CHAPTER 22: Bangayan nina Antonette at Trinah

2 0 0
                                    

Narinig ko ang malakas na tawag ni Andrew mula sa kusina. Hindi ko klaro ang pangungusap niya dahil nasa loob ako ng banyo naliigo. Paglabas ko mula roon, mukha niya kaagad nag bumungad sa akin. He was just like a dragon waited to fire in its enemies.

"What's wrong with you? Mahirap bang magtrabaho dito sa bahay mo ngayong day-off?" tanong ko while maglakad-lakad, iwiisik-wisik ang buhok at pinupunasan iyon para madaling matuyo.

"Madalas ka nang makakalimutin, Trinah. Kahapon, nakalimutan mong isarado ang grill sa lababo after mong gamitin. Ngayon naman, naliligo ka habang naka 1 minute timer lang ang oven toaster."

"Ay oo. May pinainit pala akong soup doon. Naku! pasensya na mahal kong Andrew, matanda na yata ang partner mo," palusot ko na totoo namang nakalimutan ko talagang may nilagay ako sa oven toaster na pagkain. Kumbaga, dinaadya ko na ang sarili ko sa minsang napapansin kong kondisyon ko.

Niyakap ko na lang ang asawa ko at naglambing para maibsan ang galit niya sa akin. Hinalikan sa pisngin at labi bilang pamamaraan ng paghingi ng tawad. Hindi naman siya ganoon kasama para hindi ako patawarin at sa halip, napangiti ko na siya nang inanyayang kumain na.

Habang pinagsaluhan namin ang simpleng agahan, nag-alala pa rin sa kondisyon ko ang kasama ko. Hindi maalis sa kaniyang isip ang napapadalas Kong makalimot sa mga bagay. Bagama't nandoon siya lagi umalalay sa akin para sawayin at punan ang mga 'di ko maalalang ginawa ko, napakaseryoso pa rin ang karanasan ko. Kaya, napaisip siyang ipatingin ako sa doctor upang maggamot nang maaga.

Tumanggi ako sa kaniya at nag-insist na okay lang ako. Nagkukunwari akong masakit lang ang ulo ko sa tuwing may nakakalimutan akong bagay at nagagamot naman kapag umiinom ng sleeping pills. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, hinayaan niya ako sa mga gusto ko at naghabiling ingatan ko raw ang sarili ko. Dagdag pa niya, kung may nararamdaman akong sakit at pagkabalisa ay agad kong sasabihin sa kaniya para mapatingnan ako sa doktor.

***

After five months, medyo malaki na ang anak ko. Kumuha na ako ng tagabantay niya para magtayo ng sariling negosyo. Ang perang binigay sa akin ni Andrew ay binastos ko sa pagpapatayo ng small convenience store, fast food stop sa katabi nito, at mini bookstore na pawang mga sinulat ko ang ibenebenta ko sa second floor ng convenience store. Sabay-sabay ko iyong ipinapatayo, kaya parehong araw lang din matapos ang lahat.

Naghire akonng mga crew at bumili ng kagamitan sa bawat negosyong pinapasukan ko. Katuwang ko sa pagpapatayo si Dahlia, ang best friend ko na hindi ko inakalang nagkaroon na rin ng maraming suitor. Wala sa mga iyon ang nagustuhan niya dahil may hinahanap siyang tipo ng lalaki na wala sa mga iyon. Napag-alaman ko ring nakatagpo niya si Hailey, na personal assistant ni Andrew. Hindi nga lang sila in good terms ng kaibigan ko.

Habang abala ako sa mga negosyo ko, hindi ko namalayang pumapayat na ako, pumapanget, at hindi na naaalagaan nag sarili. Bukod pa kasi sa sarili kong negosyo ay naging freelance writer pa ako sa isang company na bumubuo ng movie. By the way, tinanggap ko na ang offer sa akin lately na i-adapt ang novel story ko into a movie sa isang network. Big opportunity na rin, kaya kinuha ko na.

Kasabay ng pagyabong ng career at business ko ay ang paglubo rin ng sales sa kumpanyang pinamumunuan no Andrew. Maraming humanga sa kaniya sa angling galing niya sa pagpapatakbo nito. Batid ng karamihan ng employees niya ang tungkol sa totoo kong identity na lumaganap na sa iba't-ibang estasyon. Ang iba'y tinatawag nila kaong manloloko at ang iilan ay on process ang pag-uusisa sa totoong dahilan kung bakit ko ginawa iyon.

Doon na pumasok sa buhay muli ni Andrew si Antonette, na nagustuhan ni Mr. Perrie na magiging manugang niya pagdating ng panahon. Nagtatrabaho ang babae sa kumpanya ng mga Perrie upang sadyaing mapalapit sa asawa ko. Hailey told me all about it, kaya alam ko lahat ng pangyayari sa loob.

Hanggang isang araw, magkasamang pumasok si Andrew at Antonette sa fast food na mismong pagmamay-ari ko. Tanaw ko sila mula sa opisina ko gamit ang CCTV camera na nakakabit roon na pinakita sa screen ng monitor ko. Nag-obserba lang ako sa kanilang dalawa. Wala namang kahina-hinala ngunit may kutob akong hindi maganda.

Nakita kong lumabas sandali ang asawa ko para sagutin ang tawag on the phone. Kaya, nagmamadali akong bumaba mula sa itaas at nagkukunwaring isa ring customer doon. Pumuwesto ako malapit sa table ni Antonette, sinasadyang posisyon para magpapansin sa kaniya. Isang pamamaraan na rin para malaman kong galit pa ba siya sa akin kung nakita niya ako.

At sa inaasahang pagkakataon, she noticed me and approached quickly saying, " Nandito pala ang pekeng asawa noon ng lalaking mahal ko. Masakit bang iwan ng isang lalaking hindi para sa 'yo"

Nagtaka ako, bakit kaya ganoon ang sinasabi niya? Naisip ko tuloy na baka nga nag-expect na siyang hiwalay na kami ni Andrew. May mga tanong na pumapaikot sa aking isipan subalit hinayaan ko na lang 'di ipagpatuloy iyon.

Hindi ko siya pinansin, wari'y nakakita lang ako ng hangin. Sinulyapan ko lang siya at ibinaling ang tingin sa order na hinihintay kong mahain sa mesa. Nakita niyang pasimpleng kinain ko ang nakahaing halu-halo nang biglang nainis siya sa facial expression kong nasasarapan.

Inagaw niya iyon sa akin at biglang ibinuhos ang laman sa mukha ko. Ang ginaw pa naman sa balat.

"Hindi bagay sa mga basurang katulad mo ang kumain sa mamahaling fast food katulad nito!" paninigaw niya sa akin habang pinupunasan ko pa ang mukha ko. May mga nakasabit pa namang ice cubes sa mga buhok ko.

Kumuha ako ng isang kapirasong yelo na nahulog sa mesa at itinapon Kong malakas sa mukha niya. Napaatras siyang matanggap ang pagtapon Kong iyon na nagdulot sa kaniyang masaktan dahil natamaan ko ang kanang Mata niya.

"Hayop ka talaga. Tingnan mo nga itong ginawa mo!" Hawak-hawak niya ang natamaan kong mata niya na namumula. Napakasensitibo naman talaga ng balat niya.

"Bakit? Sinong nauna sa atin, 'di na ikaw? Akala mo siguro hindi ako sanay sa basagan ng ulo. Owes, ngayon alam mo na kung paano ako magalit."

"Hayop ka talaga. Tingnan lang natin ang mangyayari after kung tumawag ng pulis." Kinuha niya ang cellphone niya sa mini bag niya at sinubukang magdial subalit naubusan yata siya ng load. Hindi yata umaayon sa kaniya ang panahon, palawaay kasi. Humingi siya ng tulong sa mga guwardiya para tawagan ang hotline ng police station subalit tumanggi ang mga iyon.

Bawal silang gumamit ng gadget sa oras ng duty kaya hindi matulungan ang kawawang kontrabida Lumapit siya sa counter at nakiusap na tawagan ang pulisya subalit maging sila ay hindi tumugon sa request niya. Inis na inis na siya sa lahat ng naroroon. Walang gustong makinig sa kaniya ni tumulong man lang bagkus kahit mga katulad niyang customers ay umaayaw din.

Kasunod niyang hinanap ay ang may-ari ng building. Tahimik lang ang mga staff na para bang dinaanan ng anghel. Kaya, naguguluhan na si Antonette sa nangyari.

"Ano ba kayo? Negosyo ba ito? Bakit parang hinahayaan niyo lang customer niyong ma-bully? I said, gusto kong makaharap boss niyo!" sigaw niya sa boses na galit na galit.

Nagkibit-balikat lang ako, pinagmamasdan siyang parang nababaliw habang ang mga staff ay nakasulyap lang sa akin. Sinenyasan ko lang silang maging kalmado dahil may plano ako.

Ilang segundo lang, lumabas si Dahlia mula kitchen para tingnan kung anong kaguluhan ang nasa dining area. At siya naman ang nilapitan ni Antonette para tanungin kung sino ang may-ari ng fast food building na iyon.

"Maghunos-dili po tayo ma'am. Nakaka-istorbo na po tayo sa ibang customers," pagsasaway sa kaniya ng assistant ko.

"Hindi ako tatahimik hangga't hndi niyo ipaharap ang boss niyo sa akin ngayon din!" Pinagmumura na niya si Dahlia na parang hindi tao.

"Eh teka po Madam. Bakit sa akin po ninyo hinahanap gayong nasa harapan mo na po siya."

"Ganoon ba? Sino? Ikaw?"

"Hindi po. Assistant lang po ako rito. Ang boss po namin ay ang babaeng nasa harapan niyo na kaninaa pa."

"Sino nga? At saan siya? Sabihin mo nga kung saan siya at ituro mo!" pag-uutos niya kay Dahlia.

Trinah, The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon