Nagpaalam si Mrs. Adamo, na umalis para asikasuhin ang iba pang problema ng kumpanya. Sumama sa kaniya si Amie, para maging witness sa harapan ng board sa ginawang substitution ko noon sa dapat na kasal nila Andrew. Tinawagan naman si Andrew ng kaniyang ama na magpakita sa meeting nila with Mr. Adamo and other shareholders, para ipakilala bilang susunod na tagapagmuno ng kumpanya ng pamilya.
Wala akong bantay sa pagkakataong iyon. Wala rin akong ini-expect na bisita dahil wala naman akong kapamilya na maliban kay Dahlia, na imposibleng makadalaw sa akin dahil malayo na ang tirahan nila. Kaya, nilibang ko na lang ang sarili sa panonood ng videos sa phone at pagbabasa ng mga balita sa newsfeed.
Sa gitna ng aking pag-iisa, ang tahimik na silid ay napalitan nang maingay dulot ng isang taong dumating ng 'di ko inaasahan. Yes, I remembered everything na on that time dahil sa epekto ng mga gamot na iniinom ko. Bumalik na ang mga alaala ko sa mga tao at mga bagay-bagay pansamantala.
Habang natutuwa ako sa isang comedy video na pinapanood ko, biglang may kumatok sa pinto at mula roon, dinig kong sinabi ng isang nurse na mayroon daw akong papasok na bisita. Sinagot ko naman siya nang papasukin iyon.
Abala pa rin ako sa kakapanood ng videos nang sa mga sandaling iyon ay marahas at padabog na pumasok ang isang babaeng pang model ang pormahan. Napasulyap ako sa kaniya at nang nakilala'y ibinaba ko ang phone at ibinaling ang pokus sa kaniya.
"Bakit ka napadpad dito, babae ka? Alam mo bang sobra na iyong ginawa mo sa 'kin? Wala kang—" Pinigilan niya ako mula sa akma kong pagsampal sa kaniya.
"Sige, gawin mo. Mahina ka pa, Trinah, kaya ako sa 'yo makinig ka muna sa sasabihin at ipapakita ko sa 'yo ngayon."
Oo, tumaas ang dugo ko nang makita kong pagmumukha niya. Ang mga labi niyang mapula ay napakagandang dikdikin nang pinong-pino. Subalit, hindi ko magagawa iyon dahil mahina pa ako.
Umupo akong muli sa higaan at nakinig sa kaniya. Ramdam ko kasing importante ang bagay na sasabihin niya. Kaya, nagpasya akong huminahon muna at pakinggan siya.
Kinuha niya ang mga papel na pinahawak pa niya sa kaniyang right hand na babae at iniabot lahat ng iyon sa akin. Sinenyasan niya akong buksan iyon para matingnan ang laman ng envelope.
Kinakabahan ako nang mahawakan ang mga papel sa loob. Para bang may nagsabi sa puso kong hindi ko buksan iyon. Kaya, imbes na tingnan ay pinunit ko ang envelope at ikinalat sa harapan niya.
"Anong pakulo na naman 'to, Antonette? Halata namang invitation card ang laman niyan tapos pabubuksan mo pa. Ano 'ko tanga?" galit kong sabi.
Pinaikot niya ang dalawang mga mata at ngumiti nang may pang-aasar, saka tumugon, "Oo, ang tanga mo talaga, Trinah!"
"Ano?" wika ko naman.
Bumuntonghininga muna siya at tinabihan ako. Tinitigan ang mga mata ko sabay sabing, "Tingnan mong maigi kung invitation card ba iyan. Tingnan mo!" paninigaw n'ya.
"Iniinsulto mo pa ako ha. Pulutin mo at nang makilala mo kung sino iyang nasa picture," dagdag pa niya.
Dahan-dahang pinulot ko ang envelope at tinagpi-tagpi ang laman niyon. Nakita kong isang picture ng biological mother ko kasama ang isang lalaking kamukha ko na hindi ko kilala. Wala akong ideya sa pahiwatig ni Antonette. Kaya, tinanong ko na siya.
"I'ts my real mother and a man. Anong ibig mong sabihin ng mga 'to?" usisa ko.
Tumayo siya at tinapik ang balikat ko, "That is your mother and her ex-boyfriend. In short, the man beside your mom is your biological father. Naiintindihan mo na?"
"Paanong nalaman mo ang mga 'to nang hindi ko alam. Anong motibo mo?"
"Dalawang bagay lang ang ipapaalam ko sa 'yo tungkol diyan. Una, ang pamilyang kinabibilangan ng father mo ay may kaugnayan sa mga Perrie family. Pangalawa, since papa mo si Mr. Awman at ina mo si Mrs. Adamo, siguradong masisira ang pangalan mo at nang pamilya mo pati na ang business nila sa hinaharap. Don't worry, ako pa naman ang nakakaimbestiga nito. Kaya, nasa akin ang desisyon kung isisiwalat ko ang sekreto ng pamilya mo o itatago."
Napaluha ako sa biglaang pagkaalam ng katotohanang iyon. Nalilito pa ako kaunti. Hindi ko alam ang history ng pamilya ng ama ko ni hindi ko alam kung sino at anong pagkatao ang mayroon siya.
Hindi na ako nag-usisa pa sa buong detalye dahil sa takot na baka dagdagan o pagsisinungalingan lang ako ni Antonette. Gusto kong makasigurado kung ano ang totoo. Pero bago iyon, kailangan ko munang lumayas ng ospital para patagong imbestigahan ang tungkol sa isyu ng pamilya ng tunay kong ama.
***Masayang ibabalita sana ni Andrew sa akin na nagkaroon na siya ng permiso mula kay Mrs. Adamo, na iuwi ako para maalagaan. Gusto raw niyang bumawi sa lahat ng pagkukulang niya sa akin. Bilang asawa, tungkulin daw niyang alalayan ako sa sakit ko.
Nagbago ang kaniyang desisyon na itago sa pamilya niya na babalikan niya ako dahil sa nalamang minsa'y makakalimot na ako sa kaniya. Masakit sa kaniyang makita akong hindi siya natatandaan gayong parte siya ng nakaraan ko. Ang totoo pa'y, mahal niya pa rin daw ako.
Nang buksan niya ang pinto sa room ko para ibalitang makakauwi na ako, laking gulat niyang makitang wala na ako sa aking higaan. Nilibot niya ang buong kuwarto pati na sa palikuran, ngunit sa kabila ng kaniyang pagsisikap ay hindi pa rin niya ako natatagpuan.
Dumungaw siya sa labas at iba pang ward para hanapin ako, subalit hindi pa rin niya ako nasusumpungan. Naisip niyang baka naunang nag check-out na ako. Kaya, pumunta siya sa information desk upang magtanong tungkol sa akin.
"Nurse, nakalabas na po ba si Mrs. Perrie?"
Agad na tiningnan ng attendant na nurse ang kaniyang monitor at tumugon, "Sir, hindi pa po. Waiting to check-out pa po ang nakalagay dito dahil hindi pa po nabayaran bills niya."
Klinaro ni Andrew ang pangalan ko sa monitor upang masigurong tama ang na-type na pangalan ng nurse. Nang nakumpirma na niya'y saglit na huminga siya nang malalim at nag-iisip kung saan ako maaaring pumaroon.
Maya-maya pa'y, dumaan sa harapan niya si Amie, na inutusan ng aming ina na magbayad sa bills ko. Nilapitan siya kaagad ni Andrew at nagtanong kung nasaan ako.
Pabagsak na sinagot siya ng kapatid ko,
"Asawa ka, pero 'di mo alam?" Nakaslight ngiti siya at kaunting bumuga ng hangin para ma-clear out ang throat niya."Nakalabas na siya kanina lang. Kay mommy siya nagpaalam na nakalabas na siya dahil sa personal niyang dahilan. Heto nga oh, ako pa ang inutusan ng ina ko para i- process check-out niya," dagdag pa niya.
Nakadalawang hakbang na siya papuntang cashier nang pinigilan siya ni Andrew ng isa pang tanong.
"Saan ba siya raw pupunta?"
Hinarap siya ni Amie at sinagot, "Aba, malay ko ba!" At nagpatuloy sa paglalakad habang naninigas ang buong katawan ni Andrew sa pagkadismaya sa sarili.
***Pagkauwi ko sa condo ko galing sa lugar kung saan ako itinuro ng tadhana na diumano'y kinaroroonan ng ama ko, sinalubong kaagad ako ng magkasalungat na mga kilay ng isang lalaki. Hawak niya si Fin sa braso, na mahimbing na natutulog, na para bang komportable ang posisyon niya sa pagkahahawak sa kaniya.
Dinedma ko lang siya. Manapa'y dumiretso ako sa kuwarto upang magbihis. Maghuhubad na sana ako ng damit pang-itaas nang napansin kong may itim na jacket ang nakasampay sa bukas na wardrobe ko.
Dahan-dahang nilapitan ko iyon at hinawakan nang isang segundo lang. Naialis ko ang mga daliri ko kaagad dahil parang nakukuryente ako dahil sa alaala ng nakaraan.
Sinubukan kong hawakan iyon ulit. Ngunit, sa pagkakataong iyon, biglang pumasok sa kuwarto si Andrew.
"Gusto mo bang suotin iyang jacket ko?" aniya.
BINABASA MO ANG
Trinah, The Substitute Bride
RomanceAng babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang...