang naging kasalanan ko na talagang bakas sa awrahan niya ang labis na pagkamuhi sa akin.
"Dad, I'm sorry. Talagang minahal ko na siya ulit at—"
"Stop explaining..."
"Dad, I want you to know how much I love her coz—" Muntikan na akong lumuhod sa harapan niya, ngunit pinigilan niya akong gawin iyon.
"I said, stop explaining. Bingi ka ba?" Nanlilisik na ang mga mata ni dad, pero agresibo pa rin ako sa pagsasagot sa kaniya.
"Dad, hindi naman puwedeng ikaw lang ang masusunod sa pamilyang 'to. May sariling desisyon din ako. All these years, hinawakan mo 'ko at napasunod sa 'yo, pero sana intindihin mo naman ang nararamdaman ko sa ngayon."
Talagang pinalambot ko ang boses ko para himukin ang puso ng ama ko na kaawaan ako at pagbigyan sa gusto ko. Subalit, naging matigas si dad, manapa'y pinakunsensya pa ako.
"Andrew, alam mo bang ginawa ng magaling mong kapatid sa pera ng kumpanya? Oo, tinanggap ko siya ulit at binigyan ng posisyon sa kumpanya natin dahil hinikayat mo 'ko na ibalik ang tiwala ko sa kaniya. Pero, anong nangyari... ang nangyari ay—"
"Anong nangyari, dad? Ano?" bulyaw ko.
Nabunulan ng laway si dad dahilan ng hindi niya pagtukoy sa kaniyang pagpapahayag. Akala ko sinadya niyang putulin ang pangungusap niya, pero kinakabahan na ako sa susunod pang pangyayari.
Nanginginig na ang mga bibig ni dad at ang kaniyang buong mukha ay pumuputla na. Hindi na siya masyadong gumagalaw at unti-unting pumipikit na ang kaniyang mga mata habang ang kanang kamay niya'y nakadiin sa dibdib niya. Para na siyang buhay ngunit wala ng reaksyon. Kaya, nilapitan ko na siya at sinalo sa mga bisig ko.
"Dad... Dad, okay ka lang ba? Dad?" Naiiyak na ako sa sobrang kaba at pag-aalala.
Nanginginig na ang kalamnan ko, sa takot na baka ano pang masamang mangyari sa kaniya gayong alam kong sintomas na iyon ng pag-atake ng puso.
Kaya, humingi na ako ng tulong.
Agad na rumisponde ang mga kasama namin sa bahay. May isang katulong kami na tumawag na ng ambulansya at ang iba'y tinulungan akong buhatin si dad para ipuwesto sa sofa.
Ilang minuto pa'y narinig ko na ang ugong ng ambulansya. Inutusan ko na agad ang isang security guard namin na buksan ang main gate para patuluyin ang mga naka-unipormeng taga-mediko. At, sa iglap lang ay mabilis ang kanilang pagkilos na nagbigay ng tulong para maihatid si Dad sa ospital.
***
Sinalubong ako ng sampal ng ina ko pagkalabas ko sa gusaling pagamutan. Magpapalit lang sana ako ng damit at kukuha na rin ng mga kasuotan kong gagamitin at mga pagkain para gagamitin sa pagbabantay ko sa aking ama na naka-confine sa loob ng ospital.
Namumula ang mga mata ni mommy; kulang na lang ay kainin na niya ako. Masakit man ang pisngi ko bunga ng epekto sa malakas niyang pagsampal, ay tiniis ko iyon kahit malarosas na ang kulay ng pinaglapatan ng kamay niya.
Sinubukan ko siyang yakapin para ibsan ang kasalanan ko, gayong nakita ko na siyang humihikbi na nang walang ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Subalit, tinulak niya ako palayo sa kaniya dahilan para matumba ako at itinayo naman ako ni Antonette, na sa pagkakataong iyon ay kasama ni mommy para puntahan si dad sa ward.
"Umalis ka na," pag-uutos sa akin ni Antonette.
"Pero—"
"Ako nang bahala sa mommy mo, Andrew. Babantayan ko na rin ang dad mo. Magpahinga ka muna at magpalamig kung saan gusto mo. Sige na."
Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa pamilya ko. Sa kabila kasi ng pag-iwas ko kay Antonette na maging asawa niya ay naggawa pa rin niya akong tulungan. Nagsisisi tuloy ako nang dahil sa sama ng loob ay inatake sa puso ang ama ko.
Iniwanan ko si mommy at si Antonette doon at umuwi muna sa bahay. Pinalamig ko muna ang sarili at nag-isip nang malalim. Hindi ko na inalala muna si Trinah at ang pagmamahal ko sa kaniya sa mga oras na iyon. Manapa'y, nag-iisip ako ng paraan para makabawi sa pamilya ko.
Pagbaba ko kasi sakay ng taxi mula airport ay kinabahan na ako pagkakita sa magandang bahay namin. Hindi ko inisip noon na may masamang balita pala ang aking daratnan dahil si Trinah at aming alaala abroad lang ang dahilan ng aking pagngiti sa bawat hakbang ko.
Ang senyas ng pagtahol ng nakataling aso namin ang nagpukaw sa akin na harapin ang naiwang pagtakas ko sa katotohanan.
Nadatnan ko si Dad nang mag-isa habang umiinom ng nakakalasing na alak sa may living room. Ilang araw na pala niya akong hinihintay na makabalik ng bansa. At sa oras na nakita niya ako papalapit sa kaniya'y nag-alab na ang kaniyang damdamin at naghahanda na ang kaniyang kamay para parusahan ako.
Yes, suntok at sampal niya ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng bahay.
Nalaman nilang hindi ko kasama si Antonette at sa halip na siya ay si Trinah ang humalili bilang asawa ko. Isinalaysay kasi ni Antonette ang ginawa sa kaniya ni Trinah kasama ni Hailey bago siya nakatakas sa pagkakabilanggo sa kaniya sa isang kuwarto.
Kaya, labis ang pagkagalit ng pamilyang Reyman sa Dad ko.
Sa aking pagmuni-muni, hindi ko muna pinansin ang mga tawag at texts sa phone ko. Lumabas muna ako at naglakad-lakad sa kalsada para ibsan ang alalahanin ko sa pamilya ko.
Nakasalubong ko si Hailey, ang assistant ko, na papunta rin pala sa bahay para kausapin ako. Tahimik lang siya sa umpisa, pero inilahad niya rin kalaunan ang pakay niya sa akin.
"Boss, pasensya ka na ha, sa ginawa ko. Nag-alala lang talaga ako sa 'yo at sa relasyon niyo ni Trinah. Alam ko namang mahal niyo ang isa't-isa kaya naggawa ko iyon," pagsasalaysay niya.
Gusto pala niya humingi ng tawad sa akin.
Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at sinabing, "Okay lang iyon. Tapos na iyon, eh. Tama naman ang ginawa niyo ni Trinah, pero—"
Natigilan ako dahil sa sobrang lungkot ko sa nangyari sa ama ko.
"Bakit boss? Pinagalitan ka bang lalo ni Mr. Perrie?"
"Oo, natural nagkamali ako, eh. Tinanggap ko naman lahat ng mga bulyaw niya; ang problema nga lang may nangyari sa kaniya."
"Hah? Anong nangyari sa dad mo, boss?"
Ibinaba ko ang kamay ko mula sa pagkapatong sa balikat niya at tumugon ng, "Hindi niya kinaya ang sobrang galit niya sa akin, eh. Inatake siya sa puso at kasalukuyang nagpapagaling na sa ospital."
"Hah? Gano'n ba? Ang saklap pala talaga ng epekto ng ginawa natin boss. Hindi ko akalaing hahantong pa 'to sa ganito."
"Iyon na nga, eh."
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...