CHAPTER 19:Bwelta ng buntis

3 0 0
                                    

Nagtawanan ang magkakaibigan at tinutukso sina Andrew at Antonette dahil sa kanilang ubod ng sweet sa pagsubo ng dalaga sa kapares nito. Iniyuko ko lang ang ulo at binilisan sa pagsubo ng burger para roon man lang makakuha ako ng lakas ng loob para sawayin ang dalawa.

"Kailangan ko nang kumilos talaga bilang asawa ni Andrew. Hindi ko na kaya 'to," motivation ko sa sarili bago ako tumayo at lumapit sa posisyon ng dalawa.

Inagaw ko ang pagkaing paunti-unting isinusubo ng babae at natigilan silang bigla sa kanilang kasiyahan nang sabihin kong, "Itigil mo iyan."

"And why?" pag-aangal ni Antonette na halatang naiinis sa ginawa ko.

Biglang lumakas ang pintig ng mga pulso ko at saglit na umurong ang mga dila ko na para bang ayaw ako pasalitain. Sinulyapan ko rin si Andrew na panay titig lang sa akin, ipinapahiwatig na sasabihin ko nang totoo na mag-asawa kami, ngunit ang nasabi ko lang ay puro pagkukunwaring ang basehan ay itago lang ang true affection ko kay Andrew.

"A-aaa..." Nauutal ako na panay lunok ng laway na lang ang mga kasunod.

Kita kong hinihintay nilang sagot ko. Kaya, para makaiwas sa kahihiyan, nag-isip ako ng ibang dahilan na puwedeng panlusot na tugon sa gusto nilang malaman mula sa pagsabat ko.

Nang nakaisip na ay nagsabi akong, "Mmmm... h-hindi mo responsibilidad na tratuhin siyang parang disabled. Ako ang personal assistant niya sa bahay, kaya I think, kung tinatamad siyang kumain ay dapat ako ang gagawa no'n."

Bumagsak ang mga balikat ng dalaga at napangiti sa mga pangungusap ko. Kahit 'nonsense' iyon para sa kaniya, at least naitaguyod ko namang ipahayag ang mga gusto kong sabihin. Katunayan, mas lumakas pa ang halakhak nila pagkatapos marinig ang mga dahilan ko na ang akala ko'y mapatigil ko na sila. Humingi na lang ako ng permiso para aalis muna roon sa sobrang awkward na talaga at kahihiyan na rin.

I ran to the comfort room at doon inilabas ang lahat ng inis ko sa sarili. Napakahirap ba talagang magkunwari ng totoong nararamdaman? Sa sobrang kaba ay halos pumutok na ako sa pagpipigil nito. Buti na lang siguro, magaling akong umiba ng ideya, maisalba lang ang tinatakpang katotohanan sa aking pagseselos.

***

Dali-daling inimpake ko ang mga damit ko at umalis kasama ang ampon kong si Totoy. Nahihirapan man akong makasakay papunta sa destinasyon namin, subalit tiniis ko iyon alang-alang sa paninindigang iwan ng direstsahan si Andrew doon total gusto naman niyang manatili siguro sa babaeng iyon.

Sa tagal ng taxi, naabutan niya ako roon. Bumaba siya mula sa kotse at sininghalan ako kung bakit daw pabigla-bigla akong umaalis. Ipinapasok ko muna ang bata sa loob ng kotse bigay ang mobile phone ko para makapaglaro muna siya roon. Isang paraan na din para 'di niya marinig ang sigawan namin ni Andrew.

"Anong pumasok na naman sa kukuti mo buntis at nagsabalutan ka nang mas maaga kaysa sa akin? 'Di ba't kabilin-bilinan ko sa 'yo na huwag kang lalayo sa akin o aalis na lang nang walang paalam?" singhal niya sa akin.

"Wow, huh, kung makasalita nang hindi lalayo ako sa kaniya, eh sino pala ang taong inuna lang ang kaniyang paglalandi sa iba kaysa asikasuhin ang asawa niya, aber?" pagsasagot ko sa kaniya.

Sandaling natahimik siya at napakamot sa kaniyang ulo. Ako nama'y medyo natatawa sa facial expression niyang 'di maintindihan. Tatlumpong segundo siguro ang pagiging estatwa niya bago naisipang magpaliwanag sa side niya.

"Look, Trinah, I'm a busy person and you know that already. Ilang beses ko bang sinabi sa 'yong ang lahat ng ginagawa ko ay part ng business namin. Hindi pa ba malinaw sa 'yo iyon?"

"Nope. As long as hindi mo kami ni baby pinapahalagahan, anytime puwede kitang iwan."

"But that's not my baby," wika niya, na bahagyang napatigil ako sa pag-iisip ng susunod kong isasagot.

Ang akala ko, tinanggap na niyang buo ang anak ko kahit 'di niya tunay na anak, subalit dumating kami sa ganoong point na susumbatan pa rin niya ako tungkol dito sa dinadala ko. I couldn't bear to endure the hurt because, while pagdating sa baby ko, napakasensitibo ko talaga lalong-lalo na hanggang ngayon, hindi ko pa nakukuha ang hustisyang nagbunga ng pagbubuntis ko. Kaya, ibinalik ko sa kaniya ang mga salitang binitawan niya.

"I know that this is not your baby, but this is the fruit of your brother's sin to me. Naging kasabwat ka niya dahil kinonsenti mo siya!"

Nanginginig na ang boses ko, pahiwatig na nawalan na ako ng kontrol sa emosyon ko. I was badly hurt dahil sa tuwing naalala ko ang mga bagay na patungkol sa anak ko ay bumabalik sa akin ang mga nangyari sa nakaraan ko.

Lumapit si Andrew at mahinahong kinausap ako. Ramdam Kong nakokonsensya siya sa kaniyang nasabing nakakapagpasakit sa damdamin ko. He begged for forgiveness, ngunit nagmatigas ako.

"Anong puwede kong gawin para mawala iyang galit mo?" sabi niya, na halatang sincero sa pakikiusap sa akin.

Naggawa pa niyang hawakan ang mga bisig ko subalit iwinaksi ko iyon sabay sabing, "There was none. Just stop begging for nothing."

"Pero hindi makabubuti sa kalagayan mo ang malungkot at magalit," dagdag pa niya.

"I don't care. Just—"

"Hey, you two, what's going on here? Nag-aaway ba kayo?" sabat ng babaeng kakahinto lang sakay ang kaniyang magandang motor.

Mas nag-alab ang galit ko nang nakita ko ang babaeng pinagseselosan ko lately. Naging rebound ko si Antonette sa pagiging bad mood ko kay Andrew. Hinarap ko siya at sinagot, "Oo at bakit?"

Nakahalf-smile lang ang kontrabida na para bang sinadya niyang inisin ako. Alam niya kasing hindi maganda ang mood ko dahil sa nakaangat kong eyebrow.

Bumaba siya sa sasakyan niya at inilagay ang helmet sa upuan nito. At, tinitigan niya ako nang diinan. She looked up and down at me, and ipinapakitang mas nakalalamang siya sa akin. Totoo, katulong lang ako sa paningin niya pero hindi na sa pagkakataong iyon.

Then she started speaking, "At ano naman ang rason ng bangayan ninyo?" Nakaangat ang kanang kilay niya, na magmukhang marites na dahil sa tuwing nag-uusap kaming mag-asawa ay nakikialam siya.

"Aba, ikaw na talaga ang marites ng buhay namin ni Andrew. Sa sobrang updated mo, baka maabutan ka pa ng dilim kapag nakikichismis ka pa sa amin."

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng katulong mo, Andrew. Turuan mo naman ng magandang asal. Napakaover na niyang magsalita. Hindi ba niya ako nakikilala?" Halatang naiinis na si Antonette sa akin dahil doon na sa asawa ko humihingi ng tulong.

"Pasensya ka na, tonet, kalimutan mo na lang ang mga sinabi niya. Ako na ang bahala sa kaniya," pagpapaliwanag ni Andrew na naiipit na rin sa situwasyon.

Pinilit niya akong sumama na sa kaniya at pumasok sa kotse para matapos na ang gulo. Ngunit, hindi pa nagtatapos doon ang pag-uusap namin. Sinabi ko sa sa marites na babae, "Yes, kilala kita, Antonette, not in your biography but in your attitude towards my husband. Andrew is my husband, and I am his wife. Ang babaeng inakusahan mong katulong ay asawa ng nilandi mo.

Kaya, tumabi ka riyan dahil dadaan si Mrs. Perrie na ni-look down mo ng tatlong beses."

Kasabay ng huling banat ko sa babaeng iyon ay ang pag-anyaya ko sa asawa kong pumasok na sa kotse at aalis na pauwi ng bahay. Walang naggawa si Andrew kundi sundin ako at iniwang nakatayo ang babaeng kontrabida katabi ng kaniyang motor.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon